"Ilang araw kayo doon, ate?" tanong sakin ni Syrus habang nag iimpake ako ng bagahe
Nasa tabi ko sya ngayon sa may sala. Nanonood ng tv
"2 days and 1 night ata, gusto mo ba sumama?" tanong ko, dahil kung gusto nya ay papasamahin ko nanam sya
"Hindi na kila papa nalang ako matutulog" suggest nya
"Hatid nalang kita mamaya" sabi ko sakanya. "Para makapag paalam na rin ako kila papa at tita"
Nang matapos akong mag impake, lumabas na kami ni Syrus ng bahay may dala rin syang mga damit, sa katunayan nga nyan may kanya kanya na kaming kwarto doon, dahil sabi ni tita kung buo na daw ang pasya namin na tumira doon ay handa na ang mga kwarto, kaunting gamit nalang ang kulang.
"Ano? Batangas?" sunod sunod na tanong ni tita
"Bakit ngayon mo lang sinabi? May matutuluyan na ba kayo roon?" si papa
Pag ka sabi ko na aalis kami patungong Batangas naging ganto ang reaksyon nila.
"Opo, sa rest house nila Kyle" sabi ko habang iniinom yong ginawa ni tita na hot chocolate
"Naka pamili na ba kayo?" tanong ni tita
"Doon na po kami bibili, mas mura daw po kasi roon." paliwanag ko
Napansin ko na malapit na ang oras ng pagkikita kita namin kaya naman nagpaalam nako na aalis nako, dahil baka ma late pa 'ko.
Sumakay ako ng dyip, papunta sa school. Tapos baba nalang sa gas station.
Nang maka rating ako doon nakita ko na nandoon na si Sebasta, Kyle, Venice, at Kalare. Nakita ako ni Kyle na bumaba ng dyip kaya naman dali dali itong lumapit sakin para tulongan buhatin yong mga bagahe ko.
"Kanina pa kayo?" tanong ko sa kanya ng maka lapit ito sakin
"No, we just got here. Did you slept well?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa ibang kasama
I just nodded as my answer. Nakita kong nasa malayong part ng gas station si Venice, she's just standing there while looking at her phone. She's wearing a short blue jeans, white top at black na polo na ginawa niyang parang cardigan.
"Bakit nandoon si Venice?" i ask Kalare, na nasa loob ng kotse
"She doesn't like the smell of the gas, so nandoon siya sa far away" Kalare answered, nilabas naman nya medyo ang ulo nya sa may bintana ng kotse parang may sasabihin pa ata sakin "You sure sasama sya?" tanong nya
Sabi na nga ba eh.
"Sasama yon kalma. Tsaka nakapag ambag na siya diba? Pipilitin din yon ni Nevan so kumalma ka" i assured her, medyo napa ngiti naman siya sa sinabi ko
"Sinong sasama?" singit ni Kyle sa usapan namin
Agad namang nag iba ang mukha ni Kalare ng makita ang kuya nito.
"May naririnig ka bang chismosong bubuyog? Ako kasi oo!" inis na ani ni Kalare at tinarayan si Kyle
"Attitude. Don't ask me for money" banta sakanya ni Kyle
"I'm just joking, noh." agad naman itong bumaba ng kotse at kumapit sa braso ng kuya nya "Your the best kuya ever kaya, so don't stop to spoiling me a lot of stuff" pambobola nya
"You need something?" naka singkit na tanong ni Kyle
"I want to get the new Gucci purse" nahihiyang ani ni Kalare
"You just bought a handbag yesterday. Ang gastos mo, isusumbong na kita kay dad" medyo tumaas ang boses ni Kyle roon
"No! Wag mo kong isumbong. I'm going to save money for that nalang" malungkot na saad ni Kalare
YOU ARE READING
Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE)
RomanceMeet Shantel Bautista, a captivating Humss student navigating the aftermath of a heart-wrenching breakup. Despite her beauty and independence, she's stuck in the past. Enter Kyle Diaz, the charismatic STEM student secretly admiring her. He's determi...