8

90 1 0
                                    

8

Kulang ang tulog ko kagabi.

Pagbaba ko nasa lamesa na sila mommy and daddy i kissed them both bago umupo.

"Have you slept well?" Dad asked

I shook my head hindi ako nakatulog ng maayos hindi ko din alam pero parang nasanay na ko sa mansion ni Xavier kahit ilang linggo palang ako dun.

"Namamahay ka agad? Comfortable siguro sa bahay ni Xavier noh?" masayang tanong ni mommy but daddy stop her dahilan para mapangiti ako

"I guess so, mas malambot po kasi ang kama dun hehe" biro ko kay mommy

Dad face became serious kaya natawa kami pareho ni mommy.

"Avery, You stayed there just for business, don't forget that!" paalala ni dad nawala ang ngiti sa labi ko pero di ko yun pinahalata tama naman sya e trabaho lang naman ang pinunta ko dun

"O-opo Dad, Alis na po ako i have works" I said and stood up hinalikan ko ulit sila bago nilisan ang dining area

Dumiretso na ko sa office ko pagdating at dun ay nagtrabaho na ko kaagad.

"Maam, Coffee nyo po" Hannah said at nilapag ang cup ng kape

"Thanks, btw pasend nalang sakin yung ibang emails para mabasa ko din" I said without looking busy ako sa pagiisketch ng dress

She didn't answer me kaya nilingon ko sya kakaiba ang itsura nya as if she wanted to say or ask something. I lift my eyebrow to silently asked her.

"E-eh kasi po tumawag po sakin si Mr.P-I mean Mr. Salzedo" kinakabahang sabi nya nangunot ang noo ko na tumango sakanya para magpatuloy sa pagsasalita.

Kita ko ang paglunok nya bago sumagot.

"He's asking if kasama po ba daw kita nakita ka daw po kasi nya sa bar kagabi tas nakita mo pa daw po syang may kasamang babae tas umalis ka nalang bigla pagkatapos akala daw nya pumunta ka sa apartment ko" mahinahong dagdag nya


Huminga ako ng malalim at umaktong hindi naapektuhan sa sinabi nya. Tumwag sya sa mansion ng parents ko at tumawag din sya kay Hannah just to ask about me? Bakit worried ba sya sakin?

No, That's impossible isa syang jerk na lalaki wala syang pakealam sa ibang tao. Hinding hindi yun mag-aalala sakin pakiramdam lang talaga nya is may responsibility sya sakin since pinagkatiwala ako sakanya ng parents ko. Tama yun nalang iisipin ko kesa paasahin ko pa sarili ko.

"Don't worry about that just send me the emails, got it?"

Wala syang nagawa kundi ang tumango nalang at lumabas ng office ko. Paglabas nya ay dun lang ako nakahinga ng maluwag at napakagat sa ibabang labi. Hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na nag-aalala sya sakin.

Lunchtime na pero hindi pa din ako naalis sa pwesto ko pinili ko nalang magsketch kesa kumain dahil ayaw ko na ulit maulit ang nangyari nung nakaraan. I was busy sketching when my office door opened sa pagaakalang si Hannah yun ay inunahan ko na sya dahil wala akong balak kumain ng tanghalian.

"I won't eat, so you can go out now"

But Hannah didn't speak so i lift my head to her but my breathe stop when I see Xavier staring at me seriously.

"You've only been out of the house for one day but you've already lost weight" he seriously said


Kinuha nya ang phone sa bulsa and he did something there saka naupo sa may single couch na nakaharap sakin sobra akong naiilang ngayon dahil sa mga titig nyang hindi lumilihis sakin.

"What do you want?" I asked before looking away pinilit ko nalang magfocus sa pagiisketch para lang maiwasan sya.

"You saw me last night, right?"

Nadiinan ko ang paghawak sa lapis dahilan para masira ang tasa nito. Tinignan ko sya ng seryoso at tumango.

"Yes and why?" I asked he sighed and was about to talk when someone knock at the door making him stop.

Oh god that save me!

"Come in" sigaw ko at agad na namang pumasok si hannah na may dalang mga paper bag na mula sa sikat na restaurant.

"I didn't order anything"

She shook her head. "It's for Mr.Salzedo po" she answered at nilapag yun sa maliit na mesa kaharap ng kay Xavier saka yumuko bago umalis ohh that make sense since may ginawa sya sa phone nya pero bakit dito nya napiling kumain at hindi sa opisina nya?

Ayaw ba nyang mahingian dun? Nagdrive pa talaga sya dito ng 1 hour para lang sa lunch nya. Effort huh!

"Oh okay" tanging sagot ko at muling bumalik sa pagtratrabaho kesa naman tumunganga ako habang sya nalamon sa harap ko.

Napakagat ako ng labi nang maamoy  ang paborito kong sinigang. Lumunok ako at dahan dahang tumingin sa pwesto ni Xavier nagaayos sya ng pagkain. Lalo lang ako nagutom nang makita din ang egg rolled and two bowl of rice.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang lumingon sya sa gawi ko nagkunwari pa kong nagdradrawing.

"Come here, Let's eat" he said softly

Pikit mata akong umiling pero sadyang galit sakin ang tyan ko dahil tumunog yun kahit umiling ako. I heard him scoffed so i looked at him while biting my lower lips. His gaze went to my lips kaya mabilis kong inalis ang pagkakagat dun.

"Let's eat and we will talk later"
mahinahong sabi nya and he gestured his hand ordering me to come beside him so i did kesa naman tiniisin ko din ang gutom ko 

We silently ate ayaw ko din namang makausap sya kaya kumain nalang ako. Natapos kami at nagsimula na syang iligpit yun and I stood up walking towards my seat when he talk behind me.

"I know you heard what i said on the phone last night so I'm not going to repeat it, I just want to say sorry if i hurt you with my words but i swear i regret saying that kaya sana wag ka na magsungit ulit sakin" malambing na sambit nya napayuko nalang ako at huminga ng malalim

"That's right I heard it and I don't get it why you need to explain it to me like I care? At kung feeling mo may responsibility ka sakin since sayo ako nakatira stop that, dahil wala kang kasalanan kung mapahamak ako" seryosong sagot ko nang nakatitig sa mga mata nya i saw a glint of pain in his eyes but i just rolled my eyes on him

"I don't know why I explained too pero pakiramdam ko kasi kapag di ko yun ginawa magagalit ka lalo sakin, Umuwi ka na sa bahay ayaw ko nang masyadong tahimik" bigkas nya at lumapit sa pwesto ko medyo napaatras pa ko dahil akala ko kung anong gagawin nya hinila nya ang kamay ko at niyakap ang bewang ko

"Umuwi kana satin"malambing na dagdag nya

Paano ko pa magagawang bantayan ang pader na binuo ko kung simula palang alam ko nang matitibag din yun? Dahil nung araw na binuo ko yung pader na yun alam kong talo na ko?

Hulog na ko sa lalaking toh kaya kahit ano pa ang gawin kong pang gaslight sa sarili ko alam ko sa sarili ko kung anong nararamdaman ko.. Kaya nga ko nasasaktan kapag nalalaman kong may bago nanaman syang syota. Kahit ilang beses ko pang sabihin na hindi ko sya gusto alam kong di yun totoo...


-----------------------
To be continued....

Ewan sayo Chanty daming alibi gusto din naman si Xavier nyeta...

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon