"Ate boyfriend mo ba sya?"
Nanlaki ang mata ko sa tinanong ng kapatid ko, tarantadong to.
"Hindi ah!" pasigaw na sabi ko na kinagulat naman nilang dalawa "I mean hindi, kaibigan ko lang sya" mahinahong sabi ko
"Pero iilan lang ang kilala kong kaibigan mo na lalaki. Si kuya Laurence, Jin at Nevan" pang iisa isa nya sa mga kakilala nya
"Your friends with Nevan?" seryosong tanong sakin ni Kyle
"Oo magkasama sila simula pa noong mga bata pa sila, talo ka" sabi ni Syrus at binilatan sya
"Syrus tama na" inis na sabi ko "Syrus si Kyle school mate ko, Kyle si Syrus kapatid ko" pag papakilala ko sakanila
"Good evening" bati ni Kyle
"Walang good sa evening" pag mamaldita ni Syrus
"Syrus! Ugali mo ah" pagbabanta ko sakanya
"Sorry na, ito kasi eh" sabi nya sabay turo kay Kyle
"Ano bang ginawa mo dyan?" tanong ko kay Kyle
"Nothing, shh" sagot nito at tumingin kay Syrus
"oh sya mag si uwi na tayo, umuwi kana Kyle" sabi ko sakanya
"I'll walk you home" Kyle insist
"Hindi na anong oras na oh, umuwi kana para makapag pahinga kana" sabi ko wala na syang nagawa kaya sinunod nalang nya yon
Nang makarating kami sa bahay ni Syrus, sinabi nya sakin na sya daw ang magluluto. Oo marunong sya may mga stocks pa naman sa bahay kaya okay na yon.
"Gusto mo ba sya ate?" napa balikwas ako ng tanongin nyako nasa lamesa na sya nag hahain
"Ha? Hakdog" tawang sabi ko at lumapit sa lamesa. Nakita ko na adobong manok pala yong niluto nya naparami ata yong naluto nya "In fairness mas magaling kana sakin ngayon magluto" ani ko ng matikman yong luto nya
"Wag mo ibahin ang usapan ate" iritadong sabi nya
"Ano bang pinag uusapan natin?" kunyari na walang alam na sabi ko
"Gusto mo ba sya?" seryosong tanong nya
"Si Kyle ba?" tanong ko at tumango naman sya "Halata ba?" naiilang na tanong ko
"Oo sobra" ani nya at umupo na para makakain
"Crush lang naman" pabebeng sabi ko
"Dyan din naman kayo nagsimula ng baliw mong ex ah, sya nga pala nakita ko sya kanina. Ganon ba talaga sa babae?"
"Panong ganon?"
"Ang clingy nya masyado, parang hindi mabubuo yong araw nya ng hindi nakaka halik at hindi naka hawak sa babae. Ganon din ba sya sayo?"
"Hindi noh, i didn't give him a permission to that to me. Kaya nya ata ako hiniwalayan dahil hindi nya magawa sakin yon" seryosong sabi ko "Pero okay naman si Kyle diba?"
"Okay na mukhang matino kesa doon sa ex mo"
"Laki laki na talaga ng kapatid kong ito" sabi ko at tumayo tsaka niyakap sya sa leeg
"Ate kumakain tayo" sabi nya at pilit na tinatanggal ang pagkaka yakap ko sakanya
Nang matapos na kaming kumain agad ko namang hinugasan yong mga pinagkainan namin at tsaka dumiritso matulog dahil may pasok pa bukas.
"Shan may naghahanap sayo"
Sigaw ng isa sa mga kaklase ko na nasa pintuan, dali dali akong pumunta roon para tignan kung sino yon.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...