Part 16
....And Thanks to You Gino
Ilang araw na niyang di nakikita si Jasmine. Tumambay siya sa tabing-dagat, nagbabaka-sakali at umaasa na makikita roon ang dalaga pero katulad ng mga naunang araw, bigo siya. Nilalabanan lang niya ang utos ng puso na dalawin ang dalaga sa resthouse. Mas dapat manaig ang isip, sabi ng utak niya ay hayaan na lang si Jasmine sa gusto nitong mangyari. Kung pagkatapos nitong malaman ang tungkol sa sakit niya at nagpasya si Jasmine na lumayo na sa kanya ay wala siyang magagawa. Hindi ba't ito rin naman ang gusto niyang mangyari. Sa simula't simula palang ay ayaw niyang ma-involve sa dalaga kaya sinusungitan at iniiwasan niya ito kahit ang totoo, nagandahan na agad siya dito nung unang araw na dumating ito sa Batangas. Hindi niya makakalimutan ang magandang mukha nito na nakasimangot habang pababa ng bangka. Nililipad pa ng hangin ang buhok nito and the kiss of the sun to her skin made her looked even lovelier. Naalala pa niya na napasulyap sa kanya ang dalaga at nginitian siya nito pero hindi niya pinansin si Jasmine kaya marahil inakala nito na hindi niya nakita ang dalaga.
Aaminin niya, nami-miss niya ang kakulitan nito, ang kaingayan, ang mga pagti-trip, ang bawat ngiti at halakhak ni Jasmine, ang mga pagsusungit nito, ang masarap na cupcake na gawa nito, ang magandang mukha at lalong higit ang presensiya nito sa tabi niya.
"God, i missed her..😭"
" But maybe, everything happens for a reason. Baka nga mas maigi na di na kami magkita..."
Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Pilit niyang ininda ang sakit. Gusto pa niyang maglagi ng ilang segundo sa tabing-dagat, baka biglang sumulpot si Jasmine. Pero patuloy sa pagkirot ang kanyang ulo. Kailangan na niyang bumalik sa resort, nakalimutan na naman niyang uminom ng gamot. Tiyak na masesermunan siya ng ina pag nalaman na hindi siya umiinom sa tamang oras ng gamot. Napapagod at nagsasawa na rin siya sa pag-inom ng malalaking pildoras. Saglit lang naman mawawala ang kirot at sakit tapos babalik na naman.👊👊😞😞
" i am too young to die. Why me?!"
Hindi na niya talaga kayang labanan ang sakit kaya tumayo na siya at sapo-sapo ang ulo na naglakad pabalik ng resort.
_____________________________Samantalang kanina pa pinapanood nina Lola Andrea at Sofia ang pagbi-bake ng cookies ni Jasmine. Ilang dozen of boxes na ang nagagawa nito pero di pa rin tumitigil sa pagbi-bake si Jasmine. Parang walang kapaguran o sadyang pinapagod ang sarili. Kanina bago nito maisipang gumawa ng mga cookies ay nagprisinta itong magdilig at magtanggal ng mga tuyong dahon ng mga halaman ni Lola Andrea sa hardin. Nilinis rin nito ang kwartong ginagamit habang nasa bakasyon. At ang talagang nakakagulat ay marunong na rin itong manggatsilyo. Kagabi ay nakipagsabayan ito sa pagpupuyat kay manang Chaling sa paggagatsilyo ng mga kubre sa lamesa.
Napailing si Lola Andrea, worried siya sa apo. Hindi ito ang Jasmine na kilala nila. Ang dumating na Jasmin ay masayahin (bagamat may kasungitan nung unang araw nito sa resthouse), malambing ang kanyang apo, mahilig sa adventure, at laging gustong mang-trip ng tao lalo na kung si Gino. Malayong-malayo ang Jasmine na nakikita nila ngayon sa Jasmine na kilala nila noon. Naging tahimik, masipag, introvert, at naging seryoso bigla ang apo niya. Nagsimula maging ganito si Jasmine mula ng malaman nito na may malubhang sakit si Gino.
Nagkatinginan sila ni Sofia nang muling nag-mix ng baking powder, egg, flour at cinnamon powder si Jasmine sa bowl. Meaning, another set of cookies to bake! Napilitang lapitan nila si Jasmine.
Lola Andrea: Jasmine, apo, don't you think you're baking too much cookies? Hindi natin mauubos lahat yan.
Jasmine: (pilit ang ngiti) pamigay nyo na lang po yung iba sa mga kakilala nyo o kaya ibebenta ko sa bayan. Tama! Ibenta natin ang mga ito, Sofia.
Sofia: (lihim na sumulyap kay Lola Andrea) Jas, baka pagod ka na. Bakit di ka na muna magpahinga?
Jasmine: nah! Kaya ko pa. Hindi pa ko pagod. (Pinahid ng gilid ng palad ang tumulong pawis sa noo, nalagyan tuloy ng baking powder ang buhok niya sa unahan)
Lola Andrea: (masuyong inaalis ang baking powder sa noo at buhok niya) but you look tired, apo. Sige na, magpahinga ka na at kami na ang tatapos niyan.
Jasmine: hindi pa ako pagod, lola. (Tumingin sa kawalan) hindi pa ako pagod... Nararamdaman ko pa yung sakit eh.
Lola Andrea: apo...
Jasmine: (tumingin sa kanyang lola) bakit ganun, la. Lahat ng taong mahalaga sa akin.. Lahat ng minamahal ko, nawawala. Hindi ba ako karapat-dapat mahalin?
Lola Andrea: Jasmine, apo, you're a very adorable person. You have a beautiful heart. Pano mo nasasabing di mo deserve na mahalin ka? Karapat-dapat kang mahalin ng mga taong mahal mo at mga taong magiging kadaop-palad mo in the near future.
Jasmine: (mapaklang tumawa) life is so ironic! Nung una, plano ko lang pagtripan si Gino. Ang bilis ng karma, ako ang napagtripan ni tadhana! (She sigh) nung iniwan ako ni daddy, nasaktan ako pero hindi nawawala yung hope ko na babalik pa siya. Pero si Gino...(hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha ng mabanggit ang pangalan ng binata), hindi pa nga siya umaalis pero alam ko na pag umalis siya, hindi na siya babalik. Na tuluyan na niya akong iiwan. (Nanggilid ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata) At natatakot ako. Natatakot akong iwan niya ako. (Tuluyan na siyang nag-breakdown. Walang patid ang luhang ilang araw niyang pinigilan) Ayoko siyang mamatay, lola. Mahal ko siya.😭😭😭
Si Sofia na tahimik lang na nakikinig sa usapan ng agwela at Jasmine ay di napigilan ang pag-iyak. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng pinsan. Kung siya nga na kaibigan lang ang turing kay Gino ay lubhang nasasaktan sa isiping isang araw, bigla na lang silang iiwan ni Gino. Si Jasmine pa kaya na umiibig sa kaibigan ang di masaktan sa isiping malapit na silang iwan ni Gino.
Walang maisip sabihin si lola Andrea. Hindi niya alam kung paano maiibsan ang sakit na nararamdaman ng apo. Kung maaari nga lamang na kunin niya ang ibang sakit na nasa dibdib nito ay ginawa na niya. Pero wala siyang magagawa.. Tao lang siya. Hindi siya Diyos. Hindi niya kayang dugtungan ang buhay ni Gino o kaya bawiin ang sakit nito. Ang tanging magagawa niya ay ipagdasal si Gino at ang apo na magawang tanggapin ang anumang pagsubok na dadating. Niyakap ni Lola Andrea si Jasmine. Gumanti siya ng yakap sa agwela at sa mga balikat nito siya umiyak ng umiyak. If only tears can wipe the pain...😭😭😭 Nakiyakap si Sofia sa pinsan at agwela. Sa yakap man lang maramdaman ng pinsan na nandun lang siya, handang makinig at damayan siya.
_________________________Natataranta ang mga magulang ni Gino, nakahandusay sa sahig si Gino habang sinasabunutan ang sariling buhok.
Gino: ahhhhh! Ang sakiiiiit! Ayoko na!
Anne: anak, kapit lang. Lumaban ka. (Niyakap ang nagwawalang si Gino sa sakit. Umiiyak sa awa ang ina sa anak)
Gino: (yumakap sa ina. Isinubsob ang ulo sa kandungan nito) mom, ang sakit! Sobrang sakit!
Bawat daing ni Gino ay tila patalim na bumabaon sa dibdib ni Will. Tumalikod siya. Hindi niya kayang makita ang paghihirap ng anak dahil sa sakit. Ganun rin, ang paghihirap ng asawang si Anne sa nakikitang pagdurusa ng anak!
"Bakit si Gino pa, Lord? Napakabata pa niya. May magandang bukas pa na naghihintay sa kanya?"
"Bakit hindi na lang ako? Matanda na ko. Nagawa ko na ang mga dapat gawin dito sa mundo. Ako na lang, Lord. Ako na lang, instead of my son!" Palihim na pinahid ni Will ang luhang naglandas sa pisngi.
Hindi niya gustong kwesyunin ang mga plano ng Panginoon. Pero sobra siyang nasasaktan sa nakikitang paghihirap ni Gino. Masakit para sa isang ama ang makitang unti-unting pinapatay ng sakit na cancer ang kanyang nag-iisang anak.😭😭😭
"God, save my son..."
Abangan
Enjoy reading. God bless
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness