And Thanks to you, Gino...

5 0 0
                                    

Part 13

..... And Thanks to You Gino

May usapan sila ni Gino na magkikita ngayon sa tabing dagat kaya pinaghandaan niya talaga - she brought a beach mat, a basket of fruits, a tray of foods (lasagna made by manang chaling, french toast bread, chicken fillet and a very cold orange juice), 2-throw pillows and a songhits magazine; feel niyang kumanta! Hahaha

Manong Idro: Jas, okay na naman lahat (katatapos lang ikabit ang beach umbrella sa pinakagitna ng kinapupuwestuhan niya) I-text mo na lang ako pag magpapasundo ka at magpapahakot, ha.

Jasmine: (nginitian si manong) salamat po. Hintayin nyo na lang po text ko.

Manong Idro nodded and left the place.

"Asan na kaya si Gino? Ba't ang tagal naman niya dumating"

"Masu-surprise yun, para kaming magdi-date sa dalampasigan. How romantic!"

"Kuh, ang swerte mo, bisugo, sa yo lang ako nag-effort!😃"

Ang excitement na nararamdaman niya ay napapalitan na ng pagkainip. At yung inip ay naging inis na!😤😤

"Anong oras na, wala pa rin siya?"

"Gutom na ko!"

"Ang hayop, inindyan ako sa usapan namin!"😤😤👊👊

"Humanda ka sa akin!"

Galit na tumayo siya sa beach mat at nagsimulang maglakad palapit sa beach resort nina Gino. Hindi na nag-abalang isuot ang sapin sa paa. Bumabaon sa buhangin ang mga paa niya kaya napi-feel niya ang init ng buhangin dulot ng init ng araw. Pero wala siyang pake, mas mainit ang ulo niya! Langya, sobrang excited siya, ni hindi nga yata siya nakatulog sa pag-iisip ng mga punchline para mapatawa at mapakilig si bisugong binabad sa suka as part of her panliligaw, kuntodo pagpapaganda pa siya bago pumunta sa tagpuan nila! Tapos, iindyanin lang pala siya! The nerve!

Umuusok talaga ang tenga at ilong niya sa galit! And finally, nakarating rin siya sa kabilang resort! Pero bakit parang ang tahimik ng paligid.

Jasmine: Gino, gino! Tao po, tao po... Gino.

Walang sumasagot!

Jasmine: Tita Anna. Tito Will. Gino. (inisa-isa niya ang pangalan ng mga nakatira sa resort. Medyo nilakasan rin ang pagtatawag. But no one answered!)

"Nasaan ba mga tao dito? Ba't walang sumasagot?"

Jasmine: hello, tao po. Tao po! Is anybody home?

Wala pa rin sumasagot!

"Shit! Shit! Asan ka ba Gino? Aawayin pa kita! " hahaha

Napu-frustrate na siya sa pagtatawag kaya nagdesisyon na lang siyang umalis. Sinisipa-sipa niya ang mga maliliit na bato na nadadaanan niya. Inis na inis siya. After all her preparations, all the excitement...mauuwi lang pala sa "nganga"! Grrrr!😤😤😤

"Naku Gino, you better have a good explanation or else... Grrrrr!!!"

Nakarating siya sa resthouse na lukot ang mukha. Pagpasok niya sa may sala ay nadatnan niyang magkatabing nakaupo si Sofia at Lola Andrea nila, may tinitingnan ang dalawa na parang maliliit na card. Nilampasan niya ang mga ito, planong magkulong sana sa kwarto. Pero bago pa siya makaakyat sa hagdan ay narinig na niya ang pangalan niya na tinatawag ng agwela.

Lola Andrea: Jasmine, tingnan mo tong classcard ng pinsan mo, ang tataas ng grades.

"Duh, pake ko dyan!" Pero siyempre, di niya sasabihin yun; that's very disrespectful!

Nakangiting nilingon niya ang agwela pero di humakbang palapit dito.

Jasmine: next time na lang, lola. Pagod ako. I want to take a short nap.

Hindi niya tinitingnan si Sofia. Matapos nilang magtalo kahapon, eh hindi pa ulit sila nagkakausap at nagkakaayos. Pero sa gilid ng kanyang mga mata, naaaninag niya na nakatingin ito sa kanya.

Lola Andrea: Anong nangyari sa lakad nyo ni Gino? (Ang agwela na ang lumapit sa kanya)

Jasmine: hindi siya dumating, la. Pinuntahan ko sa resort but it seems there were none... Ite-text ko na lang po si Manong Idro para ligpitin yung mga "basura" sa labas.

Lola Andrea: (natawa. Alam na yung mga prenipare niya ang tinutukoy na basura) ah you're upset.. Ako na bahala magsabi kay Idro. (Nakangiti ang agwela)

Jasmine: (she sighed) Lola, akyat na po ako sa taas. Mag-aalis lang ako ng sama ng loob.

Lola: (natawa) huh, mga kabataan talaga ngayon. Ma-emo!

"Ma-emo! Wow ha, lola knows that!" Jeprox talaga ang agwela niya. Pero pilit na ngiti lang ang naibigay niya. Galit talaga siya sa pag-iindyan sa kanya ni Gino. At saan ba nagpunta ang pamilya nito at saradong-sarado ang resort!?

Pagkapasok niya sa inu-okopahan niyang kwarto, agad na ibinagsak niya ang katawan sa kama! Tumingin sa kisame as if may makukuhang sagot sa mga tanong niya.

"Am i missing him?"

"No! Wala lang ako mapag-tripan!"

"Sinong niloloko mo?"

"Shit! Shit! Shit!"

Galit na bumangon siya at dinampot ang laptop na nakapatong sa may tokador. Matagal-tagal na rin siyang di nakakagamit ng social media; masyado siyang naaliw sa buhay probinsya dahil kay bisugong binabad sa suka! Galit siya kaya di pogi ang description niya kay Gino ngayon! Hahaha

Pagbukas niya ng FB, puro happenings, night clubbing at shopping ng mga peke niyang kaibigan ang lumabas sa newsfeed niya. Pati tweet ng mga ito, puro kababawan at kaplastikan!

" what is happening to me? Bakit naiinis ako sa mga nakikita at nababasa ko, eh, isa ako sa kanila! That's my life, too!"😁🙃

Punta siya sa instagram, ganun rin! Puro payabangan at pasosyalan ang mga naka-post. Ibinalik niya sa fb. Sa pag-i-scroll niya ng mga picture, nahagip ng mga mata niya ang album na may title family. Mga solo pictures niya, pictures niya kasama ang mommy at daddy niya nung thirteen years old palang siya...

"Kumpleto pa kami noon... Masaya pa dati."

Scroll down pa niya ang mga pictures, may pix na marumi ang mukha nila ng mommy niya habang nagbi-bake. They looked so mess but happy. Those smiles in their faces say it all. Ang daddy pa niya ang kumuha ng picture na yun.

May pix na nakaupo siya sa lap ng daddy niya habang binubunutan niya ito ng tumutubong balbas sa baba. Her mom took that pix. Saglit na natigil ang pag-i-scroll niya ng makita ang solo picture ng ama. She took that picture... May aasikasuhin raw ang ama sa cebu and it so happened na may hawak siyang camera that time kaya nakapaglambing siya na kunan niya muna ng picture ang ama bago ito umalis papuntang cebu. Iyon ang huling litrato ng ama sa kanya..

"Kaya pala malungkot ang mga ngiti niya..."

"Dad, bakit mo kami iniwan?"

"I missed you...terribly."

Pinalis niya ang luhang naglandas sa pisngi niya. Tahimik na ini-off ang laptop. Dinukot ang cp na nasa bulsa ng suot niyang short, nilagay sa tenga ang ear phone at nag-tune in sa musify..

"There's no power on earth like yours fathers' love
So big and so strong as your fathers' love🎤🎤🎼
The promise that's scared, a promise from heaven above
No matter where you go, always know
You can depend on your fathers' love🎧🎧🎧"

Abangan

Enjoy Reading. God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now