Chapter 41

561 12 5
                                    


"Ma'am hanggang dito na lang po kayo"

Sinugod namin kaagad si Kyle sa ospital dahil maraming dugo na ang nawawala sa kanyang katawan. Hindi ko na alam ang mangyayari sakin pag may masamang nangyari sa kanya.

Naka upo ako ngayon sa labas ng operating room, naghihintay kung kailan matatapos ang operation. Pasunod na rin sila papa dahil agad akong sumakay sa ambulansya kung saan isinakay si Kyle.

Bakit ba siya sumunod?

Kung sana nanitili siya sa kanila edi sana hindi 'to mangyayari sa kanya.

Napaka tanga ko!

"Ate!" si Syrus na patakbong pumunta kung saan ako naka upo

I looked at him with no emotion on my face. I don't know what I'm going to do with everything that's happened now. I'm tired......

Why my happiness doesn't last so long with me... Why do I need to be a good person when I'm in trouble or when I'm in trouble?

"Ate duguan ka din, bakit nakaupo ka lang dito? Nurse!" pagpapa alala niya sakin at saka tinawag yong nurse

Agad naman lumapit samin ang isa sa mga nurse na naka assign malapit kung nasaan kami.

"Duguan siya, nabaril ang braso niya. Pwede bang gamutin niyo ang ate ko" paliwanag ni Syrus dito

Tumakbo naman ang nurse papunta kung saan, pagbalik nito ay may dala na itong bimpo at agad na inilapat yon sa braso ko kung saan natamaan kanina.

"Maam kailangan po ninyo sumama sakin sa isang patient room para po ma lagyan po kayo ng some fluids" paliwanag ng nurse sa akin

"Ate tara na, para hindi na mag alala sila mama Alora at papa" Syrus said with a hint of concern on his face.

"Kailangan kong hintayin dito si Kyle" giit ko

"Ate maiintindihan ni kuya Kyle na kailangan mo din ng treatment, both of you need to treat"  paliwanag sakin ni Syrus

Wala na akong nagawa at pumayag nalang, dahil alam ko na hindi matutuwa si Kyle na makita akong ganito.

 

"Done, you need nalang po to eat something to prevent hunger okay?" paalala sakin ng nurse

Naiwan akong mag isa rito dahil bumili si Syrus ng pagkain namin. Sila papa nasa police station pa, naka palit narin ako ng patient pajamas.

Medyo natagalan si Syrus kaya naman nainip ako, lumabas muna ako ng kwarto at napansin ko na may lalaking hindi mapakali parang may hinahanap na ano. Naka sout yon ng white long sleeve dress polo at black pants na may naka sabit pa na itim na bag.

Tatalikod na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Shan?" agad ko iyon nilingon at nakita si Kevin na pawis na pawis at agarang tumakbo sa akin.

He immediately grabbed me as soon as he approached me.

"I heard something bad happened to you and Kyle. Are you okay? Kyle, where is he? Is he okay?" sunod sunod na tanong nito sakin

"Okay lang ako si Kyle nasa operating room pa. Sa kanya tumama yong bala ng baril. Kasalanan ko 'to" naiiyak na saad ko pag na aalala ko ang mga nangyari  kanya

"Shhh~" He immediately hugged me and brushed my hair, para bang pinapatahan ako "It wasn't your fault. You're both victims here"

Ilang minuto ay bigla ko namang nakita ang mga magulang ni Kyle kasama si Kalare at ang ate nila.

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now