5

62 3 0
                                    

5

Halos sabay lang kaming dumating na dalawa kaya nagkasalubong din kami sa garage medyo naiilang ako sakanya pero sya ay masalahing makapal ang muka lumapit ito sakin at sa gulat ko ay pinunasan nya gamit ang hinlalaki nya ang gilid ng labi ko kung san ako pinunasan ni Aries kanina.

"A-anong ginagawa mo?"
gulat na tanong ko but he just pout and walked away nakanganga akong nakatingin sa dinaanan nya

Napahawak ako sa gilid ng labi ko at wala sa sariling napangiti. Bat ako kinikilig sa pagpunas nya? Ibang iba sa naramdaman ko nung pinunasan ako ni Aries kanina.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kusina dahil medyo nagugutom na ko dahil kape at tinapay lang naman ang kinain ko. Naabutan ko si Xavier na nakasuot ng apron at naghihiwa ng gulay habang nakanguso na parang nagtatampo.Si manang ay nakatayo lang sa gilid at inaalalayan sya. Ano bang nakain nitong lalaking to bat ang weird naman nya masyado?

Napailing nalang ako at piniling maligo nalang muna para diretso tulog nalang ako pagtapos kumain.
Bumaba na ko pagkatapos kong magayos at tumungong kusina mukang handa na ang pagkain pero wala si Xavier tinignan ko si Manang para tanungin ng may magsalita sa likod ko.

"Let's eat"

Naamoy ko ang bagong ligong amoy nya kaya napalingon ako sa kanya  nakasandong puti at short na itim lang sya kaya medyo napaiwas ako dahil sa laki ng biceps nya.

"It looks delicious"
sabi ko habang nakatingin sa mga lutong ulam sa harap ko i heard him clearing his throat pasimple akong napangiti at kumuha ng prinitong manok. Pinagsandukan din ako ni Manang ng sabaw.

Tinikman ko muna ang sabaw at napaangat ang tingin ko kay Xavier dahil hindi man kasing sarap ng luto ni manang ay edible parin naman. I smiled at him but he just look away mayroon sa parte kong nasaktan sa pagiwas nya sakin.

Did I do something wrong?

Nagsimula na kaming kumain at walang nagbabalak basagin ang katahimikan kahit gustong gusto ko ng itanong sakanya kung bakit sya umaktong ganun kanina hindi ko magawa baka kasi bigla nya kong salaksakin ng kutsara sa bibig kapag nagsalita ako.

"What is it?"

Tila nabasa nya ang nasa isip ko kaya napatikhim ako at tumingin sakanya and i was startled when i saw him looking at me seriously.

"A-ano?"
kabadong tanong ko saka muling yumuko para kumain nang magsalita ulit sya dahilan para mabulunan ako buti nakainom agad ako ng tubig.

"It's that how you flirt? That guy isn't attractive at all, who's that anyway?"

Nakataas ang isang kilay nya nang iangat ko ang mata ko sakanya. parang naiinis ang reaction ng muka nya pero agad nawala yun nang umiwas sya ng tingin.

"I-i'm not flirting with him and he's just my b-" he cuts me off and said

"Whatever, Let's just eat"
nagtatampong sabi nya

May naiisip akong imposible pero wala namang masama kung itatanong ko skanya diba?

"Are you jealous of him?"
I almost covered my mouth dahil nabigkas ko ang dapat na sa isip ko lang sasabihin.

Matunog syang ngumisi. "I can get a girl in just a blink and you're not my type"he answered and stood up sinulyapan ko ang pinggan nya halos kalahati palang ang nakakain nya habang ako ay patapos na. Anong akala nya gusto ko sya? Ano sya gold? 


Dumaan ang ilang araw na cold ang treatment sakin ni Xavier at hindi ko alam kung bakit feeling ko kasi may nagawa akong masama kaya ayaw nya kong pansinin. Ano naman kaya ang pwede kong magawang kasalanan? Dahil ba hindi ako nakakatulong sa mga gawaing bahay? Or sadyang meron lang sya kaya wala lagi sa mood?

Chasing Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon