Stranger 39: Vows

306 5 2
                                    

LUCINE'S POV:

"Welcome family and friends. We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Cassius Elixir and Lucine Celestia. This is not the beginning of a new relationship but an acknowledgement of the next chapter in their lives together. Cassius Elixir and Lucine Celestia have spent years getting to know each other, and we now bear witness to what their relationship has become. Today, they will affirm this bond formally and publicly."

Ito na ang pagsisimula ng aming buhay ni Cassius nang magkasama. Iiwan namin ang lahat ng masalimuot na karanasan sa nakaraan at muli kaming magbubukas ng panibagong pintuan para bagong kabanata na aming tatahakin.

Cassius squeezes my hand as he place it on top of his arm while hearing the word of God using the presence of a priest.

Isinusuko na namin ang lahat sa Diyos at sa araw na ito, tuluyan na naming tatahakin ang panibagong daan kasama ang mga mahal namin sa buhay.

HuPoFEL is a home for us.

Noong mga panahong nasa poder nila ako ay hindi ko kailanman naramdaman na mag-isa lang ako. Na wala akong karamay sa laban na kinakaharap ko ngunit nandyan sila parati sa likuran ko para gumabay at hawakan ang mga kamay ko kapag gusto ko nang sumuko.

One of the things I love the most is when I meet those amazing people because of Cassius. Hindi ko akalain na merong mga tao ang nasa likuran niya na handang samahan kaming dalawa sa anumang hamon ng buhay. Nasaksihan ko rin sa kung paano silang maghirap, umiyak, lumaban at higit sa lahat ang ngumiti at tumawa na tila wala silang dinadalang problema na siyang dahilan para mahawa ako sa good vibes na dala nila.

Si Sinji at Saviel ang isa sa mga nagpapalakas ng loob sa akin at kahit puro kabaliwan lang ang hatid nila sa HuPoFEL, walang mintis ang suporta na kanilang binibigay sa bawat isa sa amin. Feeling ko nga silang dalawa ang pakpak ng HuPoFEL at si Luther ang haligi dahil kung wala siya, baka matagal nang bumagsak ang HuPoFEL.

Noong una nagulat pa ako na kasapi sila sa isang notorious na mafia o mas tinatawag sa pangalang Bloodfist. Sa mata ng mga tao ay delikado at masasama ang nasa ilalim ng pangalang mafia pero sa grupo na binuo ni Luther; isang pamilya ang nakikita ko sa kanila.

Sabihin na nating gumagawa sila ng masama pero lingid sa kaalaman ng lahat, para sa ikabubuti ng mamamayan ang isinusulong ng Bloodfist mafia. Hindi ko man maunawaan ng maayos ang kanilang ipinaglalaban pero para sa akin importante silang lahat at yun lang ang mahalaga.

Yung tipong makita ko lang sila araw-araw nang walang nalalagas sa amin kahit isa. Yung tawanan, asaran, damayan sa lahat ng bagay at higit sa lahat handa silang magsakripisyo ng kanilang sariling kaligayahan para sa ikabubuti ng nakararami.

"Cassius Elixir and Lucine Celestia will mark their transition as a couple not only by celebrating the love between themselves, but by also celebrating the love between all of us— including the love of their parents, siblings, extended family, and best friends. Without that love, today would be far less joyous."

Napangiti ako sa tinuran ng Pari.

Sa kabila ng lahat na masalimuot na naranasan ko, hindi ko aakalain na sa altar ang huling hantungan ko kasama si Cassius. At sa kabila ng lahat nang nangyari ay tinanggap pa rin ako ng mga taong nandito ngayon sa loob ng simbahan na siyang sumasaksi sa pag-iisang dibdib namin ni Cassius.

Humarap ang Pari kay Cassius at saka ito muling nagsalita. "Do you Cassius Elixir take Lucine Celestia to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?"

Napatingin ako kay Cassius at sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi na minsan ko lang makita.

"I do, Father."

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon