Chapter 7

959 22 3
                                    

"Ate paano na tayo?"

Being the oldest child is so really hard, ikaw ang kailangan sumalo sa lahat ng pasakit ng pamilya nyo and also ikaw rin ang tatayong magulang para sa mga kapatid mo.

"Magiging okay tayo, hmm?" pagpapa lumbang loob ko sakanya "Kumain muna tayo" sabi ko sakanya at pinaupo sya sa lamesa para kumain

Hinain ko yong mga pinamili kong takeouts kanina medyo marami dahil akala ko, andito si mama. Napansin ko naman na nagtataka sya

"Ate saan ka kumukuha ng pera? Hindi ka naman laging pinapadalhan ni mama at papa" tanong nya at nakatayo parin

"Alam mo yong sinulat kong libro dati diba?" tanong ko sakanya at tumango lang sya "Naging patok ulit kaya naka tanggap ako ng sweldo, kaya umupo kana at kumain na tayo" hinila ko sya paupo

Mawala na ang lahat wag lang si Syrus. Kaya kong ipagpalit ang lahat ng bagay kahit mga magulang ko payan. Hindi naman silang naging mabuting ina at ama samin, pero isang sabi lang nila na nagsisi sila ewan ko at biglang lumalambot ang puso ko para sakanila.

"Papasok kana bukas?" tanong ko sakanya

"Oo, 1 week excuse lang naman sinabi ko" sabi nya habang ngumunguya "Maghahanap nalang ako ng part-time job ate, para matulongan kita sa mga bayarin"

"Hindi, mag focus ka sa pag-aaral" sabi ko sakanya at dinuro sya gamit yong kutsara "Kaya ko, wala kabang tiwala sakin?"

"Hindi naman sa ganon ate, ang para sakin lang ay-"

"Wala nang pero pero, pag sinabi kong hindi hindi. Mabuti nga at atin itong bahay eh kaya kaunti nalang ang mga kailangan na babayaran" sabi ko at tinitigan ang boung bahay binili ito ni papa dati kaya amin nato "Ang gagawin molang ay ipapakita mo sakin na matataas ang grades mo at hindi napapa away gets?"

Tumango lang ito, nang matapos kaming kumain si Syrus na ang nag hugas ng mga pinagkainan namin kaya tinapos kona lahat ng homework ko after non ginawa ko narin and night time routine ko tsaka humilata sa higaan ko. Napag pasyahan ko na mag scroll muna sa social media para pampa antok

Naalala ko na hindi ko pa pala na c-confirm si Kyle kaya agad ko nang inaccept at maya maya naka tulog nako.

"Mall tayo mamaya"

"Can't go" sabi ko habang nagsusulat

"Bakit? May lakad ka?" tanong ni Jin

"May meeting mamaya sila Syrus need kong umattend" sabi ko

"Bakit ikaw aatend? Saan si tita?" tanong ni Nicole

Hindi ako naka sagot ng marinig ang tanong ni Nicole, sinabi ko na sakanila kung anong sitwasyon ng buhay namin ngayon ni Syrus.

"Ano ba naman yan si tita, bakit nya kayo iniwan?" iritadong sabi ni Angela

"Tsk ano ba gela. So paano na kayo ni Syrus?" worried na tanong ni Jin

"Hahanap ako ng paraan. May alam ba kayong trabaho na pang part time lang?" direktang tanong ko

Nagkatitigan naman sila at umiling

"Sorry Shan, pero pag naka hanap kami sabihan ka namin" sabi ni Nicole

Napasinghal nalang ako "Punta muna ako sa library" paalam ko sakanila agad naman silang tumango at kitang kita sa mga mukha nila ang pag aalala

Nang maka pasok ako ng library kumuha lang ako ng libro at umupo sa pinaka dulong lamesa na katabi ng bintana, mas tahimik dito kaya peace of mind talaga ang makukuha mo rito. Nilabas ko muna ang laptop ko at nag search ng part time job. May mga iba na hindi tumatanggap ng high school student, anong masama don as long as kaya namang gawin ng tao okay na yon ah. Mga mindset talaga ng mga human na toh.

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now