Hindi parin ako makapaniwala na anak ni ma'am Nezera yong lalaki kagabi, ang alam ko dalaga sya pero, bakit may anak sya bigla?
"Hoy lutang ka! Iniisip mo?"
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Nicole sa tabi ko na kumakain ng chips.
"Wala! Wala naman"
"Lq kayo?"
Agad naman kumunot ang noo ko, dahil hindi ko alam anong sinasabi nya.
"Anong lq?"
"Love quarrel nak"
Nanlaki naman ang mata ko dahil baka may maka rinig sakanya.
"Mahahimik ka nga, baka may maka rinig sayo!"
"Gaga kalahati ng student ng school alam na may something kayo ni Diaz noh" natatawang sabi nya, agad naman ako nagulat anong kalahati ng student. Ganoon na ba kabilis kumalat ang tsismis.
Nang sumapit ang recess, pumunta na kami ng canteen ni Nicole dahil kanina pa daw nag aalburuto ang tiyan nya, pero kain naman sya ng kain.
"Ano gusto mo pili ka ako magbabayad" sabi nya sakin at namimili parin ng gusto nyang kainin.
"Naks sugar mommy naba kita?" pabiro kong tanong
Pati sya ay natawa sa sinabi ko "Tangek need mo yon dahil napaka hardworking mong babae. You deserve it kahit kaunti lang ang maibigay ko sayo atleast mayron noh." ani nito at agad akong hinila sa may bilihan ng rice meals.
"Ano sayo ako na makikipag singitan don dali!" tanong sakin ni Nicole, nagmamadali ito dahil dumadami na yong tao sa stall nayon
"Bacsilog nalang" sagot ko agad naman itong kumaripas ng takbo at sakto na pangalawang pila sya.
"Hoy bakit mag-isa ka dyan" agaw pansin na sigaw ni Nevan sa hindi kalayuan ng makita ako
"Hindi ako mag-isa no!" sagot ko sakanya
Agad naman itong natawa dahil sa pagmamaldita ko sakanya "Ikaw ah may hindi ka sinasabi sakin. Akala koba friends tayo" pag iinarte nya sakin
"Ano nanaman bang tsismis yan?"
"Kayo daw ni Kyle, totoo ba?" curious na tanong nya
"Gago hindi noh, sino ba nag pa kalat nyan!"
"Lagi daw kasi kayong magkasama"
"Lumayo ka na sakin baka pati tayo ma issue" sabi ko at tinulak tulak sya
"Ginagawa mo dito bano!?" tanong agad sakanya ni Nicole ng maka balik ito, inabot nya sakin yong pagkain ko at agad naman akong nagpa salamat
"Nood kayo game ko" excited na sabi nya
"Alam mong strand week, mag yaya kang manood ng game mo. Akala mo naman mananalo" pang aasar sakanya ni Nicole
"Grabi ka ah, baka nakakalimutan mo captain to ng blue falcon" pag yayabang nya at tsaka hinampas hampas ang dibdib nya.
Pinigilan ko naman syang gawin yon dahil baka sumakit maya maya ang dibdib nya, baliw na bata.
"Sige ba basta 4 na tickets ibigay mo samin" agarang sabi ni Nicole habang dinidilaan nya yonh daliri nya, may nalaglag kasi na pagkain roon.
"Apat? Sige ba bigay ko agad. Sa ngayon alis muna ako at mag kailangan pa akong ipasa" sabi ni Nevan at tuluyan naring umalis.
Captain ng men volleyball ng blue falcon si Nevan, kaya kilalang kilala sya sa school, hindi lang sa pagiging president ng council dahil rin sa pagiging sikat na captain nito. Minsan nga may pumuntang mga taga ibang school para lang makita sya eh.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...