LUCINE'S POV:
--
NAGKATIPON-tipon ang mga Veravesta sa mahabang mesa rito sa loob ng dining hall. Sinji and the gang didn't stay inside our mansion because Luther is a busy person and so as the others. Tanging naiwan na lang ay si Cassius, at ang magulang ko. Hindi rin naman nagtagal si Mr. Creighton dahil may flight daw ito umano.Nahihiya pa nga akong tawaging Daddy si Mr. Creighton dahil siya pa rin ang Boss ko. Tanging kalansing lang ng kutsara at tinidor ang maririnig sa hapag-kainan. Tahimik lang din kami nang mga magulang ko at si Cassius pero ramdam ko ang masasamang tingin na ipinupukol sa akin ng mga batang Veravesta.
Hanggang sa matapos ang umagahan namin, nagpasya si Lolo na sa library na lang kami mag-usap usap at wala akong ideya kung ano nga ba ang kailangan naming pag-usapan gayong hindi naman kasali sa angkan nila ang pamilya namin.
"Iiwan ko ang lahat nang ari-arian ng mga Veravesta sa ilalim ng pangalan ni Lucine."
Nahigit ko ang sarili kong hininga nang sabihin 'yon ni Lolo. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Cassius at doon humugot ng lakas.
"What the hell?"
"This can't be real!"
"Oh my god! Paano ang future ko?"
"That's unfair Lolo." angal ng isa sa mga kapatid ni Papa pero ang mga magulang ko ay tahimik lang.
"That's my last will testament since Lucine got married! Walang sino man ang pwedeng tumutol nang kahit na sino sa inyo dahil ako pa rin ang masusunod sa bahay na ito!"
Napaigtad pa ako nang paluin ni Lolo ang mesa habang ang mukha nito ay seryoso lang at pinipigilan nitong sigawa ang mga apo.
"That bitch doesn't deserve that kind of money, Lolo! Isa nga lang siyang sekretarya sa kompanya ng asawa niya at baka pinikot niya pa para lang makawala kay Luke!" Miriam stated.
Gusto kong umalis sa kinauupuan ko pero hindi ko magawa hanggang naramdaman ko ang yakap ni Cassius sa akin na parang sinasabi niya na huwag akong mag-alala dahil meron akong kakampi.
"Miriam!" sigaw ni Lolo at nagulat kaming lahat nang matumba si Lolo at agad na dinaluhan nila Papa.
Tumawag ng ambulansya sina Tita. Cassius held my hand and led me to outside as the others were panicking.
"You should rest, Lucine."
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sinabi ni Cassius dahil naging blangko ang utak ko hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng kotse at nagsimulang umandar 'yon palayo ng Isabela.
Nagising na lang ako dahil sa bigat na nakadagan sa ibabaw ng tyan ko at pagmulat ko, nakayakap sa akin si Cassius. Umangat ang mukha ko papunta sa kanya at saka ako tumagilid ng higa at hinarap ang natutulog na mukha ni Cassius.
Akala ko si Cassius lang ang makikita kong gwapong nilalang pero mas higit pa ang mukha ng mga kaibigan niya lalong-lalo na ang kapatid ni Sinji. Meron silang iba't-ibang aura na ibinibigay sa paligid nila na nagbibigay misteryo kapag nakaharap mo na sila. Pero sa likod noon ay meron silang iba't-ibang personalidad na agad kong nagustuhan.
"You're melting me, Love." Cassius mumble while his eyes are still shut.
I smiled at him and hugged him tightly. Nagsumiksik ako sa leeg niya at amoy na amoy ko ang panglalaking pabango niya.
"You look tired?" usisa ko.
"Not really. I just came from a mission before I go to Isabela to attend that party. I didn't know you were there and I didn't realize that was your family."
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romance**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...