Stranger 17: Cousins

419 9 0
                                    

LUCINE'S POV:

--
HINDI ko alam kung matatawa ako o tatakbo na lang dahil para kaming tanga na nagsitago sa sari-sarili naming kamay nang lumapit sa pwesto namin ang mga lalaking tinitignan nina Sinji at Saviel kanina.

Hindi sumama si Cassius dahil may kausap ito at kasama ang Ama nito na si Mr. Creighton.

"So, this is the reason why I didn't find the both of you?" panenermon ng isang lalaki na masamang nakatingin kay Sinji at Saviel.

"Business ang pinunta namin dito Kuya." nakangusong sagot naman ni Sinji.

Paanong hindi sila makikita ng kapatid ni Sinji, sobrang ingay nila kanina nang hampasin ni Sinji ang mesa na nasa harap namin.

"Business my ass! You're not even included in the guest list so why are you here?" pinagkrus ng lalaki ang mga braso nito sa ibabaw ng dibdib at nanatiling nakatingin ng masama kay Sinji.

Hindi naman ako kasali pero pakiramdam ko kasama ako sa sinisermonan nang lalaking ito. Pare-pareho pa kaming nakayuko kanina pero si Sinji harapang nakatingala sa kapatid nito at sinasagot ang mga sinasabi nito.

"We invited ourselves, of course. At isa pa, kliyente ko ang Nanay nang birthday celebrant and she told me to bring some dresses for them to wear just for this night. And since Lucine is also here, we decided to stay."

Napabuntong-hininga na lamang ang binata at saka kami nito tinalikuran kasunod ang ilang lalaki na kasama nito at naglakad palayo.

"Wew! Ang galing talaga ng radar ni Kuya Luther." sambit ni Sinji at saka sumubsob sa mesa at ipinatong ang mukha nito sa braso at saka kami nito tinignan.

"Bakit pa nga ba tayo magtataka? Nasa business world din ang kapatid mo." mapaklang sagot naman ni Saviel.

Bakit parang bitter?

Sinji let out a giggle as she leans backward to her seat and looked at me. "Asar 'yan kay Kuya Luther." sambit pa nito sa akin.

Kaya naman tinignan ko si Saviel at masama nitong sinundan ng tingin ang lalaking tinawag ni Sinji sa pangalang Luther.

"Kumuha na lang tayo ng pagkain. Mukhang mamaya pa lalabas si Mirabel." anyaya ko sa kanilang dalawa at saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Sumunod naman silang dalawa sa akin at pumunta kami ng garden kung saan naroon ang mga pagkain.

Kumuha kami nang tag-iisang plato at saka kami lumapit sa mahabang mesa na may nakalatag nang iba't-ibang pagkain.

"Well, well, well! Look who's here?"

Napalingon ako sa boses ng isang babae at nakita ko si Miriam. Anak ni Tito Renan.

She's wearing a yellow ball gown and she's with Aleta, Rose and Purcia.

"Anong kailangan mo?" I asked plainly while holding my plate in my right hand.

Tinignan ako ni Miriam mula ulo hanggang paa at saka ibinalik ang paningin nito sa mukha ko.

"Even if you're wearing such an elegant dress, mukha ka pa ring basura." aniya na may halong panunuya sa boses nito.

Sanay na ako sa ugaling meron ang mga babaeng Veravesta, lalong lalo na ang mga pinsan ko.

"Aba! Hoy, sino ka ba para pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan namin!?" pumagitna si Saviel sa amin ni Miriam at ito na mismo ang humarap sa babae. Nataranta ako sa ginawa ni Sav at hinawakan ito sa braso para pigilan pero hindi natinag ang babae.

"And who the hell are you?" mataray na tanong naman ni Miriam kay Sav.

"Saviel Hyuga, Lucine's friend, you freak!"

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon