Stranger 5: Ignore

492 12 0
                                    

LUCINE'S POV:

--
AFTER that encounter with Erika, pinili kong iwasan si Luke at nagpakalunod ako ng trabaho sa opisina. Doon na rin ako natutulog at halos ayaw ko nang umuwi sa bahay dahil gabi-gabing pumupunta si Luke para lang kausapin ako.

"Lucine, anak? Wala ka bang balak umuwi ngayong gabi? Nandito si Luke hinahanap ka niya." sambit ni Mama habang kausap ko siya sa telepono.

Hindi na rin siguro ito nakatiis na huwag akong tawagan dahil tatlong araw na akong hindi umuuwi sa bahay at ginawa kong camping site ang executive office ni Mr. Creighton. Nakahiga ako sa visitor's lounge yakap-yakap ang kumot na dala ko at ang gym bag na nasa ilalim ng work desk ko.

"Ma, ayoko ko po munang kausapin si Luke. Pauwiin niyo na po siya."

"Ano bang problema anak? O may problema nga ba kayong dalawa at ayaw mo lang ipaalam sa amin ng Papa mo?"

"Ma sa amin na lang po 'yon ni Luke. Labas po kayo do'n kaya pauwiin niyo na lang po siya."

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama. Alam niya kasi kung paano akong magalit dahil pareho naman kami ng ugaling dalawa - hindi namamansin kapag galit na.

"Siya sige na. Magpahinga ka na at sasabihin ko na lang kay Luke na pinag-oovertime ka ng Boss mo."

"Salamat po Ma."

Naputol ang tawag ni Mama at saka ako tumalukbong ng kumot at doon umiyak. Hindi ko kayang sabihin kay Mama na merong ibang babae si Luke at hindi ko siya kayang harapin.

Kung bakit ba naman kasi ayaw magpaawat ng luha ko gayong ilang pagsubok na ang dinaanan ng relasyon namin ni Luke eh nalalagpasan naming dalawa.

Bakit ang sitwasyon na ito napakahirap tanggapin ng sistema ko? Matagal na ba talaga akong niloloko ni Luke?

Kinabukasan maaga akong nagising at agad kong inayos ang kumot na ginamit ko bago ko ibinalik sa gym bag na dala ko. Kumuha na rin ako ng pamalit na damit at saka ako lumabas ng executive office para maligo sa banyo na nandito sa 40th floor.

Kompleto naman ang mga gamit sa loob ng banyo, may sabon, shampoo, mouthwash, toothpaste at tooth brush. Ako lang naman ang gumagamit non dahil may sariling comfort room na ginagamit sina Rain at nasa kabilang ibayo ng pasilyo ito malapit sa cubicle nila.

Isang puting long sleeve at mini skirt lang ang suot ko. Hindi na rin ako nagdala ng coat dahil makakabigat lang 'yon sa gym bag na dala ko.

Matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ko, agad akong bumalik sa opisina at hinarap ang trabaho ko nang hindi pa nag-aalmusal.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatutok sa laptop ko nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina kaya naman agad akong lumabas. Tumambad sa akin ang bulto ni Rain na may dalang dalawang paper bag.

"Bakit ang dilim ng opisina? Hindi mo ba binuksan ang blinds? Hindi ka na naman kumain ng almusal no? Ipapaalam ko lang sa'yo Lucien na libre ang pagkain sa canteen kaya kumain ka. O yan! Kainin mo."

Sunod-sunod na tanong nito sa akin.

Iniabot sa akin ni Rain ang supot ng pagkain at isang baso na naglalaman ng kape. She know's my situation right now and I told her if ever Luke decided to visit me in this company, he's not allowed to be here. Maging ang guards sa ground floor ay sinabihan na ni Rain na huwag papasukin ang nagngangalang Luke Mercado.

"Thank you, Rain." mahinang sambit ko dito.

"Kuh! Kung hindi lang kita kaibigan baka itinulak na kita sa bintana nitong executive office ni Sir. Bakit ba kasi ayaw mong kausapin ang fiancé mo?"

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon