Part 9
....And Thanks to You, Gino
Kanina pa niya hinihintay na bumaba ang mama ni Gino at ang doctor na tumitingin sa binata. Naiwan siya sa sala habang nasa silid ni Gino ang mga ito. Nati-tense siya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumulagta ang binata sa harap niya.
Isang lalaki na nasa edad 40 mahigit ang humahangos papasok ng sala. Bahagya itong natigilan ng makita siya pero saglit lang. Matapos siyang tanguhan ay nagmamadali ng umakyat sa taas patungo sa silid ni Gino.
"He must be the father."
"Gino, ano ba nangyari sa yo? Ganun ba ako kaganda para himatayin ka?!" (Pagpapakalma niya sa sarili)
"Shit! Mamamatay ako sa pag-aalala sa bisugong yun!"
Pabalik-balik siya ng lakad sa may sala. Natigil lang nang maulinigan niya ang mga yabag na pababa ng hagdan. Nang tingalain niya ay ang doctor at mga magulang ni Gino ang bumababa. Inihatid ng papa ni Gino ang doctor sa may pinto habang dumiretso sa kanya ang mama ng binata.
Jasmine: kumusta na po siya? Bakit daw po siya biglang natumba? (Di niya maiwasang mag-alala)
Gino's mom: okay na siya. Nahilo lang kasi nalipasan ng gutom. Alam mo kasi yang batang yan, pag nagpipinta, nakakalimutan ng kumain. Sobra ang passion niyan sa art. ( bagamat nakangiti ang mommy ni Gino, hindi maikakaila ang pag-aalala sa anak)
Jasmine: Ganun po ba? Dapat po pala pag nagpipinta siya, may nagmu-monitor ng meal niya para di siya nakakapag-escape ng meal.
Gino's mom: pasensya ka na, Jasmine at Ganito pa ang nangyari sa unang dalaw mo sa amin.
Jasmine: naku, okay lang po. Wala namang may gusto sa nangyari.
Lumapit sa kanila ang Daddy ni Gino, inakbayan nito ang asawa habang hinahaplos ang bahaging braso ng asawa, siguro reassuring her na okay na si Gino. Ganun rin dati ang daddy niya sa mommy niya pag nag-aalala ito pag may sakit siya. May naramdaman siyang bahagyang kirot sa puso. Those were the days...And she missed her dad😭😭😭
Gino's dad: iha, salamat sa pagtulong mo sa asawa ko sa pagdulog kay Gino. I truly appreciates it. Ikaw pala ang anak ni Mildred. Alam mo bang magbabarkada kami dati. Sobrang bubbly ng mommy mo nung kabataan namin. ( he smiled as he remembers their youth days)
Nginitian niya ang Daddy ni Gino. Dito nakuha ni Gino yung features ng mukha. Mukhang seryoso pero maaliwalas ang aura kasi gwapo😀 Moreno version lang .
Jasmine: i'm glad to meet you, sir. Kayo ni tita Anne (kanina niya nalaman ang name ng mom ni Gino.)
Gino's dad: call me tito William. Dito ka na mag-lunch. I'm sure Gino will be happy to see you once he wakes up.
"I doubt it! Baka himatayin ulit yun sa inis pag nakita ako!👊👊"
Jasmine: hindi na po. Baka hinahanap na ko nina Lola Andrea. Magpapaalam na rin po ako sa inyo.
Anne: hindi ka ba namin mapipilit na dito na mag-lunch? (oh, napaka-warm ng smile niya)
Jasmine: maybe next time, tita. But for now, uwi na muna po ako. pakisabi na lang po kay Gino na magpagaling siya.
Anne: makakarating, iha. And thank you. ( hinalikan nito sa pisngi si Jasmine)
Inihatid siya ng mag-asawa sa bungad ng pinto at nakangiting nagpaalam na.
"Wow! Mukhang magkakasundo kami ng mga in-laws ko!"😂😂👊👊
"Bisugo, pagaling ka! Miss na kita! Waaaah, feeling girlfriend!"Hahaha
_________________________________Nakaupo siya sa beach mat na natatambilan ng malaking beach umbrella na pinuwesto ni Mang Idro nang sabihin niyang gusto niyang maligo sa dagat. Pero parang tinamad naman siya kasi wala siyang kasama. Nasa school si Sofia. Understandable naman kung bakit di na puwedeng maligo sa dagat ang lola niya. She's too old for the swimming activity. Si Manang Chaling naman, busy sa gatsilyo niya. Alangan naman sila ni Mang Idro ang mag-date sa dagat! Haller, sirena at tsokoy ang kalalabasan nila! Hahaha
" Baliw talaga ako!"
Dinampot niya ang baong pocketbook at nagsimula ng magbasa. Nasa chapter 3 na siya ng binabasa ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya at nakiupo sa beach mat niya. Nang lingunin niya, di talaga niya napigilan ang mapanganga! Anong ginagawa ng Mr. Sungit na to sa tabi niya!
Olala, Mama Mia! Alleluia!
Jasmine: (kinurot ang pisngi ni Gino ng bahagya) Shit, totoo nga! Ikaw yan!
Gino: (medyo natawa sa ka-oa-yan niya) no other than!
Jasmine: oh my God, this is a miracle! Kinakausap mo ko na hindi ka nagsusungit at naka-smile ka pa?! Natikman mo ba yung cupcakes ko?Gino: (still smiling) Oo, ang sarap nga!
Jasmine: (napatayo, tumingala sa langit at nag-sign of the cross) Thank you, Lord at gumana ang gayumang inihalo ko.
Natatawang pinaupo siya ni Gino
Gino: baliw ka talaga! Hindi po ako naniniwala sa gayuma.
Jasmine: Akala mo naman may gayuma nga? Susme, yung ganda ko palang, panggayuma na. Hinimatay ka nga sa titig ko. (Natawa siya)
Gino: (sumeryoso si Gino)thank you, ha. Kung wala ka siguro dun, baka nataranta na si mommy.
Jasmine: so that's the reason why you are so kind and polite...
Gino: (pinutol yung sasabihin niya) Siguro. O baka naisip ko na puwede nga tayong maging magkaibigan.
Jasmine: Nah! Ayoko maging kaibigan mo. Sabi mo nga marami ka na nun at marami na rin akong kaibigan.
Gino: so? Anong gusto mo?
Jasmine: maging girlfriend mo! (Straightforward ang gaga at nagpa-cute kay Gino)
Gino: baliw mo talaga! (Naiiling na natatawa)
Jasmine: O sige na nga, manliligaw muna ako sa yo bago mo ako i-girlfriend. Okay ba yun? (Ang gaan ng pakiramdam niya. Masarap palang kausap si bisugo)
Gino: hindi mo ako kayang pasagutin!
Jasmine: wanna bet!
Gino: baliw! Matatalo ka lang
Jasmine: what makes you so sure na ako ang matatalo?
Gino: siyempre, hindi kita sasagutin para di ako matalo sa pusta.
Jasmine: you dont believe in magic? Magic in love?😂
Gino: (natawa) sira! Magtigil ka nga.
Jasmine: maniwala ka na kasi. Kaya kitang pasagutin! (Pangungulit niya!)
Gino: hindi nga!
Jasmine: so let's make a bet!
Gino: Ang baliw mo talaga! Yan ang nakukuha mo sa pagbabasa ng mga ganyang libro. ( referring to her pocketbook)
Jasmine: so payag ka ng ligawan kita? Naniniwala ka ng mapapasagot kita.
Gino: isa mo pang hirit, magwu-walk out na ko. (Seryoso na ang mukha ni Gino)
Jasmine: sige na nga, di na muna kita kukulitin. Pero maghintay ka, liligawan talaga kita!
Gino: hirit pa talaga! (Naiiling)
Jasmine: so kumusta ka na? Bakit naman sa garden mo pa naisipang matulog! (Biro niya)
Gino: you're really funny. (Di mapigilang matawa) may sayad ka ba talaga?
Jasmine: (itinaas niya ang hinlalaki at hintuturong mga daliri at bahagyang itinikom) slight!
Ang lakas ng tawa ni Gino. At siya, ang saya! Diosko, di niya inakalang makakabiruan niya ng ganito si Gino. Gusto na yata niyang maniwala na may gayuma ang angkin niyang ganda! 😂😂😂 Isa itong malaking himala! Hahaha
"Olrayt! Nagiging Exciting ang bakasyon ko. Okay lang ma-extend ang punishment ko, mom!"😂😂😂👊👊👊
Abangan
Happy Reading. God bless
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness