And Thanks to you, Gino...

4 1 0
                                    

Part 5

....And Thanks to You, Gino

Naiinip na siya dito sa resthouse. Hinahanap ng katawan niya ang happenings sa manila. Wala si Sofia, pumasok sa school. Si Lola Andrea naman ay umattend ng novena sa simbahan. Tanging sila lang ni Manang ang nasa resthouse. Ang kaso, busy si manang sa panggagatsilyo.

"Ah, maloloka ako dito!"

"Mukha naman akong tanga kung magsu-swimming ako mag-isa sa labas. At katirikan ng araw!"

Napansin yata ni manang na paroon at parito siya sa lanai kaya napatigil ito sa panggagatsilyo.

Manang: may kailangan ka, iha.

Jasmine: manang, pano pumunta ng bayan?

Manang: bakit? Anong gagawin mo sa bayan? May bibilhin ka ba? Gusto mong samahan kita?

Jasmine: gusto kong kumain ng ice cream.

Manang: may ice cream sa fridge, teka't ikukuha kita.

Paktay! Gusto ko lang talagang gumala! 😜👊

Jasmine: manang, gusto ko rin ng pizza. Gusto ko ng chicharon. Gusto ko ng cotton candy. Gusto ko ng mani...

Manang: hindi ka kaya magtae!

Hahaha

Jasmine: pano nga po pumuntang bayan?

Manang: pasasamahan kita kay Idro kung ayaw mong samahan kita. (Nakahalatang ayaw siyang kasama pabayan! Hahaha)

Jasmine: manang, ako lang po mag-isa ang pupunta ng bayan. Kaya ko po, just tell me the directions.

Manang: magagalit sa akin lola mo pag pinayagan kitang umalis mag-isa. Hindi mo kabisado ang bayan. Isa pa matarik ang daan papunta dun. Kaya nga tinawag na bitukang-daan ang papuntang bayan kasi paZigzag. Puwede ka namang magbangka pabayan kaya lang, walang bangkero sa mga oras na to. Tulog mga yun at mangingisda pa mamayang hatinggabi.

Jasmine: asan yung susi ng motor sa labas?

Manang: nasa akin. Bakit? Anong gagawin mo sa motor ni Idro ko?

Jasmine: pahiram. Punta akong bayan.

Manang: hindi puwede! Magagalit lola mo. Isa pa, di pinapagamit ni idro ko yang motor kung kanino lang. Kasi nga delikado ang daan.

"Delikado! Hmmm, nakaka-excite!"

Jasmine: manang, hindi ako ibang tao. Apo ako ng may-ari ng resthouse na 'to.(idiniin niya ang salitang apo!) Give me the key!

Manang: hindi nga puwede! Mapapagalitan ako ng lola mo.

Jasmine: yung galit ko o galit ni lola? ( matiim niyang tinitigan si manang)

Manang: siyempre yung galit ng lola mo! (Nakipagsukatan ng tingin sa kanya si manang!hahaha)

Jasmine: (biglang hinaglit ang ginagatsilyo ni manang) eh kung sunugin ko 'to! (Pagmamaldita niya)

Manang: magtigil ka Jasmine, ilang gabi kong pinagpuyatan yan!

Jasmine: then give me the key!

Manang: hindi nga maaari!

Jasmine: okay, madali akong kausap. ( tumalikod na siya, bitbit ang gatsilyo)

Manang: sandali!

Bigla siyang harap! Hahaha

"She's going to give in! Hahaha"

Manang: marunong ka ba magmotor? Magtatagal ka ba sa bayan?

Jasmine: i'm a good rider. And nope, saglit lang ako sa bayan. Bago pa makabalik dito si lola, narito na ko. Hindi ka mapapagalitan nun. Kasi di niya malalaman na nagpunta ako sa bayan. ( para siyang demonyo na tinutukso si manang😂)

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now