LUCINE'S POV:
--
KAHARAP ko ngayon ang mga magulang ko habang kinakausap nila si Luke. Ang sarap lang sa pakiramdam na ikakasal na kaming dalawa.Ilang taon na rin kami bilang magboyfriend at girlfriend. Hindi ko inaasahan na hahantong kami sa simbahan.
"So, when will be your wedding Luke?" usisa ni Mama kay Luke habang nakangiti maging si Papa na nasa tabi nito.
"The sooner the better po Tita. Gusto ko na po kasing makasama si Lucine,"
I smiled at him as he held my hand in front of my parents. Suot ko rin ang engagement ring na binigay niya sa akin limang buwan na ang nakakalipas.
My relationship with Luke is beyond perfection. May away at tampuhan man sa pagitan naming dalawa, namamayani pa rin ang pagmamahal sa puso namin. Luke and I are both matured when it comes to our relationship. Kapag hindi kami nagkakaintindihan sa isang bagay, pinag-uusapan namin 'yon ng masinsinan at hindi namin pinapaabot sa puntong hiwalay ang magiging solusyon.
Mayaman ang angkan ni Luke pero wala akong pakialam sa yaman nila. May sariling pera din naman ako bilang empleyado sa isa sa mga naglalakihang kompanya dito sa bansa - ang Creighton Enterprises.
"May plano na ba kayo kung saang simbahan gaganapin?"
"Kahit sa Manila Cathedral na lang po Ma. Konti lang naman ang iimbitahin natin, 'di ba?"
Ayoko kasi yong masyadong engrande dahil nakakapagod 'yon. Family and friends lang naman ang iimbitahin namin at ilang kakilala sa business world ng pamilya ni Luke.
"Ano ka ba hon, this will be the best wedding in town and I want to give you all I have for that wedding." apila ni Luke.
"You know how I hate spending your money for me, Luke. Okay na ako sa simpleng kasal lang."
"Why don't you leave it to me, Lucine? Ako na ang bahala sa church, wedding gown, invitations at reception hall?" singit ni Mama.
"Kayo po ang bahala, ma. Pero please, I want it simple than the grand one."
"I can't promise that since Luke will be the one to provide all the financial support."
Napairap na lang ako sa kawalan at hinayaan na silang mag-usap. Kahit anong pilit ko na simple lang ang gusto kong kasal, hindi papayag ang magulang ko na magmukha akong basura.
I am the only daughter of Mr. Luciano and Mrs. Celeste Veravesta and being a Veravesta is not that simple. May hacienda ang Veravesta sa ilang bahagi ng Isabela at halos doon nanggaling ang angkan namin na puro haciendero at haciendera. Syempre hindi makakaligtas ang pamilya namin mula sa pang-aalipusta nila na tila isa kaming mababang uri ng Veravesta.
Ang angkan ng Veravesta din kasi ang isa sa mga namumuno sa Isabela at karamihan sa kanila ay expose sa alta-sosyudad sa lipunan ng business world.
"A penny of your thoughts?" napalingon ako kay Luke na lumabas ng veranda kung saan ako naroon. Matapos kasi naming mag-usap, dumiretso ako dito sa kwarto ko at napili kong tumambay sa veranda.
"Nah. I am just thinking what would be the reactions of the Veravesta empire when they found out that we were getting married," Luke snakes his arms around my waist while hugging my back as he leans his chin on my shoulder.
"Don't think about them, Lucine. Ikaw naman ang pakakasalan ko at hindi ang angkan mo."
Pagak akong tumawa. Humigpit ang yakap ni Luke mula sa likuran ko at hinayaan ko lang siya habang nakatingin kami sa kawalan.
Masyadong matapobre ang Veravesta at isa si Luke sa nakaranas ng pang-aalipusta nila. Ani nila ay lolokohin lang daw ako ni Luke pero heto nga at ikakasal na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romance**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...