"Are you feeling better?" agarang tanong sa akin ni Kyle ng magtabi kami.
Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong mga pinag gagawa niya para sa akin nong nasa hospital ako. Kaya ba siya laging pagod pag dumadalaw siya dahil, sobra sobra ang mga ginagawa niya?
" Oh by the way, mom cooked some chicken curry. Gusto niyang matikman mo so hinatid niya sa akin kanina" paliwanag nito at inabot sa akin ang isang container
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" biglang sabi ko kaya naman napa hinto siya sa ginagawa niya
"Wala naman" naka ngiting sabi niya
"May ginawa ka diba?" tanong ko sa kanya
"What did I do? Hindi naman bagsak ang mga subjects ko. I barely make it pass naman ah" sagot niya, hindi niya pa rin sasabihin
"Bakit mo ginawa 'yon… bakit mo ginawa lahat ng activities ko?" inis na tanong ko sakanya
"Oh you already know it" mahinang sambit niya
"Huh?"
"Ginawa ko' yon dahil, sabi nila ikaw daw ang magiging batch valedictorian. But there was an accident kaya bigla kang hindi nakapasok." paliwanag niya "I did all of that to secure your award, Shan. At hindi mali iyon"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Puwede naman na ikaw nalang ang maging batch valedictorian ah" sumbat ko sa kanya
"Then ano? Matatanggal ka sa top 10 ng batch? Love, do you know how many students here in Northville are striving to get to the top 10? Tapos pag ikaw ang natanggal pag uusapan ka nila, they're going to start bickering you." inis na paliwanag niya
"I'm not mad at you, okay? Let's just don't talk about this anymore" mahinahong sabi niya at agad akong niyakap
"Pero ikaw at iyong grade mo" mahina kong sabi
"Shh, don't worry about that. I'm still the top 2 of the batch" he said and cupped my face before giving me a peck on my lips
Bumalik na ako sa classroom na dala iyong container na binigay sa akin ni Kyle, wala parin kaming teacher dahil may biglaang meeting sa faculty.
"Ayos na kayo? Napaliwanag ba ng maayos?" sunod sunod na tanong sa akin ni Nicole ng maka upo ako sa tabi niya
"Hindi naman kami sira" pabirong sabi ko
"Diyan ka magaling, gawing biro lahat." tinuturo turo niya pa ako
"Tara kain, may ginawang curry mama ni Kyle" yaya ko sakanya at nilabas iyong container at yong utensils
"Naks pinag lulutuan ng future mother in law" pang aasar niya. "Rence lamon" tawag niya kay Laurence at agad naman itong lumapit
"Kanino galing?" tanong nito naka tingin lang samin
"Sa mother in law ni Shan" sagot ni Nicole
"Kay tita Amelia? I miss her cooked" sabi nito at kumuha ng isang kutsara
"Nakakain ka na ba ng mga luto ng mama ni Kyle?" tanong ko sakanya
"Yup, we're childhood friends though"
Agad naman kaming nagka titigan ni Nicole bago siya tignan.
"What?" takang tanong niya samin habang ngumunguya
"Paano?" tanong sa kanya ni Nicole
Nilunok niya muna iyong kinakain niya bago siya sumagot. "My late dad and Kyle's dad were business partners I think in the past. So naging close kami ni Kyle dahil minsan sa kanila ako iniiwan" paliwanag niya "Ah fun fact Kyle is kinda rude when he is a child. Trust me" dagdag niya
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...