Chapter 12

777 18 0
                                    

"I like you. I love you. Let me court you"

After he said that words I blink my eyes not just twice but thrice. My mind is not processing anymore. Totoo ba, akala kolang kasi dati mixed signals lang ang pinapakita nya kaya sinasakyan kolang. I didn't know na he's serious about me.

I stopped looking at him and let out a nervous laugh "Huh? Anong gusto, patawa ka naman eh" sabi ko at tumingin nalang sa harap namin

"I'm serious, matagal ko nang gustong sabihin sayo na gusto kita. I'm just finding a good time" ani nya "I like you since I first saw you last school year but I didn't have a courage to say it before because you have a boyfriend but now. I'm not going to lose that opportunity" mahabang lintanya

Nararamdaman ko na nag iinit ang buong mukha ko, parang lahat ng dugo ko ay pumunta na sa mukha ko. Tinakpan ko na ang mukha ko gamit ang mga palad ko para maitago ang pag mumukha ko.

Nagulat ako ng bigla nyang tanggalin ang kamay ko sa mukha ko at hinawakan iyon bago ako iharap sakanya. Tinignan ko sya ng diretso.

"Gusto mo talaga ako?" tanong ko namula naman ang buong mukha nya bago sya tumango "Wow akala ko talaga trip molang ako, grabi" manghang sabi ko

"I'm not that kind of man okay" depensa nya

"Boy, hindi kapa man" pang aasar ko sakanya

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"So are you giving me a permission to court you?" pagbalik nya sa topic namin kanina

Yumuko naman ako at saka tumango, nahihiya parin ako promise. Minsan lang mangyari sa universe na magustuhan ka ng crush mo noh. Habang hawak nya parin ang kamay ko bigla namang may nag doorbell.

"Who the hell is that?" iritadong sabi ni Kyle at tumayo para buksan ang pinto

"Yow what's up Diaz we're here for a drink" sigaw ng tao sa pinto "Anong hindi pwedeng pumasok, ulol may babae ka ba? Sumbong kita sa crush mo tamo" si Sebasta pala iyon.

Muntik na nyang mabitawan ang plastic na hawak nya buti nalang hindi, medyo malapit na sya sa pwesto ng sofa na inuupuan ko

Lumapit naman sya kay Kyle at hinampas ito sa braso "Anong ginagawa nyo? Patay pa yong ilaw oh, akala ko ba si Bautista gusto mo eh sino toh?" sunod sunod na tanong nya

Kyle just let out a sigh "That's her, dumbass" sabi nya at binatukan ito

Siguro hindi nyako nakilala dahil hindi ko sout ang salamin ko, tumayo naman ako at pina ilaw ang sala hindi lang pala si Sebasta ang nandito may dalawa pang lalaki mga kaibigan nya ata.

"Hi Bautista, bakit andito ka? Kinidnap kaba nito?" nahihiyang tanong ni Sebasta sakin at tinuro pa si Kyle

"Nag palipas lang ng oras, pauwi narin ako" sabi ko at kinuha ang bagpack ko

Agad naman hinawakan ni Kyle ang kamay ko ng makatapak nako sa pinto palabas "Where are you going?" he ask

"Uuwi na may bonding pa kayo ng mga kaibigan mo, let's meet on other day" sabi ko at tinanggal ang pagkaka hawak sakin

"Wait" kumuha sya ng jacket at saka kinuha sakin ang bag ko "Start without me, hahatid kolang sya" sabi nya sa mga kaibigan nya at saka kami lumabas

Nang makalabas kami medyo malamig pala kaya nag dala sya ng jacket agad kong kinuha yong sweater ko sa bag ko buti nalang talaga may dala ako.

"Bakit iniwan mo mga kaibigan mo doon? Ang rude mo!" sabi ko sakanya ng masout ko yong sweater

Inayos naman nya yong ibang hibla ng buhok ko dahil nagulo tsaka inayos yong glasses ko "They're fine, mga mahihina naman" he said

Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) Where stories live. Discover now