19

42 2 0
                                    

Chapter 19

Tulog na tulog na si Xavier kaya ang ginawa ko ay bumaba muna ko para ipagluto sya ng lugaw nang madatnan ko dun si kuya gelo na nainom ng beer.

"He's sleeping?"

Tumingin ako sakanya at tumango.
Nagsimula na din akong maghanda ng gagamitin ko sa pagluto madali lang naman lutuin ang lugaw kaya keri ko na magisa.

Napalingon ulit ako kay kuya dahil may biglang pumasok sa utak ko. Yung about dun sa sinabi ni Xavier kanina.

"Kuya, do you remember Axus?" takang tanong ko napalingon sakin si kuya and parang nagisip pa sya ng sandali bago tumango

"Why did you ask?"

"Nothing, Akala ko kasi hindi mo parin sya maalala" i answered habang naghihiwa ng luya

I know he's looking at me kaya nga wala akong balak na lingunin sya pabalik e.

"Axus is a good guy, Chanty" 
walang ganang sabi nya pero mas pinili ko nalang magbingi-bingihan

"He can treat you better, I trust that guy" dagdag pa nya

Medyo hindi ko gusto ang pinaparating nya kaya sumagot na ko kahit hindi ako nakatingin sakanya.

"Xavier is also your friend hindi pa nga friend kundi bestfriend, right?" iritang tanong ko saka sya tinalikuran para tignan kung nakulo na ba ang bigas na niluluto ko

"Yeah that's why i know him better than you. I guess wala pa sa tatlong buwan kayong naging magclose, Am I right?" sarcastic na tanong nya saka ngumisi ng matunog nang hindi ako nakasagot kaagad

He was right halos magdadalawang buwan pa nga lang kaming close ni Xavier and kailan lang naman sya nanligaw sakin wala pang 1 month. But I know Xavier changed for better.

"but he is no longer the Xavier you knew 11 years ago..So, Stop forcing me to reject him dahil hindi mo pa nakikita ang mga bagay na naging dahilan kung bakit ko sya nagustuhan" I said saka tumingin mismo sa mata nyang hindi nakapaniwala sa sinabi ko

Kahit ako nagulat sa lumabas sa bunganga ko pero nagpanggap nalang ako na hindi nagulat at tinapos nalang ang ginagawa nang hindi sya pinapansin.

"Bahala ka pero wag kang lalapit sakin na umiiyak dahil nasaktan ka ng lalaking yun" walang emosyong saad ni kuya saka naglakad palabas ng kusina

Napabuntong hininga nalang ako at tumitig sa lugaw na gawa ko habang hinahalo iyon. Parang nagtampo pa nga sakin ang kuya ko pero tama naman siguro ang sinabi ko... Nagbago nman na ata si Xavier hindi na sya yung katulad ng dati na mahilig mangbabae.

Umakyat na ulit ako sa guest room dala ang lugaw na ginawa ko at nagdala narin ako ng gamot at tubig. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko syang nakasandal sa may uluhan ng kama at nagce-cellphone napaigtad pa nga sya ng makita akong pumasok sa kwarto.

"What's that?"

Nilapag ko yun sa bedside table at tinignan sya ng masama dahil pakiramdam ko may tinatago sya sakin. Jusko kapag talaga babae ang kausap mo patay ka sakin!

"Patingin ng phone mo" masungit na sabi ko pero nawalan agad yun ng bigla nyang inabot ang phone nya sakin

"Here, wow you cook for me"
excited na sabi nya saka inayos ang small table sa kama bago nya inayos ang tray sa ibabaw nito

Habang ako nakatanga lang na nakatitig sakanya dahil parang wala syang pakealam na kinuha ko ang phone nya. Napangiti nalang ako at inilapag ang phone nya sa nightstand. Umupo ako sa gilid ng kama saka sya tinitigan habang nakain nang mapansin nya ko.

"Akala ko ba hihiramin mo phone ko?" takang tanong nya saka muling kinuha ang phone nya at inabot sakin nang dahil dun ay biglang umopen ang lockscreen nya

Nanlaki ang mata ko dahil sa lockscreen nya. Picture ko yun habang nakangiti sa camera at hawak ang kamay nya. Ito yung nagdate kami sa Tagaytay.

Nilingon ko sya na nakangiti na pala sakin habang nasubo ng lugaw. Feeling ko mas lalo akong nainlove
dahil sa mga ngiti nya at sa ginawa nya.

"Ang ganda mo"

Medyo nagulat pa ko pero mas lumamang ang kilig ko hindi ko na tuloy naalala na may sakit pala sya kaya ayun nahampas ko sa sobrang kilig.

"Siraulo ka talaga!" natatawang sabi ko saka pabiro syang inirapan

"And gleza chatted me about the outing this sunday? Kasama ba dun ang kuya mo?" he asked

Oh so gleza still decided na isama sya kahit sinabi ni kuya na hindi pwede... besties nga tayo!

"I don't think so, may appointment ata sya nun sa therapist nya" nakangusong sagot ko dahil hindi naman ako sure kung may appointment nga sya

"Are you going?" dagdag na tanong ko he looks at me saka ngumiti

"Of course, I want to spend my summer with you" he said medyo natawa pa nga ko kasi summer na summer pero biglang umulan ng malakas it's just so weird.

"May lagnat ka pa ganyan na agad iniisip mo, magpagaling ka na muna" pabirong sungit ko sakanya
habang sya ay natawa nalang at tumango

Sunday na......

And I'm still frustrated dahil kuya is joining us, Wala pala syang appointment ngayon and for sure hindi alam ni Xavier yun dahil last minute na nagsabi sakin si kuya na sasama sya. Gusto ko nalang talaga iwanan si Kuya at tumakas nalang para hindi na sya makasama.

"Faster, I'll take your luggage" sabi ni Kuya sabay abot ng luggage ko sya na rin nagbukas ng pinto para sakin

Susunduin pa naman sana ako ni Gleza but i told her na kasama nga si kuya at wag na nya muna sabihan si Xavier dahil baka mataranta yung isang yun.

"Why do you look so nervous?" masungit na tanong ni Kuya napasinghap ako atska mabilis na umiling

He doesn't believe me pero umiwas nalang din ng tingin. Tama wag mo nalang ako pansinin.

Nakarating na kami sa beach at of course gulat na gulat si Xavier when he saw my brother. Hindi tuloy sya makalapit sakin dahil kahit si kuya ay nagulat din na andito si Xavier.

"That's why you looks so nervous earlier, I get it!" nakangising sabi ni Kuya sabay lingon kay Xavier na nakayuko lang na nakasandal sa sasakyan nya habang nakapamulsa

I hope this outing goes well even though it looks like two people are going to kill each other today.

Gosshhh naiistress ako sa nangyayari!!

===========

To be continued....

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon