Chapter 54

357 3 0
                                    

"Ginagawa mo dito, baby?,"

Pabirong sabi ko at agad siyang niyakap patagilid. He even smiled at me at napansin ko din na may mga pagkain at kape na nandoon.

"Ang tagal mo, kanina pa kami rito." sambit niya, kaya naman mas lalo ko siyang niyakap.

"Miss mo na agad ako?..... At what do you mean kami?," pagsabi ko non ay naka rinig ako ng ubo sa may bandang sofa ng opisina ko.

At laking gulat ko ng makita si Venice na naka upo roon. Tinitignan kami ng diretso. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya agad akong kumalas sa yakap niya.

"Ginagawa mo dito?," nahihiyang sabi ko at umupo sa upuan ko.

So bale nasa harap ko silang dalawa ni Kyle. Parang mga pasyente ko.

"She's here for clarification of her surgery. Heart surgery I mean." sagot ni Kyle.

Napakunot naman ang noo ko ng marinig iyon. Anong surgery? Sigurado ba siya?

"Venice sabi naman sayo, hindi ka puwede magpa surgery if walang consent ng guardian? Alam na ba 'to ng tatay mo?," sabi ko.

"No."

"Oh paano yan, hindi puwede. Walang mangyayaring surgery..... Alam ko hindi ako surgeon pero alam ko ang ikakapahamak ng tao." paliwanag ko.

"But someone already sign this." sabi nito at inabot sa akin ang papel.

Consent paper yon, naka lagay don kung pinayagan ba ang isang pasyente na sumalang sa isang operasyon.

"Who's Calix Evander Miliani." sabay naming tanong ni Kyle.

"My step brother, anak ni tita Margaret."

Nagkatinginan naman kami ni Kyle, at natawa naman ako ng makita ang pag iling nito. Napansin namin si Venice na may tinatawag sa phone nito kaya naman nagtaka kami.

"Sinong tinatawagan mo?," tanong ko.

"Yong pumirma ng consent, mukhang ayaw niyo maniwala e."

After a few seconds may sumagot ng tawag niya. It's a husky voice, in the first we heard him laughing dahil nagtataka ito kung bakit tumatawag si Venice sa kanya.

["Ssup Reen. May problema?,"]

Tanong nito sa kabilang linya.

"My doctor said that you need to be here on the day of my surgery."

["Sure just call me before your surgery. Siya nga pala Matthias is here earl...."]

Bago pa matapos ang sasabihin sa kanya ng step brother niya ay pinatay na niya iyon. At nilagay sa bulsa ng blazer niya ang telepono niya. Mukhang hindi siya interesado sa sasabihin nito.

"I should go, I have a hiring today. I can't be late." paalam ni Venice sa amin.

Tumayo kami para ihatid siya sa labas ng opisina ko, at si Kyle naman ay pupunta sa opisina niya dala ang consent paper na ibinigay ni Venice kanina.

"Let's have a dinner later." sabi sakin ni Kyle at tumango naman ako. "Joy may extra food sa loob it's for you." tawag nito kay Joy.

"Thank you dok. The best ka talaga." masayang sambit ni Joy at nag thumbs up pa dito.

Pumasok na kami sa loob at inayos na ang mga kailangan ayusin dahil may iba pang mga pasyente ko ang dadating ngayon. Medyo hectic na din ang schedule ko ngayon, pero ayos na din para hindi sayang sa oras.

"Saan ba tayo mag didiner?," tanong ko kay Kyle.

Nagtataka talaga ako dahil hindi kami gumamit ng kahit kaninong kotse. Naglakad talaga kami as in. Partida dalawa na kaming may kotse pero naglalakad kami.

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now