And thanks to you, Gino..

2 1 0
                                    

Part 19

.....And Thanks to You, Gino

Umaga palang na kina Gino na siya, gusto niya kasi siya ang maghahanda ng breakfast ng binata at siya na rin ang nagpapainom ng mga gamot nito. Alam niya ang bigat ng pinagdadaanan ni Gino kaya hangga't maaari, iniiwasan nilang pag-usapan ang sakit nito. Pinatatawa niya ito kahit na papangitin pa niya ang mukha o magmukha siyang clown basta mapangiti lang niya ang nobyo. Gusto niyang maging masaya ang mga nalalabing araw ni Gino na kasama siya.

Naiintindihan naman nina Lola Andrea at ng mommy niya kung bakit siya nagbababad sa resort nina Gino. Napakaiksi ng panahon ng pagsasamahan nila at gusto niyang sulitin ang bawat segundo na kasama ang binata. Tulad ngayong gabi, naisipan nila ni Gino na magtayo ng tent sa gitna ng hardin nila. Nakahiga sila ng padapa, nakaharap sa nakabukas na tent at kapwa sila nakatingala. Looking at the stars above.

Gino: alam mo, hon (yun ang naging endearment sa kanya ni Gino simula ng maging sila), dati-rati, hindi ako mahilig mag-stargaze but when i met you, nakasanayan ko ng tumingala sa langit kapag gabi.

Jasmine: bakit naman?

Gino: kasi yung ganda mo, kasing liwanag ng bituin sa langit, nangingibabaw sa lahat.

Jasmine: ( kinilig) eto naman, masyadong ini-stress ang obvious. Wag mo masyadong ipagkaingay ang ganda ko at yumayabang ako. (Biro niya)

Gino: (nakisakay sa biro ng nobya) oo nga, biglang lumakas ang hangin.

Jasmine: ( pinisil ang ilong ni Gino) loko, talaga lang malamig na ang simoy ng hangin. But seriously, bata palang ako, natutuwa akong mag-stargaze kasi laging late umuwi si daddy galing work. Habang hinihintay ko siya, binibilang ko yung mga bituin sa langit para di ako mainip sa paghihintay sa kanya.

Gino: four months from now, mararagdagan yang mga bituin.

Jasmine: h-ha? (Hindi agad nakuha ang ibig sabihin ni Gino)

Gino: sabi kasi nila, pag umalis raw ang isang tao dito sa mundo, binibigyan siya ni God na mamili kung gusto niyang maging angel o stars. Para mabantayan yung mga mahal nila sa buhay.

Jasmine: (ayaw niya sana pag-usapan ang pag-alis nito pero nacurious siya kung bakit gustong maging star ni Gino instead of being an angel) why star? You can be an angel..

Gino: kapag angel kasi, ako lang ang makakakita sa yo. Hindi mo ako makikita, malulungkot ka nun. At least kung star ako, pagsapit ng dilim, tumingala ka lang sa langit at makikita mo na ako. (Itinuro ang kalangitan) nakikita mo yung space na yun? dun ako pupwesto para makita mo ko agad. Ire-request ko kay God na gawin niya akong maningning na maningning na star para mabigyan kita ng liwanag pag feeling down and lonely ka. (Humarap kay Jasmine. Nagulat ng makitang tahimik na umiiyak si Jasmine) hey, bakit ka umiiyak? Hon, don't cry...

Jasmine: Hindi ba puwede na i-request mo na lang kay God na wag ka na lang niyang kunin? Aanhin ko ang star kung hindi ko naman nahahawakan, nakakausap... Ang layo naman kasi ng hitsura mo sa star! (Parang batang maktol ni Jasmine habang tumutulo pa rin ang luha😂😂)

Gino: (natawa sa girlfriend) ang cute talaga ng honey ko. Halika nga rito (inakbayan ang nobya at inihilig ang ulo nito sa balikat) Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At lagi mong iingatan ang sarili mo. Kung dumating ang panahon na magmamahal ka ulit...

Biglang layo ng ulo ni Jasmine sa balikat niya at naiinis na tiningnan siya.

Jasmine: wala akong gustong mahalin! Ikaw lang...

Gino: o, nagagalit ka na agad. Ayaw ko lang ikulong mo yung sarili mo sa akin. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala. May darating na muling magpapasaya sa yo. Pag dumating yung lalaking yun, wag kang matatakot magmahal kasi andyan lang naman ako sa tabi. Babantayan kita. Mumultuhin ko siya pag niloko ka niya.

