Shantel
I almost choked from eating. What do you mean tatlong anak? It's clearly that she had a 1 children and it's Delythina.
"Kailan ba?" agarang tanong ko
Uminom sya at nilunok muna bago nya ako sagutin "Friday"
Agad lumaki ang mata ko sa sinabi nya "Ano? Ang bilis naman" nabitawan ko pa ang kutsara ko sa gulat "Tatanungin ko muna si tita kung kasama ba talaga kami"
He just nod and smile at me
"Don't pressure yourself, siguro may dahilan si tita bakit nya ginagawa ito" he said with a soft tone of his voice
Nang matapos kami kumain, ihahatid sana ako ni Kyle sa building namin kaso sinabi ko na wag na dahil baka ma late sya. Balita ko pa naman masusungit ang ibang teacher ng STEM kapag after break yong subject.
Dumaan na din ako sa office ng mga teacher para kunin yong mga form ng mga events na kailangan may sumali samin. Dahil required na kada section may sasalihan na games kahit isa lang.
"Okay everyone magsi upo na po" sabi ko sa harap medyo nilakasan ko na rin yong boses ko para rinig nilang lahat
"So binigay ni Ma'am Castro itong oras na ito para maayos na natin yong mga sasalihan sa strand week. Hindi naman ito sapilitan basta may mag participate lang satin" paliwanag ko
Tinanong ko na sila kung saan nila gustong sumali. Si Nicole at Angela ay sumali sa volleyball, si Kyla naman ay sa quiz bee.
"Sa basketball kami ni Laurence" nakatayong sabi ni Wilson
Tinignan ko naman si Laurence at parang hindi naman siya napilitan
"Kinausap nyo na ba yong ibang sasali ng basketball sa HUMSS?" tanong ko
"Oo may practice kami mamaya" sagot ni Laurence
Nang matapos na kaming mag lista binalik ko na yong listahan sa office. Nang dumating ang teacher namin sa Contemporary Arts, bigla namang may kumatok at kinausap si sir.
"Okay class wag maingay may mag a-announce"
Pumasok naman si Nevan at ang ibang member ng student council kasama si Venice at…… Kyle at ang iba pang officers.
"Okay good morning HUMSS-B andito kami para mag bigay ng paalala sa darating na strand week, which is bukas na rin" kahit kailan talaga ang ingay ni Nevan
"Wag nyo masyadong pagurin ang inyong mga sarili, yong mga sasali sa sports need nyong mag stretching muna bago sumabak ayaw nyo naman na mapuno ang pinaka malapit na hospital ng estudyante na galing sa school natin diba" dagdag nya pa
"And also kailangan nating matalo ang ibang strand, as a kapartido nyong humanista tatalunin natin silang lahat. Lalo na ang mga tangkay" sabi nito at napaubo naman ang ibang officers na kasama nya na STEM
"That's enough Nevan" saway sakanya ni Kyle
Umurong naman si Nevan "Ah baka may gusto pang idagdag si kuya Kyle nyo" mapang asar na ani nito
"It's not that important but, as long as you did your best. It's already enough than winning" sabi nito na kinalaki naman ng mata ng iba nyang kasama
Para bang sinasabi ng mga mukha nila kung si Kyle ba talaga ang kasama nila. Napaka nonchalant talaga ng lalaki nayan sabi ng iba, kaya mahirap i approach.
"Bye goodluck tomorrow everyone" paalam ni Nevan at isa isa na silang lumabas ng room "Sya nga pala, Bautista daan ka sa council room bago ka umuwi" paalala nito sakin
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...