CHAPTER 27
It's Sunday.
Binihisan ko na si Altius ng simpleng outfit na bagay sa simbahan habang ako ay nakabrown dress knee length at flat white sandals.
Excited na si Altius makita si Axus kasi halos tumambay na sya sa may gate namin para lang abangan ang pagdating ng papa nya.
Ilang minuto lang ay pumarada na ang isang Honda Civic sa harap ng gate at lumabas dun si Axus na naka brown polo and white slacks at nakasuot ng sapatos na nike. That's why tinanong nya ko kung anong susuotin ko dahil paparesan nya pala yun. Muka tuloy kaming couple pero ayos na rin yun para walang masyadong tumingin samin.
"Papa!!! You're here na!" excited na sabi ng anak ko at nagtatakbo palapit kay Axus na nakangiti habang nakaabang ang mga braso para yakapin ang anak ko.
Lumabas na din ako at nilock ang pintuan at gate. Nang makalapit na sakanila ay kita ko ang bahagyang pagbura ng ngiti sa labi ni Axus nang mapansin ako. Hindi ko nalang yun pinansin at umabante ako palapit sakanya para mabeso sya na kinatigas ng katawan nya.
Natauhan naman agad sya at pinagbuksan kami ni Altius ng pintuan para makasakay na sa backseat. Hindi ako naupo sa passenger seat kapag kasama namin si Altius dahil ayaw kong iwan ang anak ko magisa dito. May tiwala naman ako sa driving skills nya pero wala akong tiwala sa mga sasakyang nakapaligid samin.
"Papa, are we going to the Mall after this?" tanong ng anak ko nang makaupo kami sa loob ng simbahan
Napapikit ako kasi hindi pa man nainit ang mga pwetan namin sa pagupo ay gusto na atang umalis ng anak ko. Always kaming nagsisimbang tatlo pero kapag busy naman si Axus ay kaming dalawa lang ang nakakapagsimba hindi din naman kami nagtatagal dahil pareho kaming madaling antukin lalo na pag sa loob ng simbahan, Lalabas lang kami ng simbahan pero tatapusin pa din namin ang misa.
Nang matapos ay pumunta nga kaming Mall dahil hindi naman nakakatanggi si Axus padating samin ni Altius.
"Papa, let's go to the Arcade" pakiusap ng anak ko na agad naman nyang tinanguan napabuntong hininga nalang ako at sumunod.
Nagbonding lang silang dalawa dun habang ako ay nakatingin lang sakanilang dalawa at napapaisip na paano kung si Xavier mismo ang kasama namin dito ngayon? Hindi kaya ako nakatulala lang dito at nagmamasid? Magiging sobrang saya kaya naming tatlo kapag kami ang andit- ano ba tong iniisip ko hindi nakakatalino.
"Mommy? Are you sad?"
Natauhan ako nang marinig ang boses ng anak ko. Mabilis akong umiling at lumapit sakanila pansin ko ang seryosong muka ni Axus pero mas pinili ko nalang lumapit sa anak ko at guluhin ang buhok nya.
"Magbabanyo lang si mommy, okay?" paalam ko na agad namang nagsalita si Axus
"We'll come with you"
Tinignan ko lang sya ng matiim and gets na nya dapat yun pero umiling lang sya at niyaya na si Altius na samahan ako. Pantay ang labing kong naglakad palabas habang sila ay nakasunod lang sakin.
"Just wait me here, okay?" bilin ko sakanila nang huminto kami sa may Jollibee dahil ayaw ko ngang pati sa labas ng banyo ay kasama pa sila.
"Okay mommy! Be faster po please, I'm hungry na po e" pabebeng sabi ng anak ko habang nakahawak sa kamay ni Axus
Tinanguan ko sya at naglakad na papasok sa hallway kung nasan ang banyo. May pila pa pero di naman ganun kahabaan pumapangatlo lang ako sa pila.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceChantria Avery Castillo hates the guy name Xavier Alphard Salzedo her brother's bestfriend. She hates the thought of living with him but that's the part of his conditions. She hates him for being fckboy and living with him in the same house. But th...