Tumayo at lumabas sa loob ng tent si Jasmine. Naiinis siya! Bakit parang gusto ni Gino na maghanap siya kaagad ng ipapalit dito?! Inaakala ba nito na mababaw lang ang pagmamahal na meron siya para sa binata. Huminga siya ng malalim; ang ganda ng gabi, mukhang masisira pa. Sa inis niya, di niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang binata

Gino: sorry na. Wag ka ng magalit sa akin, hon. Gusto ko lang kasi maging masaya ka.

Jasmine: at sa tingin mo, masaya ako na parang gusto mo kong ipamigay sa iba?!

Gino: sorry... Sorry na. (Niyakap nito sa likod ang nobya) Eto na lang, para mawala yung galit mo sa akin, gawa na lang tayo ng "to-do-list together"

Jasmine: (hinarap ang nobyo, mukhang na-curious sa to do list together na idea) ano namang kaartehan yan? (Kunyari galit pa)

Gino: halika, balik tayo sa tent. Nilalamig ako.

Jasmine: (agad nag-alala) ha! (Agad hinubad ang suot na shawl at ibinalabal kay Gino. Hinatak na niya agad pabalik sa tent si Gino)

Jasmine: pasok na kaya tayo sa loob ng bahay. (Agad niyang isinara ang tent pagkapasok nila)

Gino: okay na. Mas gusto ko 'to. Isa kasi ito sa to-do-list ko na kasama ka. (May Kinuhang pad sa bag sa may gilid ng tent) tingnan mo.

Kinuha ni Jasmine ang pad at binasa ang mga nakasulat.

My "to-do-list wish" together with my honey

1. Experience camping. Pero dahil mahina na ko, kahit magtayo na lang kami ng tent sa gitna ng garden ni mommy.

2. Mountain climbing. Pero malabo mangyari yun kaya sabay na lang kaming aakyat sa hagdan ni honey. Pero dapat nakaangkas siya sa likod ko.

3. Bake together. Natikman ko na yung cupcakes niya, masarap siya. Pero tiyak pag natikman niya yung cupcake na gawa ko, makakalimutan niya ang name niya sa sobrang sarap!

Biglang paling niya kay Gino.

Jasmine: talaga lang, ha?! Mas masarap pa ang cupcake mo sa gawa ko. (Nakangiti niyang tanong)

Gino: to taste is to believe (pagmamayabang niya)

Natatawang pinagpatuloy ni Jasmine ang pagbabasa

4. Matapos at maibigay ko na yung regalo ko sa kanya.

Jasmine: regalo? Ano yun?

Gino: secret.

Jasmine: ano nga kasi yun? (Pangungulit niya)

Gino: secret nga. Kulit mo! Basahin mo na yung number 5

5. Makasama siya sa graduation niya. Gusto ko bumalik na siya sa schooling.Pero dahil mukhang di na ko aabot sa grad niya. Kahit maihatid ko man lang siya sa first day ng pagbabalik eskwela niya.

Jasmine: (naiiyak na naman) promise, mag-aaral ulit ako. At pagbubutihin ko. Para maging proud ka sa akin. (Hindi napigilan ang luhang kanina pa pinipigilan) at makaka-attend ka sa graduation ko. Sa yo ko iaalay yung diploma ko.

Hindi nagsalita si Gino. Sa halip, pinunasan niya ang mga luha ni Jasmine, hinalikan ito sa noo at niyakap ng mahigpit ang nobya.

Kung nakikita lang ni Jasmine ang mukha ni Gino, makikita niya ang hirap at sakit na tinitiis nito, wag lang mag-alala ang nobya.

Kanina pa pinagmamasdan ng mag-asawang Will at Anne ang magkasintahan. Nanghihinayang sila sa pag-iibigan ng dalawa. Sobra silang humahanga sa pagpapakatatag ni Jasmine, hindi biro ang araw-araw na pagdalaw nito at pag-aalaga kay Gino. Kapag nagsusuka si Gino sanhi ng chemo ay tila mas higit itong nahihirapan pero encouragement and braveness ang pinapakita ni Jasmine kay Gino kahit nadudurog ang puso nito sa nakikita. At si Gino, alam nilang mag-asawa na si Jasmine ang dahilan kung bakit patuloy itong lumalaban para mabuhay. Si Jasmine ang lakas ng anak...😭😭😭

Kinabig ni Will ang asawa ng mapansin na pasimpleng pinahid nito ang luha. His way of saying: may awa ang Diyos. Malalampasan rin nila ang pagsubok na ito sa kanilang buhay... Tiningala ni Anne ang asawa at tipid na ngumiti. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa. Mabait ang Dios, hindi sila nito pababayaan. 🙏🙏😇😇

Abangan

Enjoy Reading. God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now