Part 12
...And Thanks to You, Gino
Natatawang pinagmamasdan ni Sofia si Jasmine. Nasa may balkonahe sila sa taas, having a snack pero parang ewan si Jasmine. Ngiting-ngiti ito na wala namang partikular na nginingitian. Ang pasta at puto sa harap nito ay lumalamig na yata. Hindi siya nakatiis kaya nag-snap siya sa harap ng mukha nito.
Sofia: Hoy, sino ba kangitian mo dyan? Yung puno?!😂 (nakapwesto kasi si Jasmine paharap sa munting hardin ng lola niya at dahil nasa taas sila ng balkonahe, parang kapantay na nito ang puno ng aratiles yata yun)
Jasmine: (nakangiti pa rin) Alam mo, Sofia, ang sarap kausap ni Gino. Palagay ko malapit ng maging "Kami".
Sofia: pag nangyari yan, masaya ako para sa inyong dalawa. Pero i-promise mo na di mo sasaktan si Gino, ha. He is a good man. He deserves to be happy.
Jasmine: ang seryoso mo naman. Para namang magtatagal ang relasyon namin? (Dinampot niya ang puto at kumagat)
Sofia: (matamang tinitigan ang pinsan) Don't tell me, di ka seryoso kay Gino?
Jasmine: Sofia, 2months lang ako dito and after that, babalik na ko sa manila. Meaning, babalik na ulit ako sa dating Jasmine. Sa totoong Jasmine.
Sofia: Ano ba ang dating Jasmine? Sino ba ang totoong Jasmine?
Jasmine: partygoer, playgirl, pasaway and full of fun!
Sofia: ikaw ba yan talaga? O yan lang gusto mong paniwalaan namin... Na ganyan ka. But the truth is, you are a lonely woman who seek for love and attention. You want to be a happy but, Jas,you cannot find happiness by pretending you are happy.
Jasmine: shit, Sofia, wag mo akong lecturehan about happiness. You don't know me. You have no idea who really am i!
Sofia: Siguro nga, hindi talaga kita kilala. Baka nga nagkamali ako ng pagkakakilala sa yo. But please, spare Gino with your games! Mabuti siyang tao. Hindi niya deserve ang mapaglaruan ng isang manilenya na walang nasa isip kundi ang mang-trip!
Jasmine: (napikon na!) Wow, ha! Why do i have this feeling that you like him? May gusto ka pala sa kanya, bakit hinayaan mo akong landian siya? Puwede namang ikaw na lang ang lumandi sa kanya, i could give you some tips on how to flirt him. (Nakakaloko niyang ngiti)
Sofia: ( tiim ang bagang) Wag mo akong igaya sa iyo, Jasmine! Hindi lahat ng bagay nakukuha sa landi. Decency. Respect. Yun ang meron kami ni Gino sa isa't isa. Hindi kailangan magkagusto ka sa lalaki para magmalasakit. He is my childhood friend and i care for him!
Jasmine: ewan ko sa yo! Ang arte mo! Dami mong ek-ek. Wala ka naman palang gusto sa kanya, pwes wag mo akong pakialaman sa trip ko!
Inis na iniwan niya si Sofia! Darn, bakit pakiramdam niya, napaka-walang-kwenta niyang babae. Na kumpara kay Sofia, wala siyang binatbat. Na ganda lang ang inilamang niya! Shit! Shit! Shit! Ang ganda ng araw niya, nasira ng walang kwentang diskusyon nilang magpinsan!👊👊😤😤
Sa sobrang inis niya, naisipan niyang maligo sa dagat! Eh ano kung mag-isa lang siya?! Walang pakialaman ng trip!😤😤 Nakakailan na siyang Down and back-back and down na paglangoy pero di maibsan ang inis na nararamdaman niya para sa pinsan. Sumisid siya sa pinakailalim at pag-ahon niya, nagulat siya na nasa harapan na niya ang nakangiting si Gino. Saglit na tila huminto ang orasan sa kanya.
"Heavens, God of sea ba itong nasa harapan ko?"
