Stranger 33: Concept House

381 7 0
                                    

LUCINE'S POV:

SUMALUBONG sa amin ni Cassius ang maingay na canteen matapos naming puntahan ang laboratoryo ni Doc Gun and as usual, ang maingay na boses ni Saviel at Sinji ang aming nabungaran habang pinapalibutan nila si Fumiko at Thunder na bagong kasal.

Magkahawak kamay na lumapit kami ni Cassius sa kumpulan at nakiusyuso kung ano ang kanilang ginagawa. Fumiko, Saviel, Sinji, Andrew and Cold are playing some sort of mobile games. I think it's Fumiko's game inside the pro league at mukhang hinamon nila ang babae sa pustahan.

"Magkano ang pusta?" tanong ko kay Sytry na siyang may hawak ng pera at abala ito sa pagbibilang.

"Limang libo lang."

Dumako ang paningin nito sa akin bago bumaling kay Cassius at muling ibinalik ang atensyon sa pera pero muli ring naiangat ang mukha nito nang mapansin ang katabi ko.

"Tangna! Ikaw ba 'yan, Creighton?"

Sabay-sabay na napalingon sa amin ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Sytry.

"Oy gagu! Si Creighton nga!"

"Pft! Mukhang ermitanyo ang loko."

"Dang! Saan kang gubat galing, Cassius?"

Samu't-saring reaksyon ang natanggap ng asawa ko mula sa mga kaibigan niya bago ako nito ipinaghila ng upuan sa tabi ni Saviel.

"Fvck you! Hindi ako galing sa gubat." napipikang sambit ni Cassius habang nanatili itong nakatayo. Nakapatong ang isang kamay nito sa sandalan ng kinauupuan ko habang ang isa naman ay nakasilid sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Psh! Mukha kang galing sa gubat dahil dyan sa itsura mo, Creighton. Mabuti't nakilala ka pa ni Lucine?" ani ni Thunder na mukhang tinamaan na naman ng kalokohan sa utan habang nakaakbay ito sa kanyang asawa na si Fumiko na seryoso lamang ang mukha habang naglalaro sa cellphone nito.

"Mas mukha ka namang unggoy sa akin." pabalang na sagot ni Cassius dahilan para matawa kaming lahat.

"Fumi~~ inaaway ako ni Cassius, awayin mo rin siya!" ani ni Thud sa kanyang asawa ngunit hindi siya nito pinapansin.

"Huwag kang magulo, Thunder Clyborne, sayang ang pusta ko pag natalo ako." sagot naman ni Fumiko sa lalaki.

"Ano bang pusta mo?" takang tanong naman ni Thunder.

"Ipinusta niya ang TCD Tech," sagot naman ni Sytry.

"Sus! Yun lang pala. Kaya kong magpatayo ng isang daang kompanya para pangpusta ng asawa ko!" mayabang na sambit ni Thunder.

"Syempre kasama ka sa pusta. Pag natalo si Fumiko, hello divorce paper ka." ani naman ni Andrew na naging dahilan para mapabunghalit ng tawa ang mga lalaking nakapalibot sa amin, syempre bukod sa amin ni Cassius dahil napapailing na lang kami sa klase ng pustahan nila.

"Fumi ko huwag kang magpapatalo!" baling ni Thud sa kanyang asawa.

"Huwag ka kasing magulo -- o ayan, napatay tuloy!" padabog na binitawan ni Fumiko ang phone niya sa mesa at nakalagay doon kung ilang minuto mareresurrect ang hero niya. Wala akong alam sa mobile games so hayaan na lang sila.

Binalingan ko si Cassius at tiningala ito matapos kong hawakan ang dulo ng damit niya kaya naman bumaba ang paningin nito sa akin.

"Nagugutom na ako," nakangusong sambit ko sa kanya.

Inilapat ni Cassius ang kamay niyang nakapatong sa sandalan ng kinauupuan ko sa aking ulo bago niya 'yon marahang ginulo.

"Stay here, magluluto lang ako." aniya.

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon