Chapter 17

735 13 0
                                    

"Good afternoon po everyone" bati ko kila ate Claira at kuya Kairo nang makapasok ako ng café

"Oh nak ang aga mo" bungad sakin ni kuya Kairo

Nag aayos pa kasi sila ng café, mukhang kakabukas lang nila.

"Maaga po dismissal today. Wala po ba kayong pasok?" tanong ko sakanya habang papunta ng staff room

"Wala kaming class today, kaya nag bukas nalang kami ng maaga" sambit ni ate Claira

Nagpaalam ako na magpapalit muna ako. Hindi ko na hinintay si Kyle dahil sabi nya gusto nya daw ako ihatid dito but sinabi ko na hindi dahil baka may daanan pako. Hindi narin nyako pinilit dahil ayaw nyakonh ma badtrip. Pero hindi parin mawala sa isip ko yong mga narinig ko kanina totoo bayon? Pero sabi naman nya ay umayaw sya pero baka may possibilities na ipilit parin yon ng parents nila.

Nang matapos akong magpalit napansin kong nagbubuhat ng mga boxes si kuya Kairo galing sa labas. Lumapit ako sakanya at sinabing tutulong ako. Pero sabi nya mabibigat daw pati, pumayag rin sya sa mga pamimilit ko sakanya. Tinuro nya sakin yong mga box ng mga cups dahil yon lang ang mga magaan. Pinag patong patong ko yong tatlong box na dahilan na matabunan ang mukha ko.

"Let me help you" may umagaw naman ng mga box na dala ko at dumiretso sa loob.

Agad akong napatingin kung sino yon, si Kevin bayon kaboses nya eh.

"Where should i put this?" tanong nya kay kuya Kairo

Agad naman lumaki ang mata ni kuya Kairo nang makita kung sino yon "Hoy Kevin anak, kailan kapa bumalik?" lumapit ito sa binata at agad niyakap

"Anong ginagawa nya dito?" bulong ko sa sarili

"Kailan kapa dumating?" tanon ni ate Claira mula sa counter may inaayos sya roon

"Last friday. I already finished my papers"

"Anong kinuha mong course?" rinig kong tanong ni kuya Kairo nang makalapita ako dahil may illalagay pako sa may pwesto ni ate Claira

"Legal Management " sagot nito at kita ko na napa ngiti ito.

Anong mayron sa genes ng mga Diaz at lahat sila magaganda at gwapo. Katulad nito tsaka yong mga nakilala ko na ibang pinsan ni Kyle sa mall, si ate Katarina, si Kalare at si Junette. Yeah may inis ako sa babae na yon pero i can't deny na maganda rin ito.

"Ah sya nga pala si Shantel. Isa sa mga nag t-trabaho dito" pagpapakilala sakin ni ate Claira nang makalapit sila kuya Kairo at sya sa counter.

"Afternoon" bati nito sakin, tumango lang ako at agad nag ayos ng mga baso

Parang hindi nya kasama si ma'am Nezera, siguro may inaayos parin yon. Napansin ko naman si Kevin na may dalang bag galing sa labas.

"Did you guys have lunch? Mom cook some let's eat. Wala pa namang tao" yaya nito samin at nilabas at nilapag sa isang table yong mga container na may masasarap na putahe. Mayrong shanghai, adobo at boneless fried chicken.

Hinawakan ako ni ate Claira at hinatak papunta sa gawi nila para daw makakain din ako. I sat in front of him. As in kaharap kolang sya, nakaka ilang parin na makasama ito simula ng malaman ko na isa rin syang Diaz. Bakit ba lapitan ako ng pamilya nila. Nilagyan nya ng pagkain yo g plato ko kaya agad akong nagulat, nagtaka naman sila ate at kuya pero ngumiti lang ako.

"May asawa ba si ma'am Nezera?" bulong ko kay ate Claira habang kumakain kami. Uminom ako ng softdrink dahil na ramdam ko na parang kumakati yong lalamunan ko

"I'm adopted" sagot ni Kevin habang kumakain parin.

Agad naman akong na sinok ng marinig yon. Nakikinig ba sya samin?

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now