"Teka lang kausapin ko lang yon,"
Umalis ako sa harap ni Kyle at hinabol si Syrus na malapit na sa hagdan pababa.
"Syrus teka," pigil ko sa kanya.
"Ate ano yon? Akala ko ba hindi na kayo?,"
Napasapo ako sa noo ko ng makita ang reaksyon niya. Umayos naman ito ng tayo ng makita si Kyle sa likod ko. Sinundan niya pala ako.
"Kuya Kyle may sira ka ba sa utak?," Syrus ask out of the blue.
"Syrus!," inis na tawag ko sa kanya, at piningot ang tenga niya.
"Aray ate ah.... Pero seryoso kuya may sira ka ba sa utak? Bakit mo binalikan si ate? Napaka red flag nito o," sabi niya at tinuro pa ako.
"Syrus isa," inis na sabi ko rito, pero si Kyle ay walang ginagawa.
"Iniwan ka niya ng basta basta, tapos babalikan mo? Kung ako yan bahala na siya sa buhay niya," pag papatuloy mang asar nito. "Basta kuya pag iniwan ka niya ulit sabihin mo sa akin, susumbong ko kay papa. Baba na ako may sasabihin pa daw si ate Katarina sa akin e," at sa wakas bumaba na talaga ito.
Napakamot ako sa ulo dahil sa kung ano anong sinasabi ni Syrus kanina. Nakakahiya, agad naman bumalik ang mukha ko sa pagka inis ng marinig ko ang mahinang pagtawa ng lalakeng nasa tabi.
"May nakakatawa ba? Huh?,"
"I didn't know that you are a red flag. I guess I'm color blind," pang aasar niya rin.
"Bahala ka diyan," I said and left him there.
Nakaka irita, may nakaka tawa ba? Red flag.. Mamamo red flag.
Ilang oras ang lumipas ng matapos ang usapan nila papa at nila tito Liam. Tungkol lang lahat sa business, ang laki talaga ng respeto ko sa mga taong 'to. Alam mo ba iyong tipong may mga desente naman silang trabaho at degree pero may sari-sarili silang business at alam sa finance. Para bang hindi pa sapat sa kanila ang pera na nalilikom nila.
"Sa susunod sa bahay naman tayo magkaroon ng dinner gathering," pag yaya ni tita Amelia.
Magkatabi sila ngayon ni mama sa may labas kaming lahat ng gate. Dahil uuwi na rin sila.
"Good bye po, ingat po sa daan," paalam ko sa kanila.
"Dito ka parin ba naka tira, Shan? Kung gusto mong maghanap ng sariling bahay may kakilala akong may ari ng rental estate," alok sa akin ni tito Liam pero umiling lang ako.
"Hindi po dito lang po muna ako, uuwi po ako bukas. Malapit po sa hospital yong bahay na nabili ko," sagot ko.
"Ganon ba? Mabuti naman at naka hanap ka na agad, kakarating mo lang dito sa bansa pero naka bili ka na agad ng property. Sabi kasi nila mahirap bumili ng bahay lalo na kung nasa city," paliwanag ni tita.
"Kaibigan ko po kasi yong nag alok sa akin non," naka ngiting sabi ko.
Ilang tanungan pa ang naganap bago sila tuluyang umuwi. Hindi ako na inform na may pa questions and answers pala sila.
"Anong mayron sa inyo ni Syrus kanina?," biglang tanong sa akin ni mama.
Nasa sala kami ngayon nanonood ng kung ano mang palabas, kakatapos ko lang din mag night time routine at pinupunasan ang mukha ng isang bimpo.
"Anong mayron po?,"
"Nong umakyat ka ay sinundan ka niya. Tapos pag balik niya ay iritado ang mukha nito. Nag away ba kayo?,"
Napalunok naman ako sa kasunod na tanong ni mama. Sinabihan ko si Syrus na umastang walang nangyari e.
"Wala naman po, okay kami," sagot ko.
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...