"Pwede ba Amanda, tama na"
"Hindi ka aalis, Philip. Ano iiwan mo kami ng mga anak mo para sa babae mo?"
My parents are fighting again, wala nang nagbago kung dati ay paminsan minsan lang, ngayon ay inaraw araw na nila. My mother said that my father had a mistress and always it is pregnant.
"Boung buhay ko naniwala ako, hindi pinaniwala nyo sakin na ako may gawa ng krimen na yon?"
"Sino nagsabi sayo nyan, naniniwala ka sa ibang tao kesa sakin na asawa mo?"
"Sa papel Amanda. Sa papel lang kita asawa"
"Sige iwan mo kami ng mga anak mo. Hayaan mo kami magdusa"
And my dad left, we didn't even see him for a long time. Siguro masaya na sya new family nya.
૮₍ ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶ ₎ა
Pumasok ako ng bahay at agad nilapag ang bag ko sa sofa namin tsaka hinarap si papa
"Bakit andito ka?" matapang na tanong ko
"Tinitignan ko kung, maayos ba ang kalagayan nyo nang malaman ko na iniwan kayo ng mama nyo" mahinahong saad nya
"Oh ngayon na nakita mo na ang kalagayan namin, ayos naman kami. Umalis kana"
"Ate!" pasigaw na sabi ni Syrus at lumapit kay papa "Pakinggan mo muna kasi si papa, huminahon ka pwede ba" ani nya at pinaupo ako sa upuan na kaharap ni papa
Suminghal lang ako at pinagkrus ang dalawang braso "Anong kwento nanaman ba ito?"
"Shantel anak, pumunta ako dito para makipag ayos sainyo. Hindi ko ginusto ang pag iwan sainyo dati" ani ni papa
"Anong hindi ginusto? Nangyari na ang mga nangyari" sabi ko while laughing sarcastically
"May rason ako bakit ko ginawa yon. Sapilitan ang relasyon namin ng mama nyo"
Doon nakuha ang attention ko at tumingin sakanya ng seryoso "Paanong sapilitan?"
"Sinisi nila ako sa krimen na hindi naman ako ang may gawa, sinabi ng ama ng mama mo na kapag pinakasalan ko ang mama nyo tutulongan nyako na makaligtas sa kaso nayon. Kaya pumayag ako pero nang malaman ko na hindi pala ako ang may gawa, doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis na. Pero hinanap ko kayo dahil gusto ko kayong kunin ni Syrus" mahabang kwento nya
"Kung hindi ikaw ang may gawa, sino?" seryosong tanong ko "At sino ang namatay?"
"Ang tito Samuel nyo, nagpakamatay sya dahil pinaghiwalay sila ng taong mahal nya" malungkot na sabi ni papa
"Eh bakit sayo sinisi?" nag aalalang tanong ni Syrus
"Dahil nagkaroon kami ng away ng tito nyo bago mangyari yon. Kaya sinasabi nila na ako daw ang may gawa" paliwanag ni papa
Natahimik naman ako sa mga oras na to hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko bakit nila nagawa kay papa yon.
Medyo lumalim narin ang gabi at hinihintay na si papa ng pamilya nya. We don't have a choice kahit gusto namin makasama sya eh wala dahil may pamilya sya.
"Kung may oras kayo, gusto ko sana ipakilala kayo kay Tita Alora nyo" ani ni papa ng maihatid namin sya sa labas, dala nya ang kotse nya
"Titignan po namin" mahinang sabi ko
Nahihiya nako sakanya ewan ba kung bakit, siguro dahil nagalit ako sakanya dahil sa isang bagay na hindi naman sya ang may gawa. Niyakap sya ni Syrus, nakatingin naman sila sakin at niyaya ako na sumali sa yakapan nila. Wala nakong nagawa kundi sumali.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...