"Magka kilala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Kyle just smile at me, he's acting weird.
"Pumasok na kayo at gabi na" sabi samin ni papa
Tinignan ko si Kyle at saka sinabing hahatid ko pa sya sa sakayan. But Kyle insist kaya na daw nya. Ngumiti lang ito sakin at kay papa, inalok sya ni papa na ihahatid daw nya ito pero umayaw sya. Nang maka alis sila pumasok na kami ni Syrus sa loob ng bahay para makapag pahinga.
"Ginagawa ni Kuya Kyle dito?" sabi nito ng makalabas ng banyo dahil nag half bath sya
"Hinatid ako, hinihintay ka nya dumating kaya hindi sya maka alis" paliwanag ko
"Oa naman kaya mo naman mag isa, gusto mo lang sya makasama eh" sabi nito habang nag sasalin ng tubig sa baso. Agad naman akong tumayo at nilapitan ito tsaka binatukan
"Puro ka kalokohan, matutulog nako maaga paako. Patayin mo yong mga ilaw at i lock ng maayos ang pinto bago ka pumasok ng kwarto mo" paalala ko sakanya at pumasok na ng kwarto
Binalik ko sa maliit na book shelf sa study table ko yong libro na binabasa ko kanina. Tsaka pinatay ang ilaw at ang maliit na ilaw nalang ang naka bukas. Kinuha ko muna yong phone ko para ma check ang mga schedule ko baka may naka ligtaan ako at nag pa alarm dahil full time ako bukas sa café, sayang sweldo noh.
Naiisipan ko na mag gala muna sa instagram acc ko dahil, medyo hindi pako inaantok. Nakita ko naman sa story ni Nicole na kumakain sya labas ng ice cream at may naka caption na "basta pogi chickboy/playboy" sino kaya pinapatamaan nito. Hindi ko napansin na kasunod pala ng story nya is story ni Kyle. Napangiti naman ako ng makita yon picture ko kanina na naka talikod sa camera nya at naka tingin doon sa malaking bear kanina at may caption na "She looks gorgeous, while looking at that big bear!" palakas talaga to sakin. Natulog nako maya maya non.
Kinabukasan madalian nako ng nag ayos ng sarili para maka pasok sa trabaho. Nagsuot lang ako ng black trouser at while polo tsaka rubber shoes nagdala rin ako ng maliit na shoulder bag. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig dahil bigla akong nauhaw. Nakita ko naman si Syrus sa sala na naka tapat agad sa laptop nya.
"Hoy bata mag sout ka nga nang salamin alam mong ang lakas ng radiation ng laptop" saway ko sakanya, tumayo naman sya at kinuha ang reading glasses nya
Ayoko na magaya sya sakin na ang labo ng mata alam ko gaano yon ka hassle.
"Saan punta mo teh?" tanong nya ng makita ako
"Café papasok"
"Nice barista na sya"
Natawa naman ako sa sinabi nya "May papabili kaba?"
"Wala, sya nga pala ate gusto ni papa na ma meet natin si tita Alora"
Natigilan naman ako sa sinabi nya, hindi naman big deal sakin yon as long as okay sya samin.
"Anong oras?"
"Dinner daw sa bahay nila, susunduin tayo ni papa"
Tumango lang ako at nag paalam na aalis nako.
Medyo maaga pa noong makarating ako sa café kakabukas lang ni ate Claira, si kuya Kairo naman ay nagpupunas ng mga table.
"Good morning po" bati ko sakanilang dalawa
Ngumiti sakin si kuya Kairo at tsaka nagpa tuloy sa pag pupunas
"Good morning, mag palit kana baka madumihan ka kapag tumulong ka" ani ni ate Claira sinunod ko naman yon at pumasok na sa staff room para mag lagay ng apron, tsaka rin sinuot ang name plate ko. Na nakalagay ay shan
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...