LUCINE'S POV:
--
ISANG linggo na ang lumipas mula nang lumipad si Cassius papuntang Egypt at isang linggo na rin ang lumipas mula nang sumugod si Miriam sa akin sa opisina para lang hingiin ang journal na ibinigay sa akin ni Lolo."She didn't hurt you, I mean your cousin?"
Nabalik ako sa huwisyo at bumaba ang tingin ko kay Cassius na naka-video call sa akin. I told him about what happened and he wants to go back but I told him I am fine.
"Muntik na niya akong sapakin kung hindi lang dumating si Rain," sagot ko.
Umayos ng pagkakaupo si Cassius sa ibabaw ng kanyang kama at sumandal sa headboard at ginawang unan ang kanyang braso. Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil mukha siyang modelo sa hitsura niya ngayon.
He look so hot with his position in front of the camera ang he's not wearing his contact lenses.
"Why are they chasing you with that journal when in fact your grandfather gave it to you?" ani ni Cassius na parang normal na usap lang ang namamagitan sa amin.
Sumampa ako sa kama at padapa akong nahiga doon habang hawak-hawak ko ang aking cellphone. Kakauwi ko lang galing sa bahay ng mga magulang ko at may kinuha akong ilang importanteng gamit at sakto namang pagdating ko sa condo ay siya namang pagtawag ni Cassius sa akin.
"It's because of the inheritance, Cas. Laman ng journal na 'yon ang lahat ng ari-arian ni Lolo at Lola at isa pa mas mabuting nasa kamay mo 'yon." Kahit ang totoo hindi ko pa nababasa ang laman 'non.
Napabuga na lamang ng hangin si Cassius at saka ito pumadaosdos ng higa nang makarinig ako ng komusyon sa kabilang linya.
"Hey, Cas, kanina ka pa namin tinatawagan!" galit na boses ang umalingawngaw mula sa pwesto ni Cassius. Boses ng babae. I don't know her.
"What is it? I am talking with my wife," tipid na sagot naman ni Cassius.
Ni hindi man lang ito nag-abala na takpan ang hubad baro nitong katawan nang biglang pumasok ang babae sa kwarto niya. Bumangon mula sa kama si Cassius at naupo ito sa gilid ng kama habang nasa screen ko ang dibdib ni Cassius at ang tyan nitong kumulubot dahil sa pagkakaupo nito.
"Nag-asawa ka lang kinalimutan mo na kami? Ang sama mo, Cassius," panibagong boses naman ang narinig ko at pamilyar na 'yon sa akin. It was Miss Sinji.
Meaning, magkasama sila ni Cassius sa Egypt?
Gusto ko sanang patayin ang tawag para hayaan silang mag-usap kaso hindi naman nag-abala si Cassius na magpaalam sa akin at hinahayaan niya akong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Drop the drama, Sinji. What do you want Kastiel?"
"Pupunta tayo ng Iceland dahil 'yon ang utos ni Boss. Nagkaroon ng break-out ang mga preso at kailangan nating asikasuhin 'yon." sagot ng babae na tinawag ni Cassius sa pangalang Kastiel.
Wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila at kung bakit kailangang pumunta ni Cassius sa Iceland? I think he's too busy but he gave time for me.
"But I am still talking with my wife."
Nakarinig ako ng singhap at mukhang nagulat sila sa sinabi ni Cassius.
"Siraulo ka ba!?" Mabibigat na yabag ang narinig ko at sa isang iglap, ang mukha ni Sinji at isang babae na sa tingin ko ay si Kastiel kaya napangiwi at pekeng ngiti ang iginawad ko sa kanila dahil nahiya ako bigla. Ang ganda nung Kastiel.
"Oh, hi Lucine? Kumusta?" masayang bati sa akin ni Sinji nang agawin nito ang cellphone kay Cassius kaya naman bumangon ako sa kama; sa mismong kwarto ng condo ni Cassius. Dito na kasi ako tumutuloy dahil mas safe rito kaysa sa bahay namin kung sakaling lusubin ako ulit ni Miriam.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romansa**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...