"Sya nga pala balita ko dumating na si ma'am Nezera ngayon ah" panimula ng usapan ni ate Claira
Medyo unti nalang ang mga costumers dahil pagabi narin, kaya naman chill lang kami masyado. Umiinom din kami ngayon ng kape na gawa ni Kevin, galing talaga nya maging barista.
"Yeah, may inayos lang syang papers sa France" sagot ni Kevin at kumuha ng peanut cookies na kaka bake lang tsaka naman nya kami inabutan.
"Ah allergic si Shan sa peanut" agarang pigil sakanya ni ate Claira nang aabutan na 'ko ni Kevin ng cookie
"Really? I didn't mean it sorry" paghingi naman nya ng tawad kita sa mukha nito natataranta sya kaya naman natawa kami. "Wait me here" sabi nito at pumasok sa staff room
"Ganon na talaga si Kevin ayaw nyang nasasaktan ang feelings ng iba, okay lang na sya ang makaramdam non wag lang ang ibang tao" paliwanag ni ate Claira sakin
Agad namang lumabas si Kevin ng staff room na may dalang brownies at agad yon sinalang sa oven, nang maluto ito nilagay naman nya agad yon sa plato at inabot sakin.
"Careful it's hot, i baked it yesterday. Nagbaon ako sa school and hindi ko sya nakain" sabi nito at grabi ang hawak sa plato dahil mainit pa daw.
"May naaamoy ka bang isda, Claira?" biglaang tanong ni kuya Kairo
"Anong isda? May isda ba sa café"
"Boss!" takbo ni kuya Kairo pa lapit kay ma'am Nezera at niyakap ito "Miss ka na namin ng sobra" agad namang natawa si ma'am Nezera sakanya
"Namiss ko rin kayo, musta ang café may nangyaring problema ba?" tanong nito samin
"Nothing, the café is fine mom" sagot sakanya ni Kevin at kinuha ang mga gamit na dala ng nanay nito "Let me handle this"
"Ah lagay mo nalang yan sa table anak. Malapit na rin naman tayong magsara, kumain muna tayo" yaya ni ma'am Nezera samin
Naglinis muna kami ng café at para diretsong uwi nalang mamaya. Nilabas ni ma'am Nezera yong mga dala nyang pagkain. May adobo, fried chicken, at isang soup na hindi ko alam ang tawag pero ang bango nito mukhang masarap.
"Masarap yan, specialty ko yan" ani ni ma'am Nezera nang mapansin akong nakatingin doon
"Ano pong tawag dito?" tanong ko
"It's Bouillabaisse. It's a French fish soup,your not allergy to seafood right?" paninigurado ni Kevin
"Ah hindi ah mahilig ako sa isda" medyo awkward kong sabi, katabi ko sa upuan si Kevin kaya naman syang ang nagbigay ng pagkain sakin.
Agad ko naman yon kinuha at tinikman masarap nga talaga, tomato sauce ata yong ginamit dito.
"Masarap?"
Tanong ni ma'am Nezera kaya naman tumango agad ako, natawa naman sya sa reaksyon ko at sinabing kumain pa'ko. Naisipan ko rin pala na mag pa deliver nalang ng pagkain ni Syrus sa bahay dahil baka naka uwi na sya. Nag order lang ako sa mcdo ng kung ano ano.
Nang matapos kaming kumain naglinis na ulit kami, tinulungan ko narin si Kevin na mag tapon ng mga basura sa labas dahil medyo marami ito.
["Hi ate nag order kaba ng mcdo?"] tanong sa kabilang linya ni Syrus
"Oo kumain kana, pauwi narin ako maya maya"
["Thank you teh. Tawag kalang mamaya kung kailangan mo ng sundo"]
Sinagot ko lang yon at lumabas na para itapon ang ibang basura. Nagulantang naman ako nang makita ko si Kevin sa gilid na naninigarilyo. Paubos na iyon.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...