"Found you.."
Hindi parin ako makapaniwala sa taong nasa harap ko ngayon. I'm not hallucinating right? I can't stop myself to be emotional.
"Oh shit! Are you crying?," hindi siya mapakali dahil naluluha na ako sa mga oras na ito.
Pinunasan ko ito at tinignan siya ng masama.
"Ginagawa mo dito?," inis na tanong ko.
"I'm here for you." sagot niya habang sinusundan ako.
"Pagkaka alam ko, kinakalimutan mo na ako."
"What?,"
"You didn't contact me for almost a day. Malay ko bang may babae ka."
"Shan." sambit nito at hinawakan ako.
Hindi ko parin siya tinitignan ng maayos, kaya naman natawa siya.
"Love. Sorry."
Hindi ko mapigilang ngumiti sa pagtawag niya sakin. Sarap sa ears e.
"Oo na, tara na."
"To where?," takang tanong niya.
"Ipapakilala kita kay Tita."
Dumating kami sa kwarto ni tita at nakita ko itong nagbabasa nanaman. Nong una ay ayaw pa pumasok ni Kyle pero pinilit ko.
"Tita may bisita." napukaw naman non ang atensyon ni tita.
"Oh sino 'tong pogi na bata?," tanong agad ni tita.
"Boy... Fiancé ko po." parang sirang sabi ko.
Natawa naman ako sa reaksyon nila tita at Kyle dahil hindi rin nila inaasahan yon.
"Huh? Bakit biglaan?," takang tanong agad ni tita.
"Eh nag propose sa akin sa daan. Naawa ako kaya sinagot ko na."
"Shan!" rinig ko ang pag ka irita ni Kyle sa nangyayari ngayon.
"Biro lang tita soon pa. Si Kyle pala boyfriend ko." pag ayos ko ng pagpapakilala kay Kyle.
"Good noon po. How are you po?,"
Natawa ako sa pagsasalita ni Kyle ang plastic ah. Pinaupo siya ni tita sa tabi nito. At ako naman ay inaayos yong mga pinamili ko para makakain na kami. Since nandito naman na si Kyle sabay sabay na kami.
"Shantel." tawag sa akin ni tita habang sinasalin ko ang kape niya sa tumbler niya.
"Po?,"
"Bakit hindi mo sinabing pinsan pala ng boyfriend mo si Kevin?," inis na sabi ni tita.
"Hindi ba halata? Pag tinanggal mo ang salamin ni Kevin, mag kamukha talaga sila." sabi ko.
"Does Shantel and Kevin are too close here on France?," natigilan ako ng tanongin yon ni Kyle kay tita.
Lumapit naman ako sa kanila para ilapag ang mga pagkain namin.
"Anong trip mo? Bakit kay tita mo tinatanong?," natatawang tanong ko.
"Nothing I'm just making sure na...,"
"Na ano?,"
"Na walang sabit." pagpapatuloy niya.
Inabot ko naman siya at piningot ang tenga niya. Parang sira eh baka isipin ni tita lalakero ako.
"Wag mo nang pansinin yan tita, baliw yan e. Katulad ni Nevan." natawa naman si Kyle sa sinabi ko.
"How's life iho? Anong pinagkaka abalahan mo?" panimula ni tita habang kumakain kami.
"I'm a general surgeon po sa hospital kung saan din po nag ttrabaho si Shantel." paliwanag niya.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...