In the world of law, kailangan mong maging mabilis sa paghahanap ng ebidensya laban sa kalaban mo. Dahil kung hindi, ay hindi mananalo ang pinaglalaban mong karapatan.
"We need to talk to your father,"
Nasa isang café kami ngayon nag uusap tungkol sa kung anong gusto niyang gawin sa ingrata niyang stepmother.
"Hindi natin kaya, assistant at doktor niya lang pwedeng kumausap sa kanya," sabi nito.
"Kilala mo ba ang doktor niya? Baka mahanap natin at maka usap na papuntahin sa clinic ang papa mo,"
"Yeah that will do, let me contact dad's secretary,"
Bago pa man matawagan ni Venice ang gusto niyang tawagan ay pinigilan ko ito.
"Wag, baka hawak na yan sa leeg ng babaeng iyon. Humanap tayo ng paraan, baka may masabing pangalan ng doktor ang tita mo,"
After that conversation ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Venice baka busy nga talaga. While I'm walking pass sa isang convenience store, nakita ko naman si Nevan na kakalabas lang nito.
"Ginagawa mo sa labas? Gabi na a, tapos ganyan pa sout mo," bulyaw niya sa akin at sabay turo sa sout kong pajamas at jacket.
"Namili ako ng pagkain, teka umiyak ka ba?," takang tanong ko rito at tinuro ang mata niyang namumula.
"Hindi a, napuwing lang ako. Umuwi ka na baka mapa ano ka," sabi niya sa akin at tinutulak tulak pa ako.
Medyo nakaka layo na ako ng bigla akong may naalala.
"Bisungot pasabi kay Venice tawagan niya ako!," sigaw ko.
"Ikaw na kuma usap, ang awkward pag nagusap pa kami," sabi niya pabalik at tuluyan nang umalis.
Anong awkward? Girlfriend niya naman yon a. Baliw
Naglalakad ako pabalik ng unit ko habang kumakain ng ice cream na nabili ko sa grocery. Hindi naman kalayuan kaya naman nilalakad ko nalang.
["Ate saan kana? Sabi mo bibili kalang ng pagkain, tagal mo luto na yong ulam,"]
Tumawag sakin si Syrus dahil siya na mismo ang nagluto ng kakainin namin ngayong gabi.
"Pauwi na ssob, nasa park na ako katabi ng subdivision,"
Pinatay ko na ang tawag at naglakad, natigilan naman ako may nakita akong babaeng naka sout ng blazer na nakaupo sa duyan ng park. Napansin ko rin na may mga bagahe ito, naliligaw kaya 'to?
"Excuse me po, do you need any hel... Anak ng butanding, Venice ginagawa mo dito?," gulat na tanong ko ng makita ko kung sino iyon.
Inayos naman nito ang sarili niya at tumayo.
"I'm looking for hotel nearby but lahat fully book," sagot niya.
"Bakit? Anyari?,"
"Tita Margaret, seems she finds out lahat ng pina plano ko," sabi nito. "Kaya ayon pinalayas ako,"
"Alam ba yan ng tatay mo?,"
Agad naman itong umiling ng marinig. Tinignan ko naman siya at saka binitbit yong isa niyang bag. Dalawa ang dala niyang bagahe isang maleta at isang carry on na bag.
"What are you doing?," takang tanong niya at hinawakan ang kamay ko kung saan bitbit ko ang bag niya.
"Hindi pwedeng pabayaan kita rito no. Tara na may guest room pa sa bahay," sabi ko at naglakad papunta sa loob ng subdivision.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...