LAST CHAPTER

69 2 0
                                    

Last Chapter

AFTER 1 YEAR....

"Daddy, can I get this one?" altius said while holding a box of chocolate

Inunahan ko na si Xavier bago pa sya makasagot kinuha ko ang box sakanya at binalik yun sa estante.

"Your doctor told me na hindi ka pa pwede sa sweets because you ate too much of it" kalmadong paliwanag ko

He bit his lips then looked at his father na napangiti nalang ng maliit sakanya. Wala din naman magagawa si Xavier kapag nagsalita na ko.

"Sorry kiddo, She's our boss"

Napapout sabay tango nalang si Altius saka sumunod samin maglakad nagdecide kasi kaming maggrocery dahil naubos na naman ang stocks namin. May pasok si Xavier mamayang gabi kaya sinusulit na namin tong oras na to.

Dalawang araw kasi sya mawawala since sa province ang location ng bago nilang project ngayon and I thought may kung ano akong mararamdaman pero hindi man lang ako nagaaalala na aalis nanaman sya dahil alam kong masyado nya kong mahal para gawin yun.

"What about you babe? do you want something else?" tanong sakin ng asawa ko

We're not married but we have a kids already kaya parang mag-asawa na din kami...

Yes, you read it right. I'm 6 months pregnant now pero hindi pa namin alam ang gender tanging ang OB ko lang ang may alam. May gaganapin din kasing Gender Reveal paguwi nya galing province kaya medyo busy din sa bahay namin.

"Nothing, babe... I just want to go home and sleep" nakangusong reklamo ko saka mas dumikit sakanya kanina ko pa din kasi nakikita yung ibang mga babae dito na nakatingin sa asawa ko

"Okay, let's go to the counter"

Kinabukasan ay hinatid lang namin sa school si Altius at hinatid lang ako ni Xavier sa bahay bago sya tuluyang umalis for his work. Umiiyak pa nga ko habang nakayakap sakanya kasi mamimiss ko sya kahit 2 days lang naman yun.

"I'll be back, I promise you" kalmadong pagaalo sakin ng asawa ko pero mas naiiyak ako kasi ang gwapo nya kapag kalmado ang boses nya

"Promise? P-pag hindi ka umuwi after 2 days wala ka ng uuwian" pagbabanta ko na ikinatawa lang nya sabay halik sa noo ko.

"Uuwi ako sainyong tatlo after 2 days, I love you" he said and kissed my lips and my belly bumulong din sya dun ng 'I love you' kaya medyo naiiyak nanaman ako

I smiled, "I love you more than watermelons"

Pumasok na sya sa kotse at bumusina ng tatlong beses bago umandar palayo. Habang nakatitig sa kotse nya ay naiiyak nanaman ako dahil dalawang araw ako walang aantayin sa sala na Honda Civic tuwing hapon..

Nagdaan ang isang araw ay para na kong mamamatay kahit kakatapos lang namin magusap ni Xavier kagabi. Andito si Gleza dahil napagutusan daw sya ni Xavier na tignan tignan ako dito sa bahay kaya tawang tawa ako nang malamang nasungitan pa daw ng boyfriend nya si Xavier kasi akala ay lalaki daw niya.

"Bwesit talaga yung lalaking yun, nakutusan ko tuloy sya kanina" nakabusangot nyang kwento habang ako ay magkanda ihi ihi na sa kakatawa

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon