CHAPTER 26
5 YEARS LATER.....
Nagluluto ako dito sa kusina para sa almusal ng anak ko dahil papasok pa sya sa daycare.
"Mommy, if i get a stars will you let me eat sweets?" rinig kong tanong ng anak ko sa may likuran ko nakabihis na sya at magbre-breakfast nalang dahil maya maya ay dadating na ang school bus nya
"Yes but just one, understand?"
Bumusangot sya at muling nagsalita. "One star, One candy po dapat" natawa nalang ako at napailing
Masyadong mareklamo ang anak ko manang mana sakin, Nilapitan ko sya at pasimpleng kinurot ang pisngi.
"No, mamaya punuin mo ang dalawang braso mo ng stars e" natatawang sabi ko kita naman sa muka nya ang pagkabuko kaya lalo akong natawa
Mukang nalaman ko ang pinaplano nya.. ginulo ko ang buhok nya at kiniss sa pisngi.
"Ito nalang, if your dentist said na healthy ang teeth mo then you can eat sweets" nakangiting sabi ko napanguso naman sya at umiwas ng tingin sakin
I know how much he hates to see his dentist at may schedule sya dun bukas. Hinawakan ko ang pisngi nya at pinaharap sakin.
"You need that para malaman natin kung allowed ka na bang kumain ng candies and ice cream" malambing kong sabi habang nakatingin diretso sa mga mata nya
"but what if I'm still not allowed to eat sweets?" nakangusong tanong nya na nagpangiti sakin
"Just think positive, Altius" I said at hinalikan ang ulo nya
Binigyan ko na sya ng almusal dahil baka abutan nalang sya ng school bus ay nagkwekwentuhan pa kami. Inayos ko na din ang baunan nya at nilagyan yun ng biscuits and fruits, naglagay din ako ng delight and water.
Natapos sya agad and since wala pa naman ang school bus ay pinagtoothbrush ko muna sya. Maya maya lang din ay narinig na namin ang busina ng bus buti nalang din ay kakatapos lang magsepilyo ng anak ko.
Hinatid ko na sya sa tapat ng gate at hinalikan. "Enjoy your day, Anak! Don't make your teacher mad, okay? wag pasaway" bilin ko habang pinanunuod syang pumasok sa loob ng bus.
"Bye mommy!"
Kumaway ako hanggang sa hindi ko matanaw ang bus na sinasakyan nila. Nakangiti akong pumasok sa bahay nang magring ang phone ko. It's Hannah.
I answered it since hindi naman sya natawag ng walang dahilan. By the way machika ko lang sainyo Hannah is a mom now 2 years old ang panganay nya and she's 4 months pregnant. Napangasawa nya ang manliligaw nya before kung natatandaan nyo. She's still want to work with me hanggang sa mag six months ang dinadala nya. Although sinabihan ko na sya na magwork from home nalang.
"Hannah? Why?"
"Maam, may VIP po tayo na nagpa-appointment...Do you want to see the client's name?" I don't know kung boses kabado ba sya or what medyo ngarag kasi ang boses nya e
"I'll see it later, papasok ako today since wala si Altius maboboring lang ako" sagot ko habang naakyat sa hagdan.
"Okay maam, See you nalang po mamaya" sagot nya at sya nadin ang nagbaba ng call na dapat lang talaga dahil sya ang tumawag echos.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceChantria Avery Castillo hates the guy name Xavier Alphard Salzedo her brother's bestfriend. She hates the thought of living with him but that's the part of his conditions. She hates him for being fckboy and living with him in the same house. But th...