Gino: para kang nakikipag-buno sa dagat ah? Sino ba kaaway mo?
"Shit! Mind-reader ba ang gago?"
Hindi siya nagsalita. Sa halip lumangoy siya palapit sa dalampasigan. Naupo sa tabihan at naisipan gumawa ng sand castle. Sumunod sa kanya si Gino at nakitulong sa kanya sa pagde-design ng sand castle.
Gino: Naninibago ako sa yo. Ang tahimik mo.
Jasmine: (nang tunghayan niya ang binata, nakangiti ito sa kanya. Shit! Ngiti palang makalaglag undies na. Napangiti siya sa naisip) Gino, tell me, ano yung pagkakilala mo sa akin? Am i a bad person?
Gino: (mababanaag ang pagtataka sa tanong ng dalaga but chose to answer her question) Nung una, akala ko maldita ka. Malandi. (Saglit na natigilan ng makitang napataas ang kilay ng dalaga) but i was wrong. Habang nagtatagal, nakikilala ko yung totoong Jasmine. Na makulit, maingay at pilya pero mabuting tao pala. Isang kaibigan na maaasahan at mapapagkatiwalaan.
Jasmine: (natigil sa paglalagay ng buhangin sa nabubuo ng castle) ako? Maasahan? Mapapagkatiwalaan?
Gino: (patuloy sa pagdedesign sa sand castle) oo naman. Di ba kahit na sinungitan kita noon, tinulungan mo pa rin si mommy nung natumba ako sa garden. Sa act palang na yun, masasabi ko ng maaasahan kita.
Jasmine; how about dun sa mapapagkatiwalaan?
Gino: (nakangiting humarap kay Jasmine) Nararamdaman yun. At nararamdaman ko na puwede kitang pagkatiwalaan.
Ewan ni Jasmine pero may naramdaman siyang guilt nung mga sandaling yun.
Shit, tama si Sofia, mabuting tao si Gino. Hindi tamang paglaruan niya ang damdamin nito....
Nagpatuloy siya sa pagdedesign ng sand castle. Sinulyapan niya si Gino para sana sabihing, malapit na nilang mabuo ang sand castle pero nagulat siya ng makitang tila nangangaligkig sa lamig ang binata.
Bakit? Eh hindi naman malamig ang simoy ng hangin. In fact, may nararamdaman pa nga siyang init na nagmumula sa sikat ng araw!
Jasmine: Gino, are you okay?
Gino: (pilit ang ngiti. Nakahawak ito sa sentido ng ulo habang parang nagchi-chill ito) yeah! But i have to go. Nakalimutan ko na kailangan ko nga palang tapusin yung pini-paint ko.
Jasmine: gusto mo bang ihatid kita sa inyo? (Tingin niya talaga parang di okay si Gino)
Gino: ( pilit ang tawa) ano ka ba, ayan lang yung resort namin. I'll be fine. Magkita na lang tayo bukas, ha.
Jasmine: okay, if you say so.
Gino: bye, Jasmine. Wag ng mainit ang ulo ha. ( na-sense niya talaga na may ngpainit ng ulo ng dalaga kanina base sa naging paglangoy nito kanina.
Nginitian lang niya si Gino. Tumayo na si Gino at nagsimula na siyang iwan. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
"Siguro nga, hindi talaga kita kilala. Baka nga nagkamali ako ng pagkakakilala sa yo. But please, spare Gino with your games! Mabuti siyang tao. Hindi niya deserve ang mapaglaruan ng isang manilenya na walang nasa isip kundi ang mang-trip!"
Tila nag-echo sa kanya ang naging diskusyon nila kanina ni Sofia. May inis na tinabig niya ang sand castle na ginawa nila ni Gino!😤😤👊👊
" Hindi ako dapat magpaapekto sa mga lecture ni Sofia!"
" i will stick to my plans... magiging kami ni Gino and after two months, whatever happens here in Batangas, stays in Batangas!"😂😂
Abangan.
Enjoy reading God bless
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness