Chapter 32

648 18 2
                                    

Notice:Good day everyone, sorry for not updating for many days. I have a fever this past few days and I'm still on my recovery, thank you for your patience. Thank you. 💜

˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆

Bumalik na kami ng rest house nang dumilim na, dahil paalis na rin yong mga tao sa tabing dagat. Pagka pasok namin nakita namin na naghahanda na sila ng pagkain.

"Hoy ano yan? Bakit may pa holding hands na kayo?" iritadong tanong samin ni Nevan ng makita yong kamay namin

"So the plan works" bulong sakin ni Venice ng makalapit ako sakanya malapit sa stove.

Tumango naman ako at dalawa kaming napa ngiti.

"I told you, you don't have to worry" dagdag nya pa

"Hoy mga babae, anong pinag bubulongan nyo dyan?" saway samin ni Nevan

"Shut up, Priam" ani ni Venice

"Grabi naman yan, Maureen bastusan? Lumapit na kayo dito kakain na" yaya samin ni Nevan naka upo na silang lahat sa hapag at kami nalang ang wala pa doon.

Lumapit na rin kami roon para makakain na kaming lahat, dinala ko lang yong juice na tinimpla kanina para mainom narin.

"Shan, here. Sit here" tawag sakin ni Kyle at saka tinuro yong tabi ng inuupuan nya

"So guys, bago tayo kumain let's toast sa bagong mag jowa dito satin" biglang pag announce ni Nicole at tinaas pa yong baso nya na may juice

Sumunod naman kami at nagtawanan, puro kalokohan talaga!

Natulog na kami ng maaga dahil balak namin manood ng sunrise bukas. And after non is ligo na agad sa dagat. Yon ang napag desisyonan namin kagabi.

I woke up around 3 am, balak ko sanang sa tabing dagat nalang din kami mag breakfast, kaya naisipan kong mag-luto ng almusal. Just a normal breakfast foods lang naman like eggs, hotdogs, fried rice, fruits, pancakes, toast bread and also coffee or juice.

"Aga mo magising" rinig kong sabi ng isang tao mula sa hagdan, i wondered who is that?

Nang tuluyan itong makababa ay nakita ko na si Kalare pala ito.

"Breakfast?" she ask

"Oo eating breakfast while we watch the sunrise"

"Oh that's good. Let me help you" sabi nito at dumiretso sa sink para hugasan ang kamay, inangat nya rin yong sleeves ng pajamas nya at tinali ang buhok.

Sya ang nagluto ng mga itlog at hotdogs, while ako naman ang gumagawa ng pancakes at toast bread.

"Close ba kayo magkakapatid?" i, ask out of the blue

"In the past. Mga panahon na hindi pa masyadong realistic ang mundo samin" sabi nito

"Realistic?" takang tanong ko

"Like you know, wala kang iniisip kundi anong ulam nyo or kung anong regalo ang makukuha mo sa pasko. But since we stepped in the teenager world lahat nagbago"  paliwanag nya "For example si ate Katarina we're not having a bond together lately because she is too busy on her publishing company, si kuya i think magiging busy narin kami since he will take a med course" dagdag nya pa

"If you need someone na gusto mo maka-usap. I'm here" i assured her, she just smiled at me and continue flipping the hotdogs

"Your two are too early, it's just 4am in the morning" hikab na sabi samin ni Venice nang makababa ito

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now