Chapter 18

812 17 0
                                    

"May relasyon ba sila?" tanong ko sa sarili ko ng makita kung ano ang nangyayari sa harap ko

"I guess so" nagulat ako ng magsalita si Kyle sa likuran ko

Nakalimutan ko na kasama ko pala sya, siguro dahil rin sa pagod.

"Nakikita mo ba silang magkasama?" tanong ko kay Kyle

"No. But Leo was not around me every time" sagot nito

Napaisip ako kung talaga bang may something sakanila. Naalala ko yong story ni Nicole sa instagram dati, hindi kaya si Sebasta pinapatamaan nya? Mag imbestiga na kaya ako?. Agad akong nag panic nang makita kong papunta sila sa may gawi ko kung saan kami nag tatago ni Kyle. Kaya agad akong umatras pero hindi ko napansin na nawalan ng lakas ang paa ko. Ang ending natumba ako sa ibabaw ni Kyle.

"Ano ba naman yan ang aga aga pa! Teka lang hoy!" rinig kong sabi ni Sebasta ng maka daan ito samin at tsaka hinabol si Nicole

Mga ilang segundo pa nang nasa ganoong posisyon kami ni Kyle bago ako makabalik sa realidad.

"Are you okay?" tanong ni Kyle, kunti nalang at mag didikit na ang mga labi namin

Tumayo nako agad at pinagpagan ang palda ko.

I heard him chuckle while arranging his uniform dahil medyo nagusot iyon "Chancing" i heard him

Hinampas ko naman agad sya, kaya natawa naman sya lalo. Tumayo sya at agad inalok sakin ang kamay nya para maka tayo.

"Are you really okay? You look tired" sabi nya sakin

"Malamang pagod talaga, sira!" sabi ko sakanya at agad tumayo

"Let's find some peace!" sabi nito at agad binuksan ang bag nya at nakita ko na kinuha nya ang susi nya, para ata yon sa kotse

"Saan naman?" natatawang tanong ko. Peace daw eh, saan ba makakahanap non?

Sinundan ko naman sya sa may malapit na parking area, dito ata sya lagi nag papark dahil medyo malapit sa school. Pinag buksan nya lang ako ng pinto sa may front seat baka sya umikot papunta sa may driver seat.

"Wait until we are already there" sabi nya at agad pinaandar yong makina. Bago sya mag drive pa alis ay may kinuha muna sya sa may likod na unan para sa leeg inabot nya sakin yon.

"Incase you fall asleep while nasa byahe, i know your tired" sabi nito at agad sinout sakin yong unan

Hindi ko namalayan na nakatulog talaga ako, i guess pagod talaga ako. Napansin ko naman na nakatingin lang sakin si Kyle habang ang ulo nito ay naka sandal sa manibela ng kotse.

"Did you slept well?" naka ngiting tanong nito sakin

Napa upo ako ng maayos kanina pa ba sya nakatingin sakin. Baka nag lalaway nako kanina.

"Saan tayo?" curious na tanong ko sakanya habang hinuhubad yong unan na sout ko

Tinanggal nya rin ang sout nyang seat belt bago ako sagutin "Batangas"

Agad akong naalimpungatan sa sinabi nya. Batangas? Ang layo nang nirating namin.

"Do you want to watch the sunset with the view of the sea? Malapit na" yaya nito sakin agad naman akong napatango ng sunod sunod

Bumaba na kami ng kotse at agad akong tumakbo malapit sa baybaying dagat. Ang ganda nito, ang linaw ng tubig at ang linis ng mga buhangin. I hope lagi akong nandito. Napansin ko rin na sunset na talaga. Agad kong kinuha ang phone ko para makuhaan ito ng litrato. I love this!

"Do you like it?" tanong ni Kyle ng makalapit sakin

"Yeah, thank you. Ang ganda!" masayang sabi ko

"Yeah maganda nga" sabi nito tinignan ko naman sya at nakita ko na nakatingin ito sakin, agad namang namula ang mukha ko sa sinabi nya

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now