17

45 2 0
                                    

Chapter 17

Halos 5 days na naming kasama si Kuya sa mansion and halos 5 days narin akong hindi nauwi sa bahay ni Xavier, wala din naman sya dun since umalis sya diba?

Wala pa masyadong naaalala si Kuya pero sobrang lapit parin talaga namin sa isa't isa, ni hindi na nga kami mapaghiwalay nila mommy kasi kahit may work ako ay sinasama ko si kuya.

"Hannah, Stop staring at my brother!" pabiro kong suway kay Hannah dahil kanina pa nya tinititigan ang kuya ko.

Yumuko naman si Hannah habang namumula napahiya siguro kay Kuya, Habang ang kuya ko naman ay seryoso pa ding nagbabasa sa gilid. I don't know kung ganyan din sya sa baryo na pinagtirhan nya before or ganito lang sya kasi wala pa syang tiwala sa mga taong nasa paligid nya?

"Excuse me po, May pinapasabi po sakin si Mr.Salzedo na may dinner daw po kayo mamaya" sambit ni Hannah and i was about to talk when my brother interrupt me.

"Who? Did I agree?"

Natanga ako sa narinig ko, dahil ngayon ko nalang ulit nakita si kuya na nagiging istrikto pagdating sa lovelife ko. He looks so serious na hindi man lang ako nakapagreact. I don't have a choice kundi tanggihan ang gusto ni Xavier.

Akala ko hindi na mauulit ang ganung pangyayari pero nagkamali ako dahil sumabat ulit sya nang marinig ang call namin ni Xavier. Lagi syang nakabakod sakin kapag andyan na si Xavier, And medyo naiinis na din ako kasi parang tinuturing nya parin akong 11 years old.

Nasa kwarto ako ngayon and naguusap kami ni Axus sa Online and he was shocked to know that my brother is alive, hindi ko nga alam kung bakit bigla syang nataranta and inend ang VC namin. Naguusap din kami ni Hannah because hindi ako papasok today since may plans ako.

Balak ko na kasing bumalik dun sa bahay ni Xavier since we have a deal. Gusto ko din kasi syang makita kahit nanliligaw palang sya ay para na rin kaming magcouple kung magusap. Nagchat sya kanina na pupunta sya dito para personal na sabihin kila mommy na nanliligaw na sya sakin. Medyo kinilig ako sa part na nagkukusa sya.

Naligo na ako and nagayos dahil mayamaya ay darating na si Xavier kailangan maganda na ko bago pa sya dumating. Tumingin pa ko sa salamin bago bumaba at hindi na ko nagulat ng makita si kuya na nakaabang sakin sa may ibaba ng hagdan. Tinignan nya ng may pagtataka ang suot kong white dress and white sandals.

"San punta mo?"

Pasimple akong umiwas ng tingin dahil medyo nakaramdam ako ng hiya kasi never ko naman akong nagsuot ng dress pagandito ako sa bahay. Kinagat ko muna ang labi ko bago sumagot...

"Dito lang po" sagot ko atsaka sya nilagpasan at naupo sa sofa.

Ilang minuto lang ay tumunog na ang doorbell na galing sa labas pero bago pa ko makatayo ay nauna na si Kuyang magbukas ng pintuan. Napalunok ako nang nilingon nya ko pabalik nang makita kung sino ang nasa likod ng pintuan.

"I'm here for Chantria"
mahinahong sabi ni Xavier at maliit na ngumiti nang makita nya ko sa likod ng kuya ko

"She's not going with you" sabi ni Kuya and I honestly don't like it feeling ko sumabog na ko kaya hindi ko na napigilan na sigawan si Kuya

"Kuya, I'm not a child anymore! I know the difference between wrong and rights" inis na bulyaw ko halatang nagulat silang pareho sa inasal ko pero kasi hindi na maganda ang ginagawa nya, He's blocking my happiness.

"What are you talking about? I already warn you to stay away from him" ganting sagot naman ni kuya pero tinignan ko lang sya ng masama

"He's your bestfriend! Paano mo nasasabing layuan ko sya mismo sa harapan nya?" naiinis na bulyaw ko dahilan para mapalabas ng kwarto si mommy na nagulat sa nangyayari

"Dahil isa syang playboy diba? Yun ang dahilan kung bakit gusto kong layuan mo sya dahil sasaktan ka lang nya!"

Natulala ako dahil sa narinig ko dahil tama naman si kuya na playboy si Xavier pero nahulog na ko sakanya at hindi ko na yun mapipigilan pa!

And I think nagkakaprogress na sa medication ni kuya dahil nakikilala na nya si Xavier and I think sunod na ang mga memories namin together.

"Xavier! Alam naman na siguro ni Chantria ang limitations nya stop treating her like a baby" suway ni Mommy skanya hindi naman makapaniwala si Kuya sa sinabi ni mommy

"But she's still my sister, Mom"
naiiritang ganti ni Kuya

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Xavier na nakatingin din pala sakin na may pagaalala sa mga mata nya. Tumikhim sya at tumingin kay Kuya na nasa akin din ang tingin mabilis akong umiwas dahil medyo nagtatampo ako sakanya.

"I've changed. Simula nang mawala ka 11 years ago, I protected Chantria because that's what you told me before you left for the competition" seryosong sabi ni Xavier nang hindi manlang nagbabago ang reaction nya

Kuya smirked and tsked.

"Ayun na nga e, I just told you to protect her not to love her"

Kita ko ang gulat sa mata ni Xavier na mabilis din namang nawala. Nagsalubong ang kilay nya na tila may hindi sya nagustuhan sa sinabi ni Kuya.

"But you know how much I admire your sister, Gelo! You know how much i want to be with your sister!" madiin na sabi nya saka tumingin muli sakin hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko
sa natuklasan

Bigla napahawak si Kuya sa ulo nya at nagumpisang umaray. May na trigger ata sa kanya kaya nanakit ang ulo nya.

"K-kuya..."

"G-gelo, Anak" si Mom

Mabilis namang tumawag ng private doctor ang isa sa kasambahay namin habang si kuya naman ay nakahiga na sa sofa bed. Tinulungan kami ni Xavier na dalhin sya dito kahit pilit na winawaksi ni kuya ang kamay nya.

Dumating naman agad ang private doctor para tignan si Kuya. Tinanong niya kung ano ang mga naaalala nya and he told her everything kasama na dun ang mga memories naming apat nila mommy and daddy, at ang huli nyang sinabi ay ang nagpakaba sakin.

"Before my competition, I texted Xavier na gusto ko syang makita because i want to tell him something, When he got to my condo i told him to protect my sister and he promised." he said at lumingon kay xavier na nakayuko lang sa gilid habang hawak ang noo.

Why he look so nervous?

"Inamin nya din na gusto nya ang kapatid ko, but i told him na hindi ako makakapayag sa gusto nya because i know his agenda. Alam kong gusto lang nya ikama ang kapatid ko and I won't allowed it! We almost had a fight pero nagdabog lang sya paalis and i heard him whispering" huminto muna sya at tumingin sa mga taong nasa paligid nya and i felt so nervous nang sakin huminto ang paningin nya.

"He said. "I'll do everything to make her mine, kahit pa ikasama ko sa mata nya" that's all I remembered" sabi ni kuya at masama syang tumingin kay Xavier

Habang ako ay hindi makapaniwala sa narinig, Ano ang ibig sabihin ni Xavier na kahit ikasama pa nya sa mata ko?

Sino ka ba talaga Xavier? Ano ba talaga ang agenda mo sakin? Bakit parang nawala ang tiwala ko sayo? 

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon