30

52 0 0
                                    

CHAPTER 30

D-day...

Birthday na ni Altius pero chill lang kami umorder lang kami ng mga pagkain and kami lang din ang nagdecorate dito sa bahay. Nasa school pa si Altius kaya nakakagalaw pa kami ng maayos.

"Ma'am, Andyan na po ang pina-order nyong foods and drinks" sabi ni Hannah

Nagtungo ako sa pinto para salubungin ang nagdeliver ng pagkain. Tinulungan ko silang ayusin yun sa mahabang lamesa kung nasan yung ibang pagkain na si mommy mismo ang gumawa. Marami rami din kasi ang hinanda namin dahil inimbitahan ko ang iba naming relatives para may bisita kami kahit papaano.

Nakahanda na lahat pati ang tatlong cake nya na Iba't iba ang design.. Ang galing kay Axus is SpongeBob, yung kay Kuya naman is Batman and yung galing sakin is Doraemon since favorite nya yun.

Mayroon din kaming buko salad, fruit salad, macaroni salad at mango tapioca drink. Si mommy ang gumawa ng lahat ng yan since gusto nyang magsawa si altius sa sweets dahil birthday nga daw.


Nagpaalam sakin si Axus na susunduin nya si Altius sa school kaya may time pa kong maligo and magayos. Isang maroon dress puffed sleeves ang suot ko and red heels.

"Ready na po ang lahat, ma'am" anunsyo ng taong pinagorderan ko ng foods binayaran ko na din yun para makaalis na sila

"Okay, Thank you" I said at nagbow sakanila

Nakaalis na sila nang pagmasdan ko ang buong ayos ng simpleng handaan ng anak ko. Hindi ko maiwasang maluha kapag naiisip na ang anak ko ang nagplano ng birthday nya.

This is too simple for a kid like him. Napalaki ko ba talaga sya ng maayos?

"Mommy! Wow this is too cool" boses ng anak ko mula sa pintuan

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko bago nilingon ang anak kong nakangiti na nakamasid sa paligid. Nilapitan ko sya at niyakap.

"Happy birthday, my baby" bulong ko sakanya dumiin naman ang yakap nya sakin

"Thank you mommy, I love you" bulong nya din at kiniss ako sa pisngi

Naramdaman ko si Axus sa gilid ko kaya binitawan ko na si Altius para makausap siya. Malaki ang ngiti ng anak ko nang lumapit sya sa mga handa nya halatang masaya sya na nasunod ang gusto nya.

Bumuntong hininga ako habang nakatingin padin sa anak ko.

"I don't want him to grow fast, he's the one who suggested this" seryosong sabi ko nang hindi lumilingon sakanya


Rinig ko ang mahinang pagngiti nya pero walang sagot na lumabas sa bibig nya. Nilingon ko sya and I saw how he smiled while looking at my son.

I suddenly felt bad para sa gagawin ko mamaya- kung pupunta sya.

"Papa, Did you saw the sports car outside? That's mine!" excited na pagmamayabang nya kay Axus nang lumapit sya samin

Natigil si Axus sa pag-ngiti dahil sa narinig atsaka tumingin sakin pero nakaiwas na agad ang mata ko dahil ayaw kong makita ang lungkot sa mata nya.

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon