"Paki lagay nalang po roon,"
Sabi ko sa isang lalaki na nasa loob ng unit na binili ko. Balak ko na kasing lumipat dahil medyo malayo ang hospital sa bahay. At itong unit na ito ay malapit lapit sa hospital parang isang street lang ang pagitan.
"May pasok ka ba ngayon, Syrus?," tanong ko sa kapatid ko.
Sinamahan niya ako rito ng sabihin ko na ngayon ang araw ng pag lilipat ko. Gusto daw niyang tumulong.
"Wala ate, kung may pasok sa hospital. Ako na bahala rito," sabi nito sa akin
.
At ayon nga ang nangyari pumasok ako. Pagdating ko roon ay naghintay lang ako ng elevator dahil medyo madaming sumakay sa naunang elevator. Kakahiya naman sumiksik.
"Good morning Dr. Bautista and Dr. Diaz," bati sa akin ng isang doktor at nginitian ako. Pero si Dr. Diaz?
Agad kong tinignan ang taong katabi ko at nakita si Kyle na mukhang may hangover pa dahil sa kakainom kagabi.
Natampal ko naman ang braso ko ng maalala ko ang pinag gagawa ko kagabi. Anong 'balik na tayo sa dati?' GAGO.....
Sabay na kaming sumakay ng elevator at ang masasabi ko lang na nararamdaman sa loob ay
Awkwardness........
Nang makarating ako sa tapat ng opisina ko ay inabutan ako ni Joy ng kape. Nginitian ko naman siya kaya naman nag kunwari itong kinikilig.
"Siya nga pala doc. May sumingit sa schedule mo," sabi nito sa akin.
Sa ilang araw kong pag ttrabaho ko rito ay ngayon lang nagkaroon ng singitan.
"Sino?,"
"Venice Laurent po yong binigay na pangalan,"
Venice?
Ito ba yong kilala kong Venice?
"Kailan siya nag pa appointment?," tanong ko habang tinitignan yong papel niya.
"Kagabi lang po,"
Tinawagan ko si Nevan kung kasama ba niya si Venice ngayon.
["Nasa firm nila siya. Aga niya nga pumasok e, hindi ko nasundo,"] paliwanag ni Nevan sa kabilang linya ["Bakit may kailangan ka ba sa kanya?,"]
"Wala sige na mag trabaho kana. Sorry sa abala,"
So hindi rin alam ni Nevan na may appointment ngayon sa akin ang girlfriend niya.
Habang binabasa ko ang papel ni Venice. Ay kumatok naman si Joy sa labas.
"Doc, gusto daw po kayong kausapin ni Dr. Diaz kasama si Ms. Laurent," sabi niya.
Sinabi ko na papasukin na niya.
"Bakit kasama ka? May appointment ka ba sa akin?," sabi ko kay Kyle na naka tayo sa likod ni Venice.
"Pinasama ko siya rito," agap ni Venice.
"So upo na kayo, nakaka ilang na naka tayo kayo sa harap ko. So base sa papel mo may psychiatrist ka, so bakit gusto mo lumipat sa isang psychologist?," tanong ko kay Venice.
"I think that psychiatrist is poisoning me," sagot niya.
"What?," takang tanong.
"Here's her medical record, she have a anaphylactic shock. If that's continue at hindi naagapan, pwede siya magkaroon ng heart attack or cardiac arrest," paliwanag ni Kyle.
Tinignan ko naman ulit ang mga naka sulat sa medical records ni Venice at halos lahat ng naka indicate doon na gamot ay pwedeng ikamatay pag mali ang pag resita.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
عاطفيةMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...