I woke up on a white room. May mga dextrose rin na naka dikit sa kamay ko. I can feel my head spinning and naramdaman ko na may naka balot na tela sa bandang noo ko.
Naka rinig ako ng ingay ng pag bagsak ng isang tray, nang tignan ko iyon ay si Syrus ito na mukhang naka kita ng multo sa harap niya.
"Ate sa wakas gising ka na" naiiyak na sabi niya
Bakit parang ang tagal kong walang malay, kanina lang naman nangyari ang aksidente.
Tumakbo ito palabas upang tawagin ata ang doktor. Ilang minuto lang ay pumasok ang isang doktor, si Syrus, si tita Alora at si papa.
"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" tanong sakin ng doktor
"Medyo nahihilo pa po, pero okay na" malumanay kong sagot
"Normal lang yan, dahil ilang araw ka nang walang malay" sabi nito
Ilang araw? Pero kanina lang yon diba? Ramdam ko pa ang pananakit ng likod ko dahil sa pagkaka bangga.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko ulit rito "Anong ilang araw? Kanina lang ho yon"
"No, Shan" rinig kong ani ni tita Alora "You've been unconscious almost a week"
Mag iisang linggo na akong walang malay? Paano?
Si Thina nasaan?
"Si Thina po, nasaan?" agarang tanong ko nang maalala ko ang bata
"Nasa kabilang kwarto siya ate, binabantayan ni tita Annalise" sagot sakin ni Syrus
"For now you need to rest first, you need to gain your energy again. Okay?" paalala sakin ng doktor
Lumabas na ang doktor at napansin ko naman ang pag lapit ni papa sa tabi ko. Hinaplos nito ang buhok ko na para bang muntik na akong mawala sakanya.
"Ipag hihiganti ko kayo, hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sainyo" bakas ang galit sa boses ni papa
"Hindi niyo na po kailangan mag imbestiga" sabi ko sakanila "Kilala ko po kung sino ang gumawa non" dagdag ko
Agad naman tumingin sakin si papa na may pagtataka sa kanyang pagmumukha.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni papa
"What is it, Shantel?" tanong rin sakin ni tita Alora
Agad naman akong napa lunok ng laway ng lahat sila ay naka tingin sakin.
"Si mama....... si mama po ang may gawa ng lahat ng ito" agarang sagot ko
Nakita ko kung paano nakapag takip ng bibig si tita Alora dahil sa kanyang narinig. Kahit si papa at si Syrus ay lumaki rin ang kanilang mga mata.
"Paano ka nakaka siguro?" tanong ulit ni papa sakin
"Dahil naka pag usap po kami"
Doon silang lalong nagulat. Alam ko na puno ng galit ang emosyon nila ngayon pero kahit alam kong magagalit sila sakin. Mas tatangapin ko pa iyon kesa sa ulitin pa ito ni mama.
"Kailan pa?" tanong ni papa na may halong galit sa kanyang boses "Kailan pa, Shantel!" sigaw niya na kinagulat ko
"Philip! Stop yelling at her" sigaw ni tita Alora kay papa "Syrus, samahan mo muna sa labas ang papa niyo" utos ni tita kay Syrus
Agad nanam tumango si Syrus at dinala sa papa sa labas ng kwarto ko. Naiwan kami ni tita sa loob na nag uusap.
"Sorry sa naging reaksyon ng papa niyo ha. Ayaw niya lang talagang malagay kayo sa peligro, katulad ng nangyari ngayon" paliwanag ni tita
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...