Stranger 20: Punishment

476 6 0
                                    

LUCINE'S POV:

KASALUKUYAN kaming nasa canteen ni Rain at isang simpleng tshirt at jeans lang ang suot ko matapos sirain ni Cassius ang office attire ko. Aniya, pupunta siya rito sa opisina para sa isang meeting na kailangan niyang puntahan.

Ayoko sanang pumasok nang ganito ang itsura ko kaso naiinis ako kay Cassius kanina dahil muntikan na akong ma-late at nagtaka pa si Rain kung bakit ganito ang itsura ko gayong nasa loob kami ng kompanya. Kung hindi siguro ako kilala ng guard malamang hindi nila ako papapasukin.

"Bakit ba sambakol 'yang mukha mo at parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" usisa ni Rain sa akin habang iniinom nito ang inorder na softdrinks.

"Wala. May nangyari lang kasi sa bahay at isa pa kailangan kong mag-shopping mamaya dahil wala na akong isusuot na office attire." tamad na sambit ko.

"Piliin mo naman yung medyo sexy at daring para naman makakuha ka ng papabols dyan hindi yung magmukmok ka dahil sa pakikipaghiwalay ni Luke sa'yo."

Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Rain at saka kami nagpatuloy sa pagkain. Walang ideya si Rain na kasal na kaming dalawa ni Cassius, ang anak ni Mr. Crixen Felip Creighton. Isang malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano kaming naikasal ni Cassius at may hawak siyang mga papeles na nagpapatunay na mag-asawa kaming dalawa.

Nang matapos kaming kumain ni Rain, agad kaming bumalik sa trabaho at nadatnan namin na nagkakagulo sa hallway sa hindi namin malamang dahilan.

"Ay, anyare?" usisa ni Rain gayong magkasama kaming dalawa.

"Malay ko? Magkasama tayo diba?" sagot ko. Inirapan ako ni Rain at saka nito kinorner si Mitch na isa sa mga executive staff.

"Anong meron girl?" tanong ni Rain dito.

"Dadating si Mr. Creighton at ang anak niya kasama ang board of members." ani ni Mitch.

"Eh, bakit nagkandaugaga kayo? Sanay naman na tayo na biglang susulpot si Mr. Creighton diba?" wika naman ni Rain.

Hindi lang naman ito ang unang beses na biglang magsu-surprise visit si Mr. Creighton at isa pa minsan na ring pumunta rito si Cassius noong mga panahong ginawa kong camping site ang opisina ng Daddy niya.

"Oo nga pero kasi diba ang pogi ng anak ni Sir at balita ko single raw yun kaya hindi magkanda-ugaga ang mga dalaga rito. Malay mo, isa sa atin matipuhan ng anak ni Sir, diba? Kaya mag-ayos na kayong dalawa. At ikaw Veravesta kailangan ka roon sa office ni Sir bago pa sila dumating."

Napakunot na lang ang noo ko bago ko tinanguhan si Mitch at nagpaalam ako kay Rain na pupunta na ako sa cubicle ko. Pagpasok ko sa executive office ay siya namang pagtunog ng phone ko kaya naman lumapit ako sa mesa ko at kinuha ang phone. Nakalagay doon sa caller ID ang pangalan ni Cassius kaya naman agad ko itong sinagot.

"What took you so long answering my calls Mrs. Creighton?" Bungad ni Cas nang masagot ko ang kanyang tawag.

"B-Bakit? May nagawa ba akong mali?" kinakabahang tanong ko rito bago ako naupo sa swivel chair ko.

"I've been calling you for a hundred times, what are you doing?" bakas sa boses nito ang inis at mukhang kanina pa nga tumatawag sa akin.

I bit my lip as I heave a sigh and answered him.

"I was with Rain at kumain kami ng lunch sa canteen. Bakit ka ba napatawag?" rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Cas sa kabilang linya at mukhang frustrate ito masyado dahil sa tagal ng pagkakasagot ko sa tawag niya.

"One of your relatives asked me to talk with you about the journal. They can't reach your phone because I blocked them using my own system. Instead of pestering you, I let them talk to me directly." aniya.

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon