Part 20
....And Thanks to you, Gino
Naalimpungatan si Gino sa tunog na naghihilik. Pipisap-pisap pa mga mata niya sa antok nang ang katabing si Jasmine ang maulinagan niya na siyang naghihilik. Naisipan nga pala nilang magtayo ng tent sa gitna ng garden ng mommy niya. Natatawang bumangon, pinanood at pinakinggan ang paghihilik ng dalaga. Kinuha niya ang cp na nasa bulsa at ewan kung ano ang pumasok sa kukote niya at vinedeo niya ang paghihilik ni Jasmine.
"Ang ganda talaga niya kahit natutulog. Kahit nag-i-snore pa siya"
Ang ngiti niya ay unti-unting nawala nang mapagmasdan maigi ang mukha ng dalaga. May lungkot siyang naramdaman. Few months from now, magkakahiwalay na sila ng nobya. At nasasaktan siya sa isiping iiwan niya itong nasasaktan at nagdadalamhati sa pagkawala niya. Napabuntunghininga si Gino, itinigil ang pagbi-video sa nobya at hinagod ng mga palad ang buhok ni Jasmine habang titig na titig sa mukha nito.
" Wag kang luluha pag nawala ako, hon. Gusto ko yung maingay, magulo at masayahing Jasmine na kilala ko ang makita ko sa aking paglisan. Mahal na mahal kita."
Hinalikan niya sa bandang noo ang natutulog na nobya. At saka muli itong tinabihan sa pagtulog. Niyakap niya ang nobya at nagulat siya ng gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Inakala niyang nagising ang nobya subalit ng tingnan niya ang mukha nito ay nakapikit pa rin at tila himbing na himbing sa pagkakatulog.
___________________________Amoy ng inihaw na barbeque ang nagpagising kay Jasmine. Biglang nakaramdam siya ng gutom. Nang lumabas siya ng tent, Nakita niyang masayang nag-iihaw ng barbeque at hotdog ang mommy niya at mommy ni Gino. Si tito Wil naman at Gino ay nasa garden set, naglalaro ng chess ang mag-ama. Napangiti si Jasmine. Nagulat siya ng mahagip ng mga mata si Lola Andrea at Sophia na naglalagay ng pagkain sa mahabang mesa na marahil ay inilagay roon noong natutulog pa siya. Maging si Manang Chaling at Ka Idro ay naroon rin, magkatulong ang dalawa sa paghahalo ng ube sa nakasalang na kawali.
"What a great morning! Gigising kang mga mahal mo sa buhay ang magigisnan mo."
Jasmine: good morning, everyone. Fiesta ba ngayon dito sa Batangas?
Agad na tumayo si Gino, pagkarinig sa boses ng nobya. Lumapit ito kay Jasmine at hinalikan sa pisngi.
Gino: good morning hon. Ang sarap ng tulog mo kagabi. Naghihilik ka pa.
Jasmine: (kuntodo tanggi) excuse me, hindi po ako naghihilik!
Gino: (dinukot ang cp sa bulsa) may ebidensya ako eh.
Ipinakita niya ang video sa nobya at natawa siya ng nagtitili si Jasmine.😂😂 Napatingin tuloy sa kanila ang lahat.
Jasmine: eeeh! Edited yan! Hindi ako yan!
Gino: (tawang-tawa) anong edited? Everyone ( tawag niya sa mga naroon), tingnan nyo nga kung si Jasmine tong nasa video!
Agad na itinigil ng mga naroon ang mga ginagawa at lumapit sa kanila. Kinuha ni mildred ang cp ni Gino at natatawang pinanood ang paghihilik ng anak.
Mildred: that was you, Jas! Naghihilik ka talaga pag natutulog!
Manang Chaling: yuck, turn off!
Tawanan sila sa sinabi ni manang chaling. Pulang-pula si Jasmine.
Gino: anong turn-off, cute nga eh. (Pagsasalo niya sa pagka-embarass ni Jasmine)
Jasmine: beh, turn on raw, manang! ( pang-aasar niya kay manang chaling)
Ka Idro: ok lang yan, Jas. Si manang mo nga pag natutulog, utot ng utot!
Manang Chaling: (hinampas si ka idro) anong utot ng utot? Kabag lang yun, oy!
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness