Part 7
....And Thanks to You Gino
Ang aga niyang nagising, gusto niya kasing ipag-bake ng cupcakes sina Lola Andrea. At dadalhan rin niya si Mr. Sungit, sa kabilang resort lang naman pala ito nakatira. Wala naman siguro masamang bigyan niya 'to ng cupcakes, tutal, si Gino naman ang nagbayad ng mga ingredients na ginagamit niya ngayon.
Sofia: Wow! Ang gaganda naman niyan. Looks yummy!
Naglalagay na siya ng icing sa ibabaw ng muffin nang pumasok sa komedor si Sofia.
Jasmine: hindi lang looks yummy yan. Taste it, it's delicious.
Kumuha ng isang cupcake mula sa pan si Sofia. Took a bite and her eyes, widened!
Sofia: grabeh, ang sarap!
Jasmine: ang OA! (Natawa)
Sofia: No! Masarap talaga! Puwede mo 'tong gawin business, tiyak papatok mga cupcakes mo. Ang sarap eh.
Jasmine: pinsan talaga kita!
Natawa si Sofia.
Sofia: kahit hindi kita pinsan, i will still praise your cupcakes. Kasi totoong masarap.
Jasmine: (napangiti) thank you. Si Lola Andrea, gising na ba?
Sofia: Kanina pa. Hindi mo lang siguro napansin. Kasi pag ganitong mga oras, tumatambay yun sa gazeebo. Nung buhay pa kasi si Lolo, yun ang favorite place nila dito sa resthouse. They're having coffee while chatting. Ang sweet 'no?
Jasmine: maswerte si lola Andrea at isa siya sa 1% na nagkaroon ng ka-forever.
Sofia: grabe ka, 1% lang talaga! Marami pa rin naman dyan na masaya sa mga love ones nila.
Jasmine: (saglit na natigil sa paglalagay ng icing sa muffin) naniniwala ka talaga dyan? Kahit na iniwan ng papa mo si tita isabel? And look at my parents, hiwalay rin sila.
Sofia: everything happens for a reason. Baka kasi masyado silang nagmadali kaya inakala nila na yung mga fathers natin ang ka-forever nila. Yun pala may darating pa. Alam mo, Jas, hindi naman porke, nag-fail yung marriage ng mga magulang natin, eh yun na rin magiging kapalaran natin.
Jasmine: ang bait mo naman! Kanino ka ba nagmana? For sure, di sa papa mo?
Sofia: (natawa) ikaw talaga! Papa ko pa rin yun kahit ganun...
Kahit ganun...! Yung papa kasi ni Sofia, lasenggo na, sugarol at babaero pa. Ang tanging katangian na maipagmamalaki dito ay gwapo ito. Kaya nga nabighani ang tita Isabel niya. Sabi ng mommy niya, sobrang tutol si Lola Andrea sa papa ni Sofia para sa anak pero ipinaglaban ito ni tita isabel! Kaya ayan, puro pasakit at pagtitiis ang dinanas niya sa buhay ng papa ni Sofia. Pero kahit pala gaano ka magpakatanga sa pag-ibig, darating din sa punto na mauuntog at magigising ka sa katangahan. Natitiis ni tita isabel yung pananakit ng asawa pero ang makitang pati si Sofia ay sinasaktan nito ay isang realisasyon na dapat niyang tanggapin...she need to leave the man no matter how much she loves him. Dahil mas mahal nito si Sofia....Iba talaga pag anak na ang pinag-usapan! Pero bakit siya...? Bakit ang mommy niya, hindi iniisip ang nararamdaman niya? Bakit lagi na lang yung gusto nito ang nasusunod? Napaka-swerte ni Sofia, may mommy siya na kaya talikuran ang kaligayahan para sa anak. Si mommy? Basta masaya siya, kahit miserable ang buhay ko!
"Ano ba yan, ang agang drama! Shit!"
Bumuga siya ng hangin at pilit na pinasaya ang mukha.
Jasmine: wala ka bang pasok pag sabado?
Sofia: wala naman. Gusto mo bang mamasyal sa bayan? (Naikwento na ng lola andrea niya ang ginawa niyang pagtakas kahapon)
Jasmine: (napangiti) Nah! Gusto kong dalhan ng cupcakes si Gino. Siya kasi nagbayad ng mga ito. Samahan mo naman ako. Puwede?
Sofia: (agad na-excite) Oo naman. Tagal ko na ring di nakikita ang kulokoy na yun.
Jasmine: (naka-sense na may something si Sofia at Gino) close kayo ni Gino?
Sofia: Oo. Kababata ko yun eh.
Jasmine: how come? I mean, ang sungit nun tapos close kayo?
Sofia: Nah, hindi masungit yun. Mabait yun at saka kenkoy!
Jasmine: why do i have this feeling na crush mo siya? (Pananalakab niya sa pinsan)
Sofia: hindi ah. We're just friends! (Natatawa)
Jasmine: wiiiih? Sinong niloloko mo? Me or yourself?
Sofia: (kumagat sa cupcake) Actually, nanligaw siya sa akin dati.
Nanligaw dati?! Bigla siyang na-curious. Itinigil niya ang paglalagay ng icing sa muffin. At pumerente ng upo habang kumakagat ng gawang cupcake.
Jasmine: then what happened? Naging kayo ba?
Sofia: hindi eh.Jasmine: binasted mo siya?! Matataas ba talaga standard ng mga batangueno pagdating sa taong mamahalin?
Sofia: (natawa si Sofia) kailangan ba may standard pag nagmahal?
Jasmine: oo naman! Bakit? Wala ka bang standard o qualification?
Sofia: wala. Naniniwala kasi ako na pag love yung naramdaman mo, wala ka ng magagawa kundi i-accept yung tao kahit maging sino o ano pa man siya. Just like my mom, kahit daming pangit na ugali ni papa, hindi niya natakasan yung tawag ng pag-ibig!
Jasmin: wow, lalim! So binasted mo nga si Gino?
Sofia: i don't call it binasted. Kaya lang, hindi talaga puwede. Ang babata pa namin at saka nag-promise ako kay mama na hindi ako magbu-boyfriend hanggang hindi ako nakakapagtapos ng pag-aaral.
Jasmine: ah may usapan na kayo. Hihintayin niya makatapos ka ng pag-aaral bago ka niya ulit ligawan.
Sofia: wala namang ganun. Siguro, na-realize lang namin na we are better off as friends.
Jasmine: O C'mon, friends!? You do like him, i can sense that!
Sofia: i do! Pero hindi umabot sa puntong mamahalin ko siya.
Jasmine: are you sure?
Sofia: Oo naman. Why do i have this feeling na ikaw ang may gusto sa kanya? (Nakangiting tanong ng pinsan)
Jasmine: hindi ko ide-deny! (Hahaha) So okay lang sa yo na maging kami? ( paninigurado niya)
Sofia: kami?! Is he courting you?
Jasmine: no, it's the other way around! (Natawa) Ako manliligaw sa kanya!
Ang lakas ng tawa ni Sofia!
Sofia: sige, sige, ilalakad kita! Kaya lang secret natin to, ha. Baka magalit si lola!
Hahaha! May itinatago rin palang kapilyahan ang pinsan niya😜
"Oh , how i love my cousin! Instant bridge namin ni maputlang bisugo!😂😂😂"
Jasmine: sinabi mo yan, ha! I-build up mo ko, ha! Pag naging kami niyan, ikaw ang maid of honor!
Sofia: maid of honor kaagad! Landi mo, insan! (At nilagyan siya ng icing sa ilong)
Siyempre, hindi puwedeng hindi siya gaganti! Pinahiran niya ng icing sa mukha si Sofia. At nauwi sila sa harutan...
they end up laughing...
Abangan...
Happy Reading. God bless
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness