And thanks to you, Gino..

10 1 0
                                    

Part 24

....And Thanks to You, Gino

Nag-aayos na siya ng mga gamit pabalik ng Manila. Hinintay lang nila matapos ang pasiyam ni Gino. Her mom decided for her to come back home. Para raw mas madali niyang makalimutan yung mga nangyari. Hindi naman niya gustong makalimot. Hindi niya gustong kalimutan si Gino at mga ala-ala nito. Pero kailangan niyang lumayo sa lugar na ito pansamantala para maibsan ang sakit. Dahil bawat sulok ng lugar ay nagpapaalala na iniwan na siya ni Gino. Isang katotohanang napakasakit na dumarating na sa puntong gusto na niya itong sundan. At yun ang ikinatatakot ng ina kaya nagpasya itong isama na siya pabalik ng Manila.She has this suicidal tendency.

Napatingin siya sa maliit na kaheta na nakapatong sa kanyang kama.
Kinuha ito at binuksan, natambad sa kanya ang rosary na regalo sa kanya ni Gino.

"Lagi mong dadalhin yang rosary, it will keep you safe at all times"

Tila naririnig pa niya ang boses ni Gino. Di niya napigilan ang mapaluha. Itinapat niya ang rosary sa may labi at dinampian ito ng mabining halik.

"God, i missed him. I terribly missed him..."

Nasa aktong nagpupunas siya ng luha ng makarinig siya ng katok sa may pinto. Bumukas ang pinto ng silid. It's Sophia.

Sophia: (tuluyan ng pumasok ng silid) Jas, nasa ibaba sina tito Wil at Tita Anne. Gusto kang makausap.

Jasmine: Thanks, Sophia. Bababa na kamo ako.

Sophia: Jas, (ginagap ang palad niya) i know you're not okay. Hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero gusto kong malaman mo, nandito lang ako...kami ng pamilya mo. Gusto ka naming maging masaya. At alam ko, yan rin yung hangad sa yo ni Gino.

Pilit na ngumiti si Jasmine at niyakap ang pinsan. Hindi niya alam ang sasabihin. Baka pag nagsalita siya, mauwi lang sa hagulgol. Masasabi niya na isa sa magandang nangyari sa kanya ang pagbabakasyon sa Batangas. Dito niya naramdaman na may pamilya siya. Dito niya nakilala si Gino. Dito siya natutong magmahal ng totoo. Bagamat masakit ang naging pagkawala ni Gino pero hinding hindi niya pagsisihan na nakilala at minahal niya ang katipan. Gino taught her not just to love but to forgive those who hurt her... to value life... to believe in one's goodness... to accept God's plan and most importantly, to love herself. Sabi sa kanya noon ni Gino...

"hindi mo magagawang magmahal ng ibang tao kung di mo mahal ang sarili mo. Siguro kaya laro lang sa yo yung love kasi nilalaro mo rin lang ang sarili mong feelings. Love yourself first and eventually, you will learn to spread love to others. The true meaning of love.."

Pagbaba niya ng hagdan, nadatnan niyang kausap ng mommy at lola Andrea niya ang mga magulang ni Gino. Mababakas sa mukha ng mag-asawa ang pagdadalamhati sa pagkawala ni Gino bagamat nakangiti ang mga ito ng lumapit sa kanya. Hinalikan niya sa pisngi ang mag-asawa.

Will: kumusta ka na, Jas?

Jasmine: (pilit ang ngiti) trying to be strong, tito.

Will: (nginitian siya) yeah, we have to be strong. For ourselves and for Gino. Hindi niya gustong makitang nalulungkot tayo. Knowing him, baka nakatunghay yun ngayon sa atin kaya dapat may nakaplaster na smile sa mga lips natin para di naman siya mag-alala sa itaas ( bahagyang natawa si tito Will sa biro niya)

Anne: Jas, pinabibigay nga pala sa yo ni Gino. A day before we rushed him in the hospital, he asked me to give this to you...( iniabot sa kanya ang isang half size na kahon at isang envelope)

Naguguluhang napatingin siya sa mag-asawa. Wala siyang idea kung ano ang laman ng kahon at sobre.

Anne: open it. (Nakangiting pang-i-engganyo sa kanya ni tita Anne)

Nang buksan niya ang kahon nagulat siya ng makitang nakapinta ang mukha niya sa canvass. Yung bagong dating siya na nakasakay pa siya sa bangka, nakangiti at nililipad ng hangin ang mga buhok niya..

Jasmine: (naluluha) how did he do it? Wala akong natatandaan na nagmodelo ako sa kanya. And this one... Ito yung unang araw na dumating ako sa Batangas. It means, nakita niya ako that day.

Lola Andrea: iha, kapag mahal mo ang isang tao, hindi kailangan nasa harapan mo siya para mamemorya ang mukha niya. Alam mo kung bakit? Kasi nakaukit na yun sa puso at isip niya. Mahal na mahal ka ni Gino, apo.

Sa tinuran ng agwela ay tuluyan ng napaiyak si Jasmine. Mahal na mahal rin niya si Gino. He is her first love and probably, her last, too. Inilapag niya ang paint sa ibabaw ng mesa at binuksan ang sobre. Isang sulat at form ang laman nito. Binasa niya ang sulat.

My honey,

Hi. Oh, smile. Baka kasi pag natanggap mo itong sulat ko ay wala na ko at pihadong umiiyak ka. Kaya smile. You're beautiful when you smile. Hindi ko sinasabing pangit ka pag di naka-smile, ha. Pero gusto ko laging nakangiti at masaya ang mahal ko.

Pasensya ka na at baka di natin matapos yung to-do-list together natin. Nararamdaman ko na kasi na papahina ng papahina ang aking katawan. Kita mo naman ang penmanship ko, ang pangit na. Pinipilit lang magsulat. Ang hirap nga eh. Ang sakit na. Pero dahil para sa honey ko.. Kakayanin ko.

Di napigilan ni Jasmine ang mapahagulgol. Nai-imagine niya ang struggle ng katipan matapos lang ang sulat. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa...

Nagustuhan mo ba yung paint? Yan yung gift ko sa yo; my to do list number 4. Ang ganda mo dyan. Alam ko na ako ang nginingitian mo that time pero dahil galit pa ako sa mundo, i didn't smile back. Kaya naisip mo siguro na di kita napansin. Sus, ang ganda-ganda mo, paano hindi kita mapapansin? Mula nga ng mga sandaling yun, di na naalis sa isip at puso ko yung babaeng gusto akong landiin. Oh, wag magsusungit. Joke lang yun. Siyempre yung babaeng mamahalin ko hanggang sa aking huling hininga. Yeah, that moment, i fell in love to a very naughty young lady... Ikaw yun, hon. Uy, kilig siya😂😍

Napangiti siya bagamat patuloy ang pagdaloy ng luha. May pagkapilyo rin ang honey niya. Ang lalaking binabad sa suka, si Mr Sungit at siyempre, si Mr. Pogi. Muli niyang itinuloy ang pagbabasa....

Hon, hindi ko na siguro mapu-fulfill yung to-do list number 5 ko. Yung makita kang naka-graduate o kaya maihatid ka sa first day ng pagbabalik eskwela mo. Sorry, ha. Weak kasi ang napili mong mahalin. Pero di bale, kahit weak, resourceful naman ako. Yung form na nakalakip sa sulat na to. Form yan para sa muli mong pagbabalik eskwela. In-aapply ko sa online. Ayan ha, wala ka ng dahilan para di mag-enroll next sem. Kahit wala na ko, gusto ko mag-aral ka ulit. At seryosohin mo na, ha. Kailangan magka-diploma ka. At i-photocopy mo yung diploma mo, dalhin mo sa puntod ko yung copy. Kasi sabi mo nga, sa akin mo iaaalay yung diploma mo pag naka-graduate ka. Ngayon pa lang, proud na ko sa yo. Congratulations in advance.

Hon, wag kang matakot magmahal ulit ha. Oh, wag ka ng magalit. Hindi naman sa pinamimigay kita. Ipapahiram lang kita sandali sa kung sino mang maswerteng lalaki yun. Ayoko kasi ikulong mo yung sarili mo sa lungkot at pagdadalamhati sa pag-iwan ko sa yo. Gusto ko lagi kang nakangiti at masaya. Kaya naisip ko, kailangan mo ng bagong magpapasaya sa yo. Don't worry,magkikita pa naman tayo ulit... Sa dako pa roon. And when that time comes, babawiin na kita sa lalaking yun. Kasi ako naman ang nauna at akin ka naman talaga di ba? O, tunog nagseselos ba ako? Hayaan mo na lang ako, di ko na kasi magagawa yan pag dumating siya...

Basta hon, lagi mong iisipin na mahal na mahal kita. And all i want for you is to be happy... Kaya always Smile😘😘

I love you forever and a day. ❤️❤️❤️

Your Honey Love,
Gino

Iyak na talaga siya ng iyak matapos mabasa ang sulat ni Gino. Nilapitan siya ng ina at hinaplos-haplos ang likod niya.

Jasmine: mommy, hanggang sa huli... Hanggang sa huli, yung kapakanan at kasiyahan ko pa rin ang iniisip niya. Ganun niya ako kamahal, mom. (Wala na yatang katapusan ang pagluha niya)

Pati ang mag-asawang Will at Anne ay lumuluha na rin. Si Lola Andrea at Sophia ay di rin napigilan ang mapaiyak. At ang mommy niya, pasimpleng pinunasan ang nagpatak na luha.

Bakit ang isang wagas na pag-ibig ay kailangan matapos nang dahil lang sa sakit na cancer? Kung sila ay damang-dama ang sakit na nararamdaman ni Jasmine, and they don't know exactly how much she's hurt... Ito lang talaga ang nakakaalam at nakakadama pagkat wala sila sa posisyon ni Jasmine...

Abangan

Enjoy reading. God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now