Chapter 46

501 11 5
                                    

Music attached: All we know by The Chainsmokers.

Seeing the person you love the most after a unclear breakup is so....... 

Awkward...... 

Ayan ang eksena namin ni Kyle, lalo na nasa iisang lugar lang ang pinag ttrabahuan namin.

"Joy,"

Tawag ko sa labas dahil nayayamot na ako rito. Maya maya pa naman dating ng una kong pasyente at parang gusto ko ng kape.

"Yes po doc?," tanong niya sa akin ng maka pasok ito.

"Pwede pa naman ako bumili ng kape diba? Diyan lang ako sa pinaka malapit na café," sabi ko sa kanya. 

"Sure po doc. Tawagan ko nalang po kayo pag biglang dumating yong pasyente," sagot nito sa akin.

Kinuha ko naman agad ang wallet ko at saka sumakay ng elevator pababa.

May mga iilang staff ng hospital na bumabati sa akin. Yong iba naman parang napipilitan lang, yong parang sa pe sub lang na need mong sumayaw ng pilit para sa grade.

"Good morning, welcome to Surge Café. What's your order po?,

"Can I get a two iced caramel machiatto. And two slice of carrot cake,"

Dalawa na binili ko para kay Joy yong isa. Masyado na akong napamahal sa alaga kong iyon.

Habang hinihintay ko ang order ko ay bigla naman akong napaupo sa bakanteng upuan para maiwasan si Kyle. Pumasok rin ito ng café sout parin niya ang lab coat niya.

"Gwapong doktor galing sa Grand Vista Medical Hospital,"

"Lagi ata siya dito bumibili ng kape, aabangan ko nalang siya,"

Sari-sari kong naririnig na bulongan mula sa tabi ko. Naintriga naman ako sa mga iyon kaya naman sinilip ko. At laking gulat ko na mga estudyante pa ito na may mga naka buklat na libro sa harap nila.

Napa singhal nalang ako sa nakita ko at tinuon nalang ang pansin sa cellphone ko.

"Oh Dr. Bautista, nandito karin pala," rinig kong tawag sa akin

Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko na si Vincent, naka akbay na ito kay Kyle. Kahit si Kyle ay kita sa mukha niya ang pagtataka sa mukha niya hindi niya ata talaga ako napansin.

"Order for Shan,"

Kinuha ko na agad ang paper bag para makalabas na ako rito. As long as possible ayoko muna siyang ma encounter.

"Una na ako," paalam ko sa kanila

Aalis na sana ako ng magsalita pa si Vincent.

"Siya nga pala doc. Ang gwapo ng boyfriend niyo," naka ngiting sabi nito.

Boyfriend? Sino? Don't tell me he is referring to....

Nevan?

Sabi ko na nga ba e, kaya ganon ang tingin sa amin kagabi ng ibang tao. Mukha ba kaming ganon?

Iuuntog ko talaga si Nevan sa lababo nila.

Bumalik na ako ng hospital at baka biglang dumating yong pasyente ko. Pagdating ko roon ay wala pa naman, kaya inabot ko na kay Joy yong binili kong pagkain.

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now