Part 23
....And Thanks to You, Gino
Pagbukas niya ng pinto, hindi naligid sa kanya na nagpunas ng luha si tita Anne habang hawak nito ang kamay ni Gino na ngayon ay may malay na. Si Tito Will ay tahimik lang na nakatingin sa mag-ina niya. Napansin siya ni Anne, pilit ang ngiti na minustrahan siyang lumapit. Habang lumalapit, kay Gino siya nakatingin. Bagamat nakangiti ang nobyo, di maitatago ang pagal at nahihirapang mukha nito. Pinasaya niya ang mukha to lighten up the situation
Jasmine: (hinalikan ang nobyo) mabuti naman at gising ka na. Napanis na mga laway mo sa haba ng itinulog mo. (pagbibiro niya)
Gino: (ngumiti sa kanya.) k-ku-kumusta ka na, hon? (Hirap na hirap sa pagsasalita)
Jasmine: miss na miss ka na. (Kinuha niya ang kamay ni Gino at marahang pinisil ito)Ikaw, ano nararamdaman mo? May masakit ba sa yo?
Gino: (nakatingin kay Jasmine.
Pilit ngumiti. Habol ng paghinga. Pilit nagsalita kahit nahihirapan)Tinatawag na Niya ko...Jasmine: no! Lumaban ka, hon. Wag kang sasama sa kanya! (Agad na sansala niya sa sasabihin nito)
Lumapit sa kanya si Anne at ipinatong ang kamay sa may balikat niya. Nang tingnan niya si tita Anne parang sinasabi nito na hayaan ng umalis si Gino. Umiling-iling siya. Ayaw niya! Hindi niya kaya!😭😭😭
Jasmine: Hon, naman eh. Kagigising mo lang, aalis ka na agad. (Tumulo na luha niya) Sabi mo, you still have four months to live... Isang buwan palang, hon. May tatlong buwan pa ko.Lumaban ka naman. Please...(para siyang bata na nagsusumamo) Ang dami pa nating gagawin eh. Hon naman eh! (Walang paghumpay ang pagtulo ng kanyang mga luha)
Gino: w-wag ka ng umiyak. (Hirap na hirap na talaga sa pagsasalita. Nagpipilit na lang) kung ayaw mo pa, hindi na muna ako sasama...
Napayuko si Jasmine. Napahigpit ang hawak sa katipan. Patuloy sa pag-iyak. Alam niyang hirap na hirap na si Gino. Siya na lang talaga ang hinihintay nitong bumitaw para iwan siya.
"God, ayoko po. Hindi ko kaya"
Nang lingunin niya mga magulang ni Gino, kapwa nagsusumano ang mga mata nina tito Will at Tita Anne na hayaan ng umalis si Gino. Sobrang nahihirapan na ang katawan ni Gino. Napahagulgol na si Jasmine. Ayaw man niya pero anong magagawa niya sa itinakda ng nasa itaas.
Jasmine: (hinalikan ang ibabaw ng kamay ni Gino habang umiiyak) Pagod ka na ba talaga? Isusuko na ba kita?
Hirap na tumango si Gino. Tila sinasaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso, she's torn between letting him go or fight for
him to the end! Nang muli niyang tingnan si Gino, halos habulin na nito ang hininga. Humihigpit ang kapit nito sa Kamay niya na parang dito ito humuhugot ng lakas. Huminga siya ng malalim.Jasmine: sige na, Gino. Magpahinga ka na. Sumama ka na sa Kanya... (Muli, dumaloy ang di mapigilang mga luha)
Gino: (sa mahina at nahihirapang boses) S-smile. Plea-se sm-smile before i go..
Pinahid niya ang mga luha at pilit na lumikha ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ang hirap ngumiti habang para siyang sinasaksak sa sakit na nararamdaman..😭😭😭
Gino: Y-yan....Always smile, hon. I love...
Hindi na natapos ni Gino ang sinasabi. Naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya...
"Nooooooooo!"
Jasmine: Hon... Hon.., Ginooooooo! (Niyakap niya ng mahigpit ang katawan ni Gino. Humahagulgol na siya ng iyak)
Napatayo sa kinauupuan si Will ng isigaw niya ang pangalan ni Gino. Pinindot nito ang intercom at sa nagpapanic na boses ay tinawag ang nurse.
Will: pakitawag ang doctor! Pakibilisan lang!
Niyakap si Jasmine ni Tita Anne. Sa dibdib ni tita anne siya lumuha kahit ito ay iyak rin ng iyak. Si Tito Will, nilapitan ang katawan ni Gino at mahigpit niyakap ang anak.
Will: goodbye, son...
Pumasok ang Doctor at nga nurses, pilit nire-revive ang heartbeat ni Gino but he's gone...
Wala na si Gino... Tuluyan na silang iniwan😭😭😭😭😭
Abangan.
Enjoy Reading . God bless
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness