CHAPTER 29
Naniwala sya....siguro?
Hindi na ulit kami nagkitang muli ni Xavier after that day, maybe naniwala sya sa kasinungalingan ko.
"Anak, masyado ka ng nagpapakapagod sa trabaho mo wala ka ng halos oras sa anak mo" sermon sakin ni mommy
Nakita nya kasi ako kanina na busy sa pagiisketch. Tapos na ang connection ko kay Ms. Suarez and ibang client na ang ginagawan ko nito. She invite me to their wedding but i refuse, I don't want to see Xavier there.
Hindi pa ko ulit handang makita at makausap sya saka hindi naman kami masyadong close para pumunta dun.
"Last one na to mommy, I plan to close my shop permanently" mahinang tugon ko kay mommy
Hindi ko man sya nilingon ay alam ko ang gulat nyang expression. Totoong pinlano ko ng isarado or ibenta ang shop na yun simula nang mag 2 years old si Altius, I just want to stay focused on my son lalo na ngayon at nagaaral na sya balak ko nalang gumawa ng cosmetics and skin care products dahil mas uso yun ngayon.
"Pero bakit? Alam ko kung gaano mo kagusto ang profession na yun, So why did you choose to let it go?" nagaalalang tanong nya sakin
Napabuntong hininga ako at nilingon si Altius na naglalaro sa garden kasama ang lolo nito.
"Dahil napapagod na ang kamay ko kakaguhit, gusto ko naman ng ibang pagkakakitaan na pwedeng nasa bahay lang para lagi kong kasama ang anak ko" nakangiting sagot ko at nilingon si mommy na naluluhang nakatingin sakin
"Isa ka na ngang tunay na ina, mas inaalala mo na ngayon ang mararamdaman ng anak mo kesa sa sarili mo, But don't think na dahil mommy ka na ay wala ka ng karapatang magsaya... Anak, altius needs a father bakit hindi mo nalang patusin si Axus? He's a good man" malambing na tanong nya
I sighed. "Axus is just a friend of mine. Besides, I don't see him as my husband for the rest of my life"
Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni mommy bago sumagot.
"you don't see him because your eyes are still on someone else, you're still waiting for that person to notice you, you're still waiting for him to chase you. Chantria, try to look at the person who is ready to love you even if you already have altius" nangungusap na sabi ni mommy atska ngumiti sakin
Napayuko nalang ako dahil tama sya, kahit nagsinungaling ako kay Xavier alam ko sa sarili kong nagaantay lang akong suyuin nya, nagaantay lang akong habulin nya.
"Mommy, I want to sleep"
Binaling ko ang atensyon ko kay Altius na nagpupungay na ang mata. Napagod ata sa pakikipaglaro kay daddy. Kinarga ko na sya at tinanguan si mommy bilang senyas na aakyat ko muna ang anak ko sa dati kong kwarto.
Inilapag ko si Altius dun at kinumutan ng maayos. Akala ko ay tuluyan ng nakatulog ang anak ko nang biglang dumilat ang mata nya at tumingin sakin ng mahinahon. Ang matang yan ang nagpapaalala sakin ng nakaraan ko, yan ang nagpapaalala sakin na hindi lang ako ang may karapatan sakanya.
"Mommy, I know this is hard for you but i want to meet him" mahinang sabi nya na nagpalaki ng mata ko never nyang nirequest sakin ang bagay na to kaya sobrang gulat ang nararamdaman ko ngayon
"I want to meet my Dad..The real one" dagdag nya bago tuluyang pumikit at nakatulog
Nakatulala akong napahawak sa bedside table dahil sa narinig ko mula sa bibig ng anak ko. Bakit naman nya na mention ang tungkol sa daddy nya...Narinig ba nya ang usapan namin ni mommy kanina?

BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceChantria Avery Castillo hates the guy name Xavier Alphard Salzedo her brother's bestfriend. She hates the thought of living with him but that's the part of his conditions. She hates him for being fckboy and living with him in the same house. But th...