Part 21
....And Thanks to You, Gino
Nang pumasok siya ng silid ay nadatnan niya ang ina na naglalagay ng mga damit sa maleta. Naupo siya sa gilid ng kama at pinanood ang pag-aayos nito ng mga gamit.
Jasmine: aalis ka na?
Mildred: (saglit na itinigil ang pagliligpit ng gamit) as much as i wanted to stay longer, hindi na pupuwede, anak. Tumawag yung boss ko, kailangan na ako sa opisina.
Jasmine: (malungkot na ngumiti) i understand, mom.
Mildred: (ginagap ang kamay ng anak) mami-miss kita. Basta pag kailangan mo ng kausap, text o tawag ka lang sa akin, ha. Be strong.
Jasmine: (yumakap sa ina) mami-miss rin kita mommy.... (Tiningala ang ina) Mom, natatakot ako. Pano pag iniwan na ko ni Gino? (May tumulong luha sa mga mata niya)
Mildred: shhhh..(pinahid ang luha sa mga mata ng anak) kailangan mong maging matatag para kay Gino. Hindi niya gugustuhing makitang umiiyak ka. Kaya smile na, ha. Mabait ang Dios. Hindi niya kayo pababayaan. Just pray. Never lose hope. Miracles still exists. (Pagpapalubag-loob niya sa anak)
Jasmine: (matipid na ngumiti sa ina) thanks, mom. I love you.
Mildred: (niyakap ang anak) i love you, too, baby.
_______________________Nakangiting pinasadahan ni Gino ang imahe na nasa canvass. Sobrang satisfied siya sa kinalabasan ng kanyang ipininta. Maingat niya itong kinuha at muling pinakatitigan ang ipinta.
"She will surely love it!"
Kumuha siya ng half lifesize na box at doon maingat na inilagay ang kanyang obra. Maya-maya ay nakaramdam siya ng pananakit ng ulo, agad niyang dinampot ang nakahanda ng gamot at tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesa na naroon sa gallery room niya. Agad niyang iniinom ang gamot. Hindi kaila sa kanya ang madalas na pagsakit ng ulo at panghihina ng katawan pero patuloy siyang lumalaban para kay Jasmine...para sa pag-ibig nila. He's running out of time, gusto niyang nasa ayos na ang lahat bago niya iwan ang mga mahal sa buhay.At sa mga sandaling ito, hindi lang si Jasmine at mga magulang ang inihahanda niya sa kanyang paglisan, maging ang sarili ay inihahanda niyang tanggapin ang katotohanan na malapit na niyang iwan ang mga mahal sa buhay. Ayaw na niyang kuwestiyon ang Dios kung bakit siya pa ang napili nitong kunin ng mas maaga. Everything has a reason and purpose. Kailangan niyang tanggapin ng buong puso ang kapalaran para na rin sa ikabubuti ng lahat at ikagagaan ng sitwasyon...😭
_____________________________Nung pasyalan niya si Gino sa resort ng mga ito, masayang inaya siya ng nobyo na pumunta ng kusina. Natambad sa kanya ang mga baking ingredients na nakahilera sa ibabaw ng mesa. Dinampot ni Gino ang toque (chef hat) at nakangiting isinuot sa harap niya.
Gino: bagay ba?
Jasmine: opo! (Inayos ang toque sa ulo nito) sobrang bagay at sobrang pogi mo sa hat na yan.
Gino: (kinabig sa bewang ang girlfriend) kaya love na love kita eh. Ikaw ang number 1 fan ko.
Jasmine: (humarap sa nobyo) not just your number 1 fan but your one and only love. (Pinindot ang tungki ng ilong ni Gino)
Gino: hmm, sweet naman ni honey! Mas sweet pa dun sa gawa kong cake. Wait, may kukunin lang ako..
Lumapit sa may oven si Gino at may inilabas na round chocolate cake.
Jasmine: Wow! Ikaw ang gumawa niyan?
Gino: (inilapag sa mesa ang cake) Yup! Taste it. (Nag-slice ng cake at naglagay sa plate saucer)
Jasmine: (dumampot ng tinidor at tinikman ang cake) hmmm, ang sarap! Saan mo 'to inorder, ha? (Pang-aasar sa nobyo. Kunyari di siya naniniwalang ito ang nag-bake ng chocolate cake)
Gino: (ang lakas ng tawa) sabi ko na, di ka maniniwala na ako gumawa niyan. Kaya nga inihanda ko ang mga yan (itinuro ang mga baking ingredients na nasa mesa). Magbi-bake ako mismo sa harap mo. It's no 3 in my to-do list together with you.
Jasmine: wait, sino ka? Sino ako? (Umaarte siyang nalilito😂)
Gino: (natatawa) kitam, tama ako, sa sobrang sarap ng cake ko, nagka-amnesia ka!
Natatawang dinampot ni Gino ang mixing bowl at isa-isang ibinuhos ang mga ingredients para i-mix. Naaaliw naman na pinanood siya ni Jasmine.
"Oh, boy, why you are so gwapo?!"
" i promise to love you till the end"
Gino: (napansin ang nagniningning na mga mata ng nobya) wag mo akong pakatitigan ng ganyan. Naku-conscious ako. Mamaya niyan, magkamali ako ng measures.
Jasmine: (lumabi sa boyfriend) ang pogi mo kasi! Blame it to yourself!
Naiiling na natatawa na pinagpatuloy ni Gino ang pagmi-mix.
Gino: hon, pakiabot nga sa sink yung sugar.
Tumayo at tumalikod si Jasmine para kunin ang asukal. Pagharap niya, napansin niya na pinagpapawisan ng malapot si Gino at habol ang paghinga.
Jasmine: hon, are you okay? (Nag-aalalang lumapit siya sa katipan)
Pero bago pa siya nakalapit ay bumagsak na sa sahig si Gino. Pinuno ang buong kabahayan sa malakas na sigaw niya!
Jasmine: Noooooo!!!! Ginoooooooo!
Abangan.
Enjoy reading. God bless
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness