28

42 2 0
                                    

CHAPTER 28

Ngayon ko susukatan si Ms. Suarez and Xavier. Natatakot ako na magtanong sya sakin mamaya kung sino ang batang kausap nya kagabi.

Mali ako ng akalang si Hannah ang nagbigay ng number ko kay Xavier baka kay Ms. Suarez nya mismo hiningi yun, but why? ano ang dahilan nya para hingin ang number ko sa ibang tao?

"Mommy, the school bus is here" rinig kong sabi ni Altius

Napakurap akong tumingin sakanya masyado ata akong natulala hindi ko na namalayang andyan na pala ang bus at kanina pa nagbubusina.

"Oh sorry, let's go" paumanhin ko saka kinuha ang bag nya na nasa sofa para isabit yun sa balikat nya.

Hindi naman mabigat ang bag nya kasi isang notbuk,papel and pencil case ang nandun. Nakahiwalay ang lunchbox nya at water.

Inalalayan ko sya paakyat sa bus at nagsorry din sa driver dahil badtrip yun.

"Bye Mommy!"

I throw him a kiss.

"Bye! Enjoy your day"

Kumaway ako sakanya katulad ng nakasanayan. Nang wala na ang bus ay pumasok narin ako sa bahay para maligo dahil pupunta pa ako sa bahay ni Ms. Suarez dun daw nya kasi gustong magpasukat dahil hindi daw sya pwedeng mapagod ng sobra. Nagkakaideya na ko pero pinipilit kong ideny yun.

what if she's really pregnant with Xavier's child?

Inayos ko ang sarili ko and dapat hindi niya ko makikitaan ng emosyon mamaya. Nagsabi muna ako kay Ms. Suarez na papunta na para makapaghanda nadin sila.

Malapit lapit lang din naman ang bahay nila sa bahay ko. Hindi ko na pinarada sa loob nila ang sasakyan ko dahil hindi naman ako magtatagal.

"Goodmorning, kayo po ba si Ms. Chantria?" asked ng isang maid na dumungaw sa may gate

I nodded my head.

"Pasok po kayo, nasa room po nya si Maam Kim, hayaan nyo pong ituro ko sainyo ang daan" magalang na sabi ng maid

Nagthank you naman ako at sumunod sakanya paakyat ng kwarto ni Ms. Suarez. May tatlong kwarto dito sa may second floor for sure may guestroom dun sa third floor.

Kumatok sya ng tatlong beses bago nagsalita. "Maam, andito na po si Miss Chantria"

Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto at niluwal nun si Ms. Suarez na nakadress lang. Di sinasadyang mapatingin ako sa bandang tyan nya and hindi na dapat ako nagulat ng makita ang baby bump nya pero bahagya parin akong napasinghap.

"Hi, Thank you for making time for me" masayang sabi nya at iginiya ako papasok sa kwarto nya

"Manang, dalhan mo kami ng makakain dito" utos nya sa maid atsaka sinarado ang pinto

Inilapag ko ang gamit ko sa may round table at inilabas dun ang memo and medida. Pinaayos ko na sya ng tayo para mabilis kaming matapos at makaalis na ko dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako.

"My fiance is in the office room because I told him that you will come and he said he will be here in a minute" pagkwento nya habang sinusukatan ko sya sa may bewang

